Ikasiyam na Yugto

65 2 0
                                    

Special POV

*******

Sam:
Usap tayo, sa park doon sa tapat ng condo mo.

Ang bobo ko, sinaktan ko na naman siya, napatingin na lang ako ng muling magvibrate ang cellphone ko.

Sam:
Bilisan mo.

Kaya dali-dali na kong lumabas ng condo at pumunta sa park.

Nahagip agad ng mata ko si Sam na nakaupo sa bench sa ilalim ng puno, kaya nilapitan ko siya.

"Sam" mahinang sabi ko nang humarap siya hindi ko inaasahan ang isasalubong niya sakin pero alam ko sa sarili kong deserve ko yon.

"Tumayo ka, at magpaliwanag" mahinahon ngunit seryosong sambit niya pagkatapos niya kong suntukin.

"S-sam, ayoko na! P-pagod na ko" sambit ko habang hinahawakan ang panga ko at tumatayo, ngunit parang mas na galit siya sa sinabi ko.

"Ayy! magaling, sinong ginagago mo? Alam mo ba kung anong nadatnan namin sa condo ni Jha? basag na vase, sira sirang mga gamit" sabi niya hindi ako nagsalita dahil parang may sasabihin pa siya, yumuko na lang ako.

"Kaso ang mas malupet pa dun sira yung salamin niya tas naglaslas na naman" dahil sa sinabi niya napaangat ako ng ulo ko.

No! Nasuntok ko yung bench sa sobrang guilt.

"Tapos ngayon iiyak- iyak ka? Wow lang ah!" hindi ko na pansin na umiiyak na pala ko.

"S-sam.." nanginginig na tawag ko habang nakayuko, ramdam ko ang paglapit niya naupo na pala siya sa tabi ko.

"Anong nangyare?" tanong niya hinarap ko lang siya at niyakap, sobrang pagod na ko.

"S-sila Mommy nalaman nila at ang gusto nila ay hiwalayan ko si Jha, kung hindi ko gagawin yun baka may mangyaring masama kay Jha.." sumbong ko kay Sam.

"Shhh, okey pero sana sinabi mo yan sakanya nag-usap man lang kayu, hindi na sana umabot sa ganto" sermon niya habang hanahagod yung likod ko

"I-im sorry, naunahan kase ko ng takot" sagot ko at kumalas sa yakap namin.

"Kamusta na si jha?"

"She's fine, stable na raw ang kalagayan niya" sagot ni sam tumango lang ako at palihim na ngumiti, a bitter one.

"Im sorry this is all my faul-"

"Shh, ano ka ba! Walang may gusto nito, ok? Tama na, sige na magpahinga ka na, babantayan ko pa kasi si jha, ipahinga mo na rin yang panga mo namaga eh" sabi ni sam

Ramdam ko nga ang hapdi ng panga ko.

"Ok lang, i deserve your punch" sagot ko.

"I know, sige na bye!" sabi niya tsaka tumalikod at nagsimulang umalis.

I hope Jha is okey, im sorry for hurting you.

******

Special child! Ayy special chapter pala.

You belong to me (Il Fiore Series #1)Where stories live. Discover now