Ikatatlumput-Siyam na Yugto

15 2 0
                                    

INALALAYAN AKONG MULI ni Thed sa pagbaba matapos niya akong pagbuksan nang pinto nang sasakyan niya. Napatingin agad ako sa kanilang bahay. Wala namang nagbago sa labas.

I felt his hand on mine so I looked at him. He kissed my forehead and whispered.

"You won't leave me after this, right?" Malungkot na ani niya kaya naman pinisil ko ang kaniyang kamay.

"Oo naman." He kissed me and hug my waist.

"When you left, I started hating dinner parties." Napabuntong hininga ako at hinaplos ang pisngi niya.

"I won't leave you this time." Anang ko. Tumango tango siya bago muling hinawakan ang kamay ko para makapasok na kami sa loob.

"Senyorito, dito ho tayo sa garden." Anang nang isang kasambahay bago ako nginitian.

"Mam, ser. Naririto na po ang senyorito kasama ang nobya niya." Sigaw naman nung isa pa para maipaalam sa mga magulang ni Thed.

Nang makarating na kami roon ay nabigla pa ako nang makita si Andria. Mas gumanda siya at tumangkad. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang nginitian niya ko kaya nginitian ko na lang rin siya.

Nang makita kami nang Mommy ni Thed ay agad niya aking nilapitan at niyakap, samantalang si Thed naman ay walang emosyon sa mukha at mukhang walang pake sa nangyayare

"Hija, akala ko'y nagbibiro lang si Thed nang sabihin niyang dito kayo magdidinner. Grabe ang saya saya ko!" Nabigla ako nang nangilid ang luha nang Mommy ni Thed nilapitan naman kami nang Papa ni Thed para aluin ang kaniyang asawa at batiin kami.

Wala pa roon ang Senyora kaya naman pinaupo na muna kami. Nasa tapat ko si Andria na nakatingin kay Thed. Namamangha sa tali nito sa kaniyang buhok na siyang itinali ko kanina.

Nagpakilala ang mga Tito at Tita ni Thed sa akin at ganun rin naman ako. Napasulyap ako kay Thed na pinaglalaruan lang ang mga daliri ko sa ilalim nang mesa at walang pake sa nangyayare.

"Good evening.." Nandig ang balahibo ko nang marinig muli ang boses niya. Naroon siya sa dati niya pang pwesto at sinalubong ang tingin ko. Naka-wheel chair na siya ngayon at mukhang mahina na talaga. Wala siyang sinabi nang makita ako at ang kaniyang apo na walang pake sa nangyayare.

"Architect Lee." Tawag niya sa akin kaya naman napatingin na kong muli sa kaniya.

"Good evening." Kaswal niyang sabi na parang gustong gusto niya ako dati. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Thed sa kamay ko.

"Good evening." I lost my respect to her since the day she offered me money just to leave his grandson.

"Let's eat." Agad nilagay nang mga kasambahay ang pagkain sa lamesa nang marinig nila ang sambit nang Senyora.

"So, your a successful Architect now. I assumed you have a company?" Tanong nang Senyora nang magsimula kaming kumain.

"Yes." Maiksing sagot ko, mukhang namangha siyang tahimik ako ngayon. Ayoko lang talaga nang gulo. Nakakahiya sa ibang pamilya ni Thed na naririto. Magiging okay lang ang lahat basta't hindi niya binabastos ang pamilya ko.

"Where?"

"I have one in the New York." Bahagyang kumunot ang noo nang Senyora bago muling ngumiti.

"So why are you here, then?" Lahat kami ay napatingin sa Senyora nang sabihin niya yon.

"Ma." Pagsaway nang Mommy ni Thed kay Senyora. Mukhang nagulat rin si Senyora na iba pala ang tama nang tanong niya sa amin.

"W-what I mean is do you have plan's on building a company here in the Philippines?" Pambawing tanong nang Senyora

You belong to me (Il Fiore Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon