Ikatlong Yugto

136 6 0
                                    

NAGISING AKO dahil sa yugyog ni Trexy since siya ang katabi ko.

"Hoy! Gising tayo na lang iniintay!" kinusot ko ang mata ko bago ay bumangon na.

Pagkatapos kong mag- ayos ay pumunta na kami sa isang breakfast food chain, pagdating namin ni Trexy ay nandoon na nga sila.

Bakante ang upuan sa kabilang tabi ni Thed na siyang kinabigla ko, mukhang sinet-up ako ng mga loko.

Wala akong nagawa kundi umupo sa tabi ni Thed. Pag-upo ko ay tilian ang isinagot ng mga kaibigan ko na siyang ikinunot noo ni Thed bigla naman akong nataranta.

"Oy! naka-order na ba kayo? Ang ingay ingay niyo dyan" suway ko baka kasi mainis si Thed ng dahil sa kalokohan nila.

"Oo naka-order na kami! Kahiya kasi sayo tulog mantika ka." sinamaan ko lang naman ng tingin si Carl.

Nang dumating ang order ay kumain na kami agad nagstop over lang talaga kasi kami tutuloy uli kami ng byahe mamaya napagod driver namin.

Ang ingay nila habang na kain samantalang si Thed naman ay tahimik lang at nagmamasid, napapatingin lang din naman ako sa kanya ng palihim baka kasi makita niya ko, nakakahiya.

Nagkakilala kami ni Thed ng dahil sa kaibigan kong si Carl kasi parehas namin siyang kaibigan. Ewan ko nga lang kung alam niya bang may feelings ako sa kanya eh, sa tingin ko kasi masyado akong obvious lalo na't inaasar pa ko sa kanya ni Carl.

Nang matapos kumain ay sumakay na kami sa sasakyan at sinumulan muli ang mahabang byahe.

BUMABA NA kami ng makarating kami sa lugar na pagsi- swimmingan, ang ganda dito. Masaya akong kumuha ng mga litrato sa lugar na to.

"Tara na at mag-book ng cabin." Tumango naman kami sa sinabi niya.

Agad akong humilata sa kama ng makapag-book kami gabi na rin kasi hindi na ko nagbihis at diretso nakatulog na.

********

hikhok

You belong to me (Il Fiore Series #1)Where stories live. Discover now