Chasing MRB-Six

409 15 0
                                    

Go Direwolves!

Woo! Goal Goal!

Direwolves! Direwolves! Direwolves!

Ang ingay ingay ng oval dahil sa game ng football team namin. Kalaban kasi nila ang top ten football team. Hindi ko sumigaw kasi baka mawalan na naman ako ng boses kagaya dati. Ito namang kasama ko halos lumipad na papunta sa baba dahil sa kakasigaw.

Kanina ko pa nga pinipigilan ang pantog ko kasi sobrang ihing ihi na talaga ako. Kaso hindi ko na talaga kaya.

"Mel! Mel! Banyo muna ako!" sigaw ako ng sigaw ako sa harapan niya. Tungo naman siya ng tango sa akin kahit di naman ata niya narinig. Nagmadala akong bumababa sa hagdanan at tinungo ang pinakamalapit na banyo buti nalang konti lang ang nasa loob.

Pagkatapos kung umihi, inayos ko ang aking sarili pati bangs ko kasi parang nilapad ng hangin eh sabog na sabog.

"Bilisan niyo jan kasi kakanta daw si David sa Stadium! Invited siya sa event ng mga taga HRM department" they giggled. Halatang halatang kilig na kilig sila. Ako naman, dito halos tumalon ang puso ko dahil sa narinig.

"Tara na baka mahuli na tayo kanina pa daw nagsisimula" nagmadali silang lumabas sa banyo. Ako naman, nag ayos pa lalo. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang akong mga daliri at ngumiti.

Nagmadali akong nagtungo sa stadium at as expected, ang daming nandito. May taga ibang department din. Nakipagsiksikan talaga ako para makapasok sa main entrance ng stadium. Kabadtrip kasi bakit ba isa lang binuksan dapat dalawang pinto para di magsiksikan.

"Ano ba!" reklamo ng iba.

"Hinay hinay naman jan! Grabe ka naman makatulak miss!" inis na usal nito sa kanya.

"Sorry" paumanhin ko.

Hiningal ako ng nakapasok na talaga ako at sakto ding nasa gitna na si David at mukhang handa na sa pagkanta.

Ang gwapo niya naka suit siya kulay light blue at nakaayos din ang buhok. Wala na nahulog na ako lalo. Panay ngiti niya sa mga manonood. Ako naman panay ngiti dito parang baliw. Sa bagay baliw naman ako sa kanya.

Please help me welcome our known to be Mr. Romantic Ballader Mr. David Vaughn Villiarde! Pakilala ng host.

Tumili ako ng tumili. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan nila ako. Pero hindi lang naman ako ang tumili halos lahat ng babae dito sa stadium.

Hello everyone I would like to say thank you for inviting me here especially all teachers and staff in HRM department thank you so much..bigla siyang kumaway kaya nagsitilian na naman.

I'll be singing today and I would like to dedicate this song to everyone..

Ang daming nagsitilian. Kahit ako baka mamaos na ako kakatili. Biglang tumunog at nagsimula na siyang kumanta.

🎶You and I may never be a perfect pair

The kind most people dream

Themeselves to be

Just as long as You and I

Are both aware

That life is what we make it to be

Then we won't care about others

Have to say

Our love will guide us

And show the way baby..

Grabe ang kabog ng puso ko dahil sa kilig na nararamdaman. Inisip kong ako ang kinakantahan niya at nasa akin lang ang mga mata niya. May nga spark na nakapalibot sa akin at palapit ng palapit sa gawi ko.

From this moment on its me and you

The road of life ahead we'll journey thru

And through it maybe winding

We'll go right on reminding

The we both have each other

Para akong sinasayaw sa magandang hardin na kasama siya. At nakatitig siya sa aking mga mata habang nakangiti.

Cherish every moment

Darling hold me fast

Live each day as through it were last

The only time and place that

We are certain of

My love, is here and now

Nagpalakpakan sila kaya napabalik ako sa wisyo. Ang daming naghiyawan at gusto pang pakantahin siya pero hindi niya pinagbigyan. Gusto ko ngang umiyak dahil sa kanya niya dahil sana ako nalang kinatahan niya. Ang ganda kasi ng kinanta niya puno ng pagmamahal.

Hanggang bumababa siya ng stage hindi naalis ang tingin ko at naglaho na ang bulto ng katawan niya. Nagmadali akong pumunta sa backstage baka nandoon siya. Buti nalang walang nakapansin sa akin kasi pasimple akong naglakad papunta roon.

Nakailang buntong hininga ako dahil sa kaba. Wala akong pakialam kung anong tingin nila sa akin sa bagay desperada naman ang tingin nila kaya lubos lubosin ko na.

Marami ang nasa backstage at may ibang binati siya. Habang ako nakatanaw lang sa madilim na sulok. Sana ganyan din siya sa akin. Bulong ng isipan ko. Sana nga..

Hinintay kong umalis ang iba para mabigay ko na sa kanya ang cap. Dala dala ko ngayon eh. Gusto kong mabigay ko yun sa kanya ngayon. Dahan dahan akong naglakad patungo sa kanya. Habang palapit ng palapit ako sa kanya parang ilang libong kuryente ata ang tumama sa puso ko.

"David" halos pabulong kong tawag sa kanya. Bahagya siyang tumigil sa pag-aayos at tumingin sa akin.

Pumikit ako ng mariin at binigay sa kanya ang cap. Yumuko ako dahil sa hiya. Humugot ako ng malalim na hininga at tiningnan siya sa mata sa mata.

Todo ngiti ako habang hinintay ang tugon niya. Napakaseryoso ng mukha niya at wala itong emosyon.

"Please tanggapin mo" pagmamakaawa ko.

"No thanks" tumalikod siya at iniwan ako. Nakatanga lang ako doon habang nakatingin sa cap na hawak ko.

Dahil sa inis ko padabog kong nilisan ang backstage at tinapon ang cap na dala ko sa basurahan. Tumingala ako sa langit at pinakalma ang sarili.

Clea darating din ang araw na papansinin ka niya. Tiwala lang. Tama tiwala lang!

--------
Don't Forget to Vote!
Kung mababasa niyo ito don't forget to comment guys. I badly need your reaction in this chapter. Kung tinatamad kayo.. Hahaha okay lang just leave it and continue reading.. Thanks!

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now