Chasing MRB-Forty Seven

237 8 0
                                    

Naikwento ko kay Mel ang tungkol sa nangyari nung weekends. Ang gaga kilig na kilig parang kulang nalang gumulong gulong sa sahig. Pero may napansin din naman ako sa kanya parang naging blooming na siya. Maganda naman talaga siya pero mas lalong gumanda.

"Ang swerte swerte mo talaga kay David bes! Di ko akalaing ganon pala siya ka sweet sayo" sabay palo sa braso ko

"what?"

Nanatili akong nakatitig sa kanya. "Anong meron at bakit ata ayos na ayos ka ngayon?"

She rolled her eyes.."Anong gusto mong suotin ko yung pambahay?"

Kunwari pa talaga."Bestfriend kita kaya alam kung kailan ka iiwas"

Mukhang nakuha niya naman ang sinabi ko. Bahagya itong napabuntong hininga.

"Gusto ni Ford na e cheer siya mamaya sa practice game nila kaya ito ako" nahihiya niyang tugon.

"So hindi ka pala makakasama sa akin mamaya? Manonood ako ng practice game ni David"

"Mukha nga"

Tinapik ko ang balikat niya at ngumisi.. "E cheer mo siya para sumaya naman yun"

Nanlaki ang mata niya at parang kulang nalang mag pormang puso ito dahil sa saya na nakikita niya sa mata nito.

"Talaga? Akala ko kasi di mo magugustuhan eh"

"Botong boto nga ako sayo para sa kanya, patinuin mo yun Mel kasi malakas mangutong yun kay Zelle"

"Hahaha oo naman ako ang mangugutong sa kanya"

Napasapo ako sa aking noo at napailing. Baka nga tulungan niya pa ito kung paano mangutong kay Zelle. Ewan ko nalang sa kanilang dalawa.

Napagdisyunan naming pumasok na. Wala namang bago kasi puro discuss at kung may quiz man, hindi ko naman pinababayaan ang pag-aaral ko. Naging inspirasyon niya pa si David dahil dito. Lalo na magkatabi sila sa unang subject at last subject nito.

Pagkatapos ng klase, naghiwalay na agad kami ni Mel dahil alam ko namang pupuntahan niya roon ang pinsan ko sa oval. Same department kasi sila ni Sage and speaking of Sage ewan ko kung saang lupalop na yun napunta. Baliw na baliw yung sa pinsan kong si Zelle.

Ang sarap kayang ma inlove.

Narating ko ang court at nahagip ng mata ko si Zia na kasabay ko lang pala.

"Clea nandito ka rin pala?"

Ngumiti ako.."Manonood ako ng practice game ni David"

Tumango tango ito at malapad na nakangiti. "Congrats pala sa inyong dalawa anyways tara na e che-cheer ko rin kasi si Kenneth"

Nanlaki ang mata ako sa narinig.. "Kayo na ni Kenneth?" hindi ko maiwasang itanong.

"Nanliligaw pa lang siya at nandito rin ako para bantayan siya alam mo na maraming higad dito" humagikhik ito.

"Tama ka nga! Kaya tara na" alok ko sa kanya. May dala pa itong nakabalot na pagkain at inumin.

Syempre meron akong dalang pulpu juice na paborito ni David. Nagtatawanan kami ni Zia habang naglalakad sa gilid ng gym kung saan naroon ang basketball court.

"Oh?  Clarice is here Clea"

Nawala ang ngiti ko dahil nakita ko si Clarice na nakaupo sa bench kung saan naroon ang upuan ng mga players. Nanlilisik ang mata habang nakatitig sa kanya.

"Sabi ko nga sayo diba may higad talaga" sarkastikong natawa si Zia pero nakahawak ang kamay nito sa kapulsuhan niya.

"Relax Clea show her your bitchy attitude"

Natawa at napailing ako. "Seryoso?"

Tumaas ang kilay niya. "Why not? Alam ko namang may gusto  yan sa boyfriend mo dati pa daaah! Di na nga nadala"

Tumango tango ako. "Hihihi" humagikhik ako.

