Chasing MRB-Twenty Six

402 10 1
                                    

Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Panay sulyap ako sa orasan na nasa harapan ko. Bakit ganito ang reaksyon ng puso ko. Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang kamay ko na basang basa ng pawis. Ewan ko ba baka dahil ito sa kaba. Nasira ang konsentrasyon ko dahil sa kaiisip sa pag-uusapan daw namin ni David.

Ano ba ang pag-uusapan naming dalawa?. Importanteng importante ba yun?.

Gusto kong hilahin ang oras para matapos na si Ma'am Atienza sa kakadiscuss. Nakakaantok lang kasing pakinggan ang boses niya. Pero himala di ako dinalaw ng antok dahil sa letcheng puso ko na abnormal na.

Napalingon ako kay Mel na panay sundot sa tagiliran ko. "Bakit?"

Malapad siyang ngumiti. "Kanina kapa kasi naka nga nga jan" humagikhik siya

I rolled my eyes and pinch his arm. "Sarap mong lunurin"

"Oyyyyy! Excited na excited siya oh!"

Halos manliit ang mata ko.."Tigilan mo ko baka marinig ni Ma'am Atienza" I whispered.

"Sus hayaan mo nga ang gorang nayan! Napakasuplada nakakainis! Parang lahat nalang galaw mo mali para sa kanya" nakasimangot siyang humarap sa upuan.

"Ganon talaga siya kaya manahimik ka nalang" humagikhik ako at sinundot ang tagirilan niya.

"Excited ka lang eh!" aniya na may napanunuyang tingin.

Hindi ko nalang siya pinansin sa halip at nakinig nalang ako. Ni isang salita wala talagang pumapasok sa utak ko. Lumilipad ang isipan ko mukhang sabik na sabik na makita si David. Kinikilig ka lang Clea. Sigaw ng aking isipan. Kung nagkatawang tao ka lang baka kanina pa kita nasapak.

Palihim akong napangiti. My boo. Ang sarap lang pakinggan. Yun ba ang gusto niyang itawag sa akin?. Gosh! I'm blushing.

"Ok Class be ready for our long quiz next meeting" agad na umalis si Ma'am Atienza pero bago ito lumabas. Sinulyapan nito ang buong klase at natahimik ulit kami.

"Kainis talaga yun!" inis na tugon ni Mel.

Napalunok ako ng may nakita akong pamilyar na bulto sa harapan ng pinto. Nakangiti ito sa akin teka nga sa akin nga ba. Tumingin ako sa likuran pero pader pala ang nasa likod ko. Great! Just great Clea. -___-?

"kyaaah si David!"

"Omg! Omg! Diba nasa ibang section siya bakit siya nandito?"

"waaaah nandito siya para sa akin!"

"Kapal mo girl hindi! Sa akin siya!"

Halos di ako makagalaw sa aking kinauupuan.  Bakit biglang uminit ata ang katawan ko. No way!. Namumula na ata ang mukha ko.

"Ayan na pala yung My Boo mo"

Pinandilatan ko sa mata si Mel. She's grinning like a devil. She's crazy.

Deretso itong naglakad papunta sa kanya. Halos nagkaugaga ako sa upuan ko. Nagbaba ako ng tingin at niligpit ang notebook na nasa arm chair. Oh God! What the hell is happening to me. Sobra sobra ang kaba na nararamdaman ko.

"My Clea Ortiza tapos kana?"

Mariin akong napapikit. Waaaaah! Buset na puso 'to!. Ayuko na baka himatayin na ako sa kaba.

"Omg! My Clea Ortiza! Kakilig ka David waaaah" tumili na si Mel at panay palo sa braso ko.

What the fudge Mel you make me so nervous as hell!

Nilagay ko ang notebook sa aking bag at huminga ng malalim. Relax Clea si David lang yan. Bwisit! Anong lang ka jan? He's David and I'm fucking in love with that guy. Gosh! I couldn't breath. I need air shit!.

"Oh sige David alagaan mo yang bestfriend ko ah mauna na ako"

Napatingin ako kay Mel bigla. Umiling iling ako pero iniwan niya lang akong nakatanga doon. Biglang umupo si David sa tabi ko. Nanlaki ang mata ko at umiwas ng tingin. His skin is touching my mine. Parang libo libog bultahe ng kuryente ang tumama sa sistema ko. No way!. Di ako makahinga.

"Akin na yang bag mo ako na magdadala" He ask me.

Umiling iling ako at napilitang ngumiti "Ahm..hindi na..ano..k-kaya ko..ahm.. Kaya ko naman" halos nauutal akong magsalita. Gosh! Ang init.

"Okay so shall we?" bigla siyang tumayo at naglahad ng kamay. Nakatitig lang ako sa kamay niya. Nagdadalawang isip akong tanggapin iyon.

Laking gulat ko ng bigla niyang kinuha ang kamay ko kaya napatayo ako ng wala sa oras. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hinila niya ako palabas ng room. Natutop ang bibig ko. Wala na I'm speechless now.

"Ahm..David..san tayo?" panay lunok ako habang nakatuon ang tingin ko sa kamay namin.

"to my favorite spot I want to tell you something"

Napapikit ako dahil sa lamig ng boses niya. Parang kumakanta siya sa akong pandinig. Halos liparin ako sa kilig. Di ko na kaya. Gusto kong ilabas talaga pero hindi. Nakakahiya naman. Sobrang nakakahiya kamo.

"Ok" tipid kong tugon.

Hanggang nakarating kami kung saan ang paborito niyang tambayan. Umupo siya damuhan kaya napaupo rin ako. Hindi niya binatawan ang kamay ko.

Napatitig ako sa mukha niya. He's gorgeousness never fails to impress me. He's fucking hot. Yes he did and looks like a prince charming in fairytail movies. Of course I'm his princess.

"Ahh...anong pag-uusapan natin?" nakatitig parin ako sa mukha niya.

He smiled genuinely that makes me drown.
"We will talk about Us" aniya.

"Huh?"

Humigpit ang hawak niya sa aking kamay at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Gosh! Mariin akong napapikit.

"I like you and you're mine" he whispered.

My eyes widen with disbelief and my eyes met his. He's staring at me intimately. Is he going to kiss me? Erase erase erase!.

What the fudge is he talking about?

I took a deep breath. "David" I whispered.

"You're mine my Clea. Mine alone" may diin na sabi nito habang malapad na nakangiti.

Napasinghap ako nagbaba ng tingin. Nanginginig ang kamay ko. I'm his what?. Ugh! Sheeeeet! Kinikilig ako. Gosh.

---------
A/N: Mamatay ka sana sa kilig Clea! Its a dream come true Clea. Grab it na! Now na! Hahaha lol

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now