Chasing MRB-Five

418 5 0
                                    

Wag mo silang pansinin Clea. Hindi ka susuko diba? Hindi.

Palagi nalang yan ang inisisigaw ng isip ko. Di naman talaga ako susuko kahit minsan masakit na. Alam kong papansin din niya ako balang araw. Hays. Ilang beses ko nabang inulit ulit ang mga salitang yan.

"Clea Ortiza!"

Napalingon ako sa likuran. "Bakit?" tanong ko kay Xander.

"Sabi ng pinsan mo manood ka daw ng game namin ngayon" he smiled. Kasamahan pala siya ng pinsan ko.

"Oh? Sabihin mo ayaw kong e cheer siya manigas siya!" umirap ako at tumawa. Si Xander lang ata ang close ko sa ka teammates ni Ford which is my cousin.

"Sige na please! Just cheer me up instead" he chuckled. I saw someone is coming behind him.

It was Mel.

"Hoy Xander Musta?!" tanong ni Mel sabay suntok sa braso nito. May pagkaboyish kasi si Mel kaya ganyan sadista minsan.

"Ganyan kaba bumati ng gwapo Melody?" he winked at her and chuckled.

"Hoy! Wag mo nga akong kindatan para kay Clifford papa loves lang ang puso ko" kinanta niya pa ang sinabi niya.

Napasintido kami ni Xander at napailing. "You're crazy" usal ni Xander.

"Yeah right crazily inlove with my football captain! Wooo!" sigaw ni Mel sabay suntok sa hangin.

"May game sila ngayon ikaw nalang manood"

Nanlaki ang mata niya at tumalon talon."Kyaaah! Omg! Ang hot pa naman ni Clifford forever loves ko manood tayo sige naaaa!" she pleaded. Feeling ko talaga malapit ng mag pormang puso ang mga mata niya.

Nagkatinginan kami ni Xander na bahagyang napangiwi kay Mel. "Alam ba ni Captain na may gusto ka sa kanya?" tanong ni Xander habang nagpipigil ng tawa.

Natigilan si Mel at napalunok ng ilang beses. Humarap siya kay Xander.. "Please Xander wag mong sabihin waaah ayukong ma turn off siya sa akin I mean please hindi niya kasi alam at ayaw kong malaman niya no! Secret lang natin 'to ha" niyugyog niya pa si Xander kaya hinila ko siya.

"Pwedi ba tama na yan alam ko namang matinong kausap si Xander eh may crush pa naman yan kay Althea" humigkhik ako at ang reaksyon ni Xander? Totally epic.

"What? Hahahaha! Patas na tayo hala!" tawa ng tawa si Mel at pati na rin ako natawa dahil nanlaki ang mata ni Xander at napalunok.

"Bakit ata nasali ako sa usapan niyo?"

Natigilan kami at nanlaki ang mata. Omg! Totally epic na talaga dahil narinig ni Althea ang sinabi ko.

"Ahm ibang althea yun no! Diba Mel?" siniko ko si Mel na nakatanga lang din.

"O-oo naman haha diba Xander?" tuminin kami kay Xander na nakatitig lang kay Althea. Patay! Na love at first sight lalo.

Hinila ko si Althea palayo kina Xander. Alam kung hindi niya maintindihan ang sinabi ko.

"Althea you misheard it you know sabi kasi ni Xander na alam niya na si Althea nagkagusto sa kanya pero hindi ikaw yun" tumango tango siya at ngumiti.

"Akala ko kung ano na" She smiled genuinely.

"So saan punta mo?" tanong ko sa kanya.

"Sa Oval may game ngayon ang football team natin"

Napanganga ako sa sinabi niya. Nagpaalam siya at iniwan akong nakatanga.

Bumalik ako kina Mel na seryoso ding nag-uusap agad namang tumigil sa pagdating ko.

"Guys I can't believe this! Omg Xander si Althea manonood ng game niyo! Galingan mo ah!" I giggled at sinapok ko siya sa dibdib. Ang tigasin nitong si Xander eh.

"hahaha baka kamo hindi maka goal yan! Dahil naiihi na sa kilig" tumawa na parang witch si Mel. Grabe makatawa parang wala ng bukas eh. Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga studyante dito.

"Sabay na tayong pumunta roon" alok ni Xander sa amin. Kaya napagdesisyunan naming manood ng game. Second day of class pa may game agad sila. Grabe naman.

Nakasulubong namin ang ibang taga business department na parang nag niningning ang mga mata. Nababaliw na ata sila eh bakit ata sa gawi namin nakatingin.

"Xander wag mong akbayan si Clea baka mapagkamalan kayong mag jowa kadiri!" humagikhik si Mel habang ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa backpack niya.

"Bagay naman kaming dalawa ah" sagot ni Xander at kumindat pa talaga sa amin.

Hinawi ko ang kamay niya na nasa balikat at inirapan siya. "Sumbong kita kay Althea tingnan mo" I whispered. Bigla nalang siyang lumipat sa tabi ni Mel at ngumiti.

"behave na si Xander gwapo Alfonso" aniya.

Tumawa silang dalawa ni Mel magsasalita na sana ako kaso di ko natuloy dahil may biglng bumangga sa akin galing sa likuran. Kumunot ang noo ko kung sino ang marahas na bumangga sa akin.

"Sorry Clea nagmamadali kami" Si Ken tapos ung nasa unahan niya ay si David.

Tumigil ito sa paglalakad at tumingin sa  kanya ng masama. Parang galit itong nakatingin sa kanya.

"ok lang Ken" sigaw ko. Agad naman silang umalis palayo sa gawi namin. Napabuntong hininga nalang ako at tumingon kina Mel at Xander na nakatitig pala sa akin.

"Tara na guys?" alok ko sabay ngiti.

"Ok ka lang ba talaga?" tanong ni Mel sa akin.

"Oo naman palagi naman akong Okay ah ikaw talaga"

Tumango siya pero si Xander panay sulyap sa akin. Ang totoo hindi naman ako okay eh. Pinipilit ko lang na maging Ok ang lahat. Kaya smile lang jan Clea isip isip ng paraan para pansinin ka ni David. Kahit masama ang tingin niya kanina hindi naman hadlang yun para tumigil na ako.

I won't stop pursuing you David Vaughn Villiarde.

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now