One wrong move Clarice lilipad talaga itong kamao ko sa mukha mo. Hihihi.

Pasimple kaming umupo sa bench ni Zia. Si Zia naman panay sulyap sa akin. Mukhang gusto gusto niya ata ang mga nangyayari. Bitchy attitude huh? Nice Zia. Salamat sa ideya mo.

*prrrtttt

Tumunog ang buzzer hudyat na break muna. Tumayo ako para salubungin si David pero naunahan ako ni Clarice may dala pa itong towel at agad na pinunasan ang mukha ni David. Si David naman mukhang nagulat at di makaimik.

Dahil sa inis ko, nag short cut ako sa unahang upuan at mabilis na humakbang sa gawi nila.

Marahas kong hinugot ko ang damit ni clarice na ikinagulat niya. Halos nanliit ang mata ko na nakatingin kay David na napalunok pa ng makita ako.

"Hindi mo man lang siya itinulak?"

"Sorry naman nagulat lang talaga ako baby boo sorry na"

Imbis na sagutin ko siya bumaling ako kay Clarice na malapad na nakangiti.

"He likes me Clea" taas noong lintaya nito.

Nanginginig ang buong sistema ko dahil sa inis. Nanggigil ako at parang gusto ko siyang suntukin sa mukha. Relax Clea Relax..

Humugot ako ng malalim na hininga at matamang tinitigan si Clarice. May biglang humawak sa braso ko.

"Don't touch me!"

Marahas ko itong iniwaksi. Naiinis parin ako sa kanya.

"Baby boo sorry na"

Taas noo kong tiningnan si Clarice at nilapitan siya. Pinigilan ako ni David pero hindi ako nagpadala. Iniwaksi ko ulit iyon. Nakita kong semeryoso ang mukha ni Clea at napaatras.

"So inis na inis ka dahil may gusto si David sa akin"

Calm down clea..

"May I remind you Clarice that David is my boyfriend kung tatangakain mong agawin siya? Huh! I pulled a trigger and shot your fucking brain, hindi mo pa ako nakitang magalit Clarice kung kating kati kana jan.." tiningnan ko ang baba niya.. "Wag ang boyfriend ko! Naiintindihan mo?" pinanlakihan ko siya ng mata.

Lumalit pa talaga ako sa kanya. Kung gusto mo ng gulo Clarice? Sige ibibigay ko sayo. Hindi siya makaimik at parang nanunubig ang mata niya.

"Sabi mo deperada ako at anong tawag mo sa sarili mo ngayon?  Kahit may girlfriend na yung tao humahabol ka parin?  Tanga ka! Kaya don't me Clarice"

Hindi makaimik ito sa halip ay tumakbo ito palabas ng gym. Alam kong masakit ang sinabi ko pero para naman marealize niya na nagmumukha na talaga siyang desperada.

"Baby boo I'm very sorry"

Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. Ang mga mata niya ay puso ng emosyon. Na may halong pag-alala.

"Its okay"

Hindi ko namamalayang nasa gitna pala kami ng Court at mukhang nasa amin ang atensyon nilang lahat.

"No you're not nagulat lang talaga ako sorry na" malambing na lintaya nito.

Napasubsob ako sa dibdib niya at napasinghap dahil sa mahigpit na yakap nito. Nag kurba ang labi ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko naman siya matitiis eh. Mahal ko siya.

"Sorry na ha ikaw lang naman ang mahal ko wala ng iba" dinampian siya ng halik nito sa noo.

"Oo na okay na tayo"

Napakagat ako sa aking pang ibabang labi at napangiti. Ito na naman nawawala sa wisyo ang puso ko.

"I love you" he whispered.

"I love you too"

Hindi ako magsasawang sabihin yan sayo David. Palagi mong pinapaalala na mahal mo ako at patuloy kitang mamahalin.

---------
A/N: Epilogue na susunod. :)

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now