Ikalabing-Walong Yugto

54 2 0
                                    

NAGISING AKONG NASA KAMA ko habang nakataklob ang kumot sa katawan ko. Ang natatandaan ko ay sa sofa ako nakatulog. Hanggang sa naalala ko si Thed. Siguradong binuhat niya ako papunta dito.

Kinuha ko ang cellphone ko at bumaba. Wala si Thed. Tinignan ko ang orasan at naalalang may pasok nga pala siya ngayon at base sa oras ay ilang minuto na lang ay matatapos na ang klase niya.

Umupo ako sa mala stool bar naming upuan dito sa kusina at binuksan ang cellphone ko pagkatapos kong isalang ang bigas sa rice cooker. Pagbukas ko ng inbox ay may text doon galing kay Thed. Kanina na pa nasend ang text na ito. Probably after he left me for school.

Thed:

I'm going home in your house tonight. Tita knows.

Napatayo ako at naghanap ng pe-pwedeng mailuluto sa ref. May isda at karne. Siguro magluluto na lang ako ng tinola.

Kinuha ko ang mga sangkap na kakailanganin ko sa ref at nagluto na para sa hapunan.

NAKANGITI KONG ibinaba ang sandok ng masiyahan ako sa niluto kong tinola. Hindi ito sobrang sarap pero makakain naman ito ng maayos.

Naghuhugas ako ng mga ginamit ko sa pagluluto nang marinig ko ang busina ng sasakyan. Nang matapos maghugas ay pinunasan ko ang aking kamay bago buksan ang pinto kung saan may kumakatok.

"Hey." Nakangiti kong anas sa kanya. Isang matamis na halik lang naman ang bungad niya sa akin bago kami pumasok sa loob ng bahay.

"I'm sorry, i'm a bit late, umuwi pa kasi ako ng bahay para kunin ang mga gagamitin ko bukas." Paliwanag niya habang iniintay akong maupo sa sofa dito sa sala katabi niya.

"Its ok. I didn't get bored actually, cause I did cook a lunch for us." Nakangiti pa ring anas ko bago tuluyang umupo sa tabi niya.

Sinalubong niya ako ng yakap sa bewang napaatras pa ako nang malabing niyang hinaplos ang pisngi ko gamit ang ilong niya pero hindi rin ako nakaatras ng malaki dahil nga yakap niya ang bewang ko.

"Hmm." Ramdam ko ang pagpisil ng kamay niya sa bewang ko ganoon din ang pilit niyang pagsiksik sa leeg ko.

He pulled me closer that he thinks the space between us shouldn't be there. He put me in between his thight legs and pulled me even closer to him, to the point that i can feel his broad shoulders in my back.

"Are you going to attend the class tomorrow?" Malambing na sambit niya sakin. Nalulunod ako.

"Yep you know, i can't just absent the whole week." Malambing niya akong hinalikan sa baba ng tenga ko at marahang tumango tango.

Hinawakan ko ang right legs niya at sinulyapan siya.

"We should eat, sayang ang niluto ko."

Wala na siyang nagawa kundi tumangi at pakawlan ako. Tinulungan niya akong maghain ng kakainin namin. Siya ang nagsandok ng kanin para sa aming dalawa, siya na rin ang naglagay ng ulam namin.

"You know, i can do that" napatingin na man siya sa akin at dahan dahan ng tuluyang umupo.

"I can do it too." He kissed a peck on my lips before eating his dinner.

Napairap na lang ako at kumain na lang ng tahimik. We did a small talks about what we did this whole day. After eating he insist washing the dishes and letting me rest. Aniya niya ako daw ang nagluto kaya siya daw ang maghuhugas.

Nasa sala ako ngayon at nanood ng palabas. Naupo siya sa tabi ko ng matapos siyang maghugas.

"Anong oras ka uuwi?" Tanong ko sa kaniya.

"Im sleeping here."

"No you're not." Ulat ko kaya nabaling ang tingin niya. Kunot noo niya akong tinignan at mas lumapit pa sa akin.

"I am." Bahagya ko siyang tinulak nang halikan niya ako ng mabilisan sa pisngi. Namimihasa na naman to.

"Wala kang dalang damit pamalit!"

Pilit ko siyang tinutulak dahil nanggigigil na siya sa paghalik sa pisngi ko ngunit hinawakan niya lang ang kamay ko at ipinirmi bago itinuloy ang kanyang ginagawa.

"Say's who?" Hinila ko ang kamay ko at hinampas siya ng hindi kalakasan sa braso para matigil ang ginagawa niya at makapag- usap kami ng maayos.

Napabuntong hininga siya bago kinuha ang bag niyang nasa lamesa dito sa sala. Binuklat niya yon at ipinakita sa akin ang uniform niya, mga medyas, pang-tulog na damit at iba pang gamit niya na kakailanganin niya para bukas na maayos na nakatupi. Itinabi niya iyon at bumaling muli sa akin.

"You ok now? Pwede na bang wag mong ipagkait sa akin ang pagmamay-ari ko?" Naningkit ang mata ko sa sinabi niya at muli siyang hinampas.

"Pagmamay-ari ka dyan! Namimihasa ka ah!" He just chuckled and hugged me.

NANG MAKARAMDAM ako ng pagod at antok agad niyang pinatay ang telebisyon at binuhat ako papunta sa kama ko gusto ko pa sanang makipagtalo pero nadala na ko ng antok ko sa init ng katawan niya.

Inilatag niya ko ng dahan dahan sa kama ko bago hinalikan ang noo ko, hinamplos niya ang buhok ko bago bumulong.

"Sleep well, baby."

You belong to me (Il Fiore Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora