Ikawalong Yugto

69 3 2
                                    

"HELLO MA?" SAGOT KO KAY Mama. Sumulyap ako kala Thed at agad nangunot ang noo ko ng makitang iritado si Thed. Ano na naman ang mood nito?

"Ay, 'asan na ba kayo?" Napabalik kay Mama ang atensyon ko.

"Hello ma, kumakain pa kami eh." Anang ko. Medyo maingay kasi dito sa labas.

"Ah ganoon ba? Siya, dalian niyo na. Baka pagod na 'yang si Xia." Wala sa sarili akong tumango kahit hindi niya naman ako makikita.

"Opo ma. Bye na. Kakain na kami." Anang ko. May mga sinabi pa si Mama bago kami tuluyang nagpaalam.

Bumalik ako sa pwesto ko. Pag-upo ko palang ay ramdam ko na ang tensyonn sa kanila pero agad akong dinaldal ni Xia kaya hindi ko na lang pinansin ang tensyong iyon.

Natapos kaming kumain at agad kaming tumayo at pumunta sa sasakyan. Mabilis lang na nagdrive si Thed kaya agad kaming nakarating sa bahay.

"Tita!" sigaw ni Xia ng magkita sila ni Mama nagyakapan pa, nagmano kami pagkatapos nilang magyakapan.

"O? Sino naman tong kasama niyo? Boyfriend mo ba 'to, Xiara?" Bahagya akong nabilaukan sa agad na bungad ni Mama.

"A-ahm, kasi ma!" Natigilan ako sa pagpapaliwanag ng marahan akong sikuhin ni Thed. Napatingin ako sa kaniya at kay Mama. Mukhang nagtaka rin si Xia na walang alam si Mama.

"Ah Ma'am, ako po si Thed Buenaventura gusto ko po sanang ligawan ang anak niyo!" Gulat na napabaling akong muli kay Thed. Kahit sila Mama ay mukhang na shock sa pagiging straight forward niya. Ikakatuwa ko ba yon?

"Eh? Ganon ba Tita nalang ang itawag mo sakin." Sabi ni Mama kay Thed. Agad akong nakahinga ng maluwag dahil doon. Akala ko kung ano pang sasabihin ni Mama eh.

"O siya, Sam. Ihatid mo na si Xiamara sa kwarto niyan. Ang bagahe iwanan mo na lang 'dyan ipakukuha ko na lang sa Papa mo pagkarating niya."

"Ako na lang po ang magbubuhat." Agad na sabat ni Thed kay Mama. Nahihiya pa si Mama pero agad din naman siyang tumango.

"O sige, sige. Nandito lang ako sa kusina kung gusto niyo pang kumain." Pumunta ng kusina si Mama