Chasing MRB-Twenty Eight

331 12 0
                                    

Tahimik lang kaming kumakain dito sa mini garden ni mama. Napapalibutan lang kami ng bulaklak at may kaunting puno. Mas tahimik at masarap ang simoy ng hangin dito. Regalo ito ni papa sa kanya nung ten years anniversary nila as a married couple. Buti nalang talaga hindi tumutol si Ford kasi over protective pa naman yun pag dating sa akin.

"Clea"

Halos mabulunan ako sa aking kinakain. Nakahanda dito ang maraming cookies at favorite juice niya pero hindi niya pa ito ginagalaw. Mas kinain niya yung paborito kong homemade burger.

Nagtaas ako ng tingin "Ahm huh?" sorry naman speechless ako. Tulong naman jan grabeng kaba ang nararamdaman ko.

Ngumiti siya at sumimsim ng juice na pinabili ko kanina kay Ford. He's staring at me. Gosh!.

"Sorry for being coward honestly Clea ano.. Ano.." Napakamot siya ng ulo kaya natawa ako. He's cute you know. Nahihiya din pala siya.

"Anong ano David?" I smiled at tumaas bahagya ang baba ko. He's tall you know kahit nakaupo kaming dalawa.

"Dammit!" he almost whispered pero narinig ko yun.

"David stop cursing nasa hapagkainin tayo" hindi parin nawala ang ngiti ko para hindi siya maoffend. Letcheng puso mas lalo akong kinakabahan bwisit.

"I'm sorry Clea for hurting you and keep you wait I'm very sorry" aniya. I can feel his sincerity.

Umayos ako ng upo.."You don't need to David stop saying sorry Its my choice David ang importante na totoo ka"

"Be comfortable with me Clea please" he pleaded.

Napasinghap ako at tumango. "I'll try kasi ano..nahihiya kasi ako sayo eh.. Gosh!" bulalas ko.

"Haha you're cute you know I like that"

Natawa na rin ako. "Bakit ikaw din naman ah" nag pout ako at kumagat sa burger. Nagtatawanan kami para kaming timang na dalawa.

He suddenly stop laughing.. "Sorry if I dragged your bestfriend and cousin onto it Clea hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko para malapitan ka" nagbaba siya ng tingin and he sip his juice.

Honestly I'm touched with his confession. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala. Baka kasi panaginip lang ang lahat.

"Buti pa nga ako ang lakas lakas ng loob para mapansin mo doon mo lang pala ako papansin kung hindi na kita pinansin" humagikhik ako.

Nawala bigla ang ilangan naming dalawa. Nagiging komportable na akong makipag-usap sa kanya. I really love this guy God I'm so blessed.

"I don't have that confident Clea but I'm very thankful that you came into my life" he slightly smile. He stood up at lumapit sa akin.

Bigla niya akong hinila at napasubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib. Mariin akong napapikit dahil sa gulat. Niyakap niya ako ng mahigpit na dahilan na parang tumigil ang paghinga ko.

"I really want to do this before my boo pero wag mong isipin na nag ti-take advantage ako sayo ha just this hug for a minute" he whispered.

I can hear his heart beat. Parang tumatambol sa loob. Hindi na maalis ang ngiti ko at niyakap ko na rin siya.

"Ikaw lang ang nagpapatibok ng puso ko ng ganyan ka lakas" he chuckled.

Gusto kong maglupasay sa kilig. Parang uminit ang pisngi ko. My God! You're blushing Clea. Alam ko at ayaw kong makita yun ni David. Ang bango bango niya parang ayaw ko na siyang bitawan pa.

Malilintikan talaga sa akin si Mel dahil sinabi niya lang naman kay David na nagpapanggap lang akong hindi siya pansinin. Bwisit na babae yun!. Pero okay lang basta akin lang si David. He's mine.

Humiwalay siya sa pagkakayakap at dinampian niya ng halik ang aking noo. Halos maiyak ako sa kilig. Oh God! Ang sweet niya. Kinikilig ako. Sobrang kilig. Letche di ko mailabas!

"I love you my boo"

Nanlaki ang mata ko at tumingala sa kanya. Nagtama ang aming mga mata pero panah kurap ako.

"Anong sabi mo?" tanong ko. Baka kasi guni-guni ko lang yun. Ayukong mag assume nasa getting to know each other stage pa kaya kami.

Umiwas siya ng tingin.."wala akong sinabi"  bumaling siya sa akin ulit pero malapad ng nakangiti.

"Ahhh" tumango tango pa ako. Wala naman pala siyang sinabi. Sabi ko nga guni-guni ko lang yun. Akala ko totoo na baka tumalon talon na ako sa tuwa. Hindi pala. Epic fail. -___-!

"Ang ganda ng garden niyo gusto ko ulit bumalik dito" bulong niya habang pinasadahan ng tingin ang paligid.

"Okay lang na bumalik ka dito welcome ka palagi David at kilala ka naman nila nana so okay lang"

"Kilala nga nila ako pero hindi ko pa nakilala ang mom at dad mo"

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Ano daw? Gusto niyang makilala si Papa at Mama? Nakooo! Patay talaga ako ni Papa. Baka magalit yun sa kanya nasabi ko pa naman ang tungkol sa kanya ni papa.

Bumaling siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "Para hihingi ako ng permiso sa kanila pero sa tamang panahon alam ko namang nag-iisang anak ka lang kahit mahirapan man ako o pahirapan man ako ng parents mo kakayanin!" masigla niyang sabi.

Napalunok ako. Hindi niya pa nga sinasabing mahal niya ako. Aakyat ba siya ng ligaw o ano?. Ugh!  Di ko alam. Letche. Pero nagustuhan ko yung sinabi niya.

"My boo" bulong nito.

"Ahm..bakit yan ang tawag mo sa akin?" sa wakas natanong ko rin sa kanya. Matagal ko ng gustong marinig ang sagot niya sa tanong ko.

"Cause you're my baby,.my queen" He smiled.

Napatakip ako ng mukha at tumalikod sa kanya. "I didn't see it coming gosh!" bulong ko. Nagpaypay ako ng aking kamay sa aking mukha. Shit!  I'm sure namumula na ang mukha ko.

"Are you okay Clea? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan" tanong niya na may halong paglalambing.

Umiling iling ako at nanatiling nakatalikod sa kanya. Kung alam mo lang David, kung alam mo lang kung gaano kalakas ang tama ko sayo. You didn't know that my mind keep chanting your name. 

--------
A/N: Kinilig ka ulit. Tama na ilabas mo na. Di ko na kinaya! Nyay!  Haha.

Chasing Mr. Romantic BalladerDär berättelser lever. Upptäck nu