Ikatatlumput-Anim na Yugto

33 4 3
                                    

MINULAT KO ANG MATA KO at hinayaang mag-adjust ang aking paningin sa sinag nang araw. Bahagya akong nabigla nang makita si Thed sa tabi ko ganun rin sa ayos namin.

Magkaharap kami habang nagawa kong unan ang isang braso niya habang ang isa naman niyang braso ay mahigpit na nakakapit sa bewang ko. At doon ko na alala ang nanyari kagabi.

Napapikit ako nang maalala ang sobrang tagal kong pag-iyak sa bisig niya kagabi. Parang ako ang lasing sa aming dalawa kagabi.

"Dagdag kahihiyahan ka talaga, Samantha!" Bulong ko sa aking sarili. Napatingin ako kay Thed nang bigla siyang gumalaw, nagkamot lang nang kaniyang leeg ngunit muli ring ibinalik sa aking bewang ang kapit bago ako mas lalong hinapit papalapit. Buti na lang at hindi siya nagising.

Jusko, Niligtas ko ba ang buong mundo nung past life ko at biniyayaan ako nang isang lalaking ganito? Maladiyos ang itsura niya lalo na na mahaba na ang kaniyang buhok. I wonder why he didn't cut his hair. Napatingin akong muli sa dibdib niya kung na saan ang pangalan ko. Nasisinagan yon ng araw dahil wala siyang suot na shirt.

Napanguso ako at nanginginig na hinaplos ang pangalan kong nakaukit sa kaniyang katawan. Hinaplos ko yon at nang hindi nasiyahan ay lumapit ako sa kaniya at pinaraanan iyon nang aking ilong bago ako lumingkis nang muli sa kaniya.

Ibinaon ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib at niyakap ang bewang niya. He growned probably because of what i did.

"Hmm, Is this your way of greeting me a good morning, baby?" Namula ang pisngi ko at bahagya siyang tiningala. Antok siyang nakatingin sakin. His bed morning voice is everything to me. I can die just to hear it.

"Good morning too, baby" Anang niya kaya para ma- itago ang pamumula ko ay ibinaon ko na lang muli ang mukha ko sa dibdib niya at hinampas ang likod niya. He chuckled softly and kiss my hair while he caress it.

"I love that." Tiningala ko siya sa kaniyang sinabi dahil sa pagtataka.

"Love what?" Naguguluhan kong tanong.

"The feeling when you kiss my tattoo." Inirapan ko siya at tinanggal ang pagkakayapos sa kaniya. Nagbago ang kaniyang itsura nang ginawa ko yon. Malamang tutol sa pag tanggal ko nang aking yapos.

"I didn't kiss your tattoo."

"Tss. It's the same." Anang niya sabay kuha nang kamay ko para igiya iyon payakap sa kaniya. Nang magawa niya ang gusto ay tsaka lang nawala ang pagsimangot.

Aangal na sana ako ngunit biglang tumunog ang cellphone ko. Sinilip ko yun ngunit hindi nagtagumpay dahil nakaharang siya. Nasa tabi kasi siya nang cabinet kong maliit na nasa gilid nang kama ko. Ngunit dahil nga nakaharap ang buong katawan niya sa akin ay naging malaking harang siya. Mas lumaki kasing lalo ang katawan niya. Mukha ngang naging walo na ang pandesal este abs niyang anim lamang dati sa pagkakakalam ko.

Muli kong tinanggal ang pagkakayapos ko sa kaniya at inalis ang braso niyang nakayakap sa bewang ko para mapuntahan ang cellphone ko. Hindi ko naitanong sa Manager ko kung may photoshoot ba kong nakaline up ngayon dahil weekend ngayon. Patayo na ko ngunit napatili ako nang bigla akong bumalik sa pagkakahiga.

"Stay. I'll get it." I swallowed hard and just stay there like he wants and saw how his muscle flexed when he extend his tattooed arms to get my phone.

"Here." Nabalik ako sa katinuan nang makita ang phone ko sa aking harapan. Agad ko yong kinuha sa kaniya bago siya tinalukaran nang higa. I whispered thanks before opening my phone.

Nanindig ang balahibo ko nang yakapin niya ko mula sa likod. His hand is on my stomach caressing it. While his face is on my neck, kissing it softly. I smiled a bit before focusing on the message i got.

You belong to me (Il Fiore Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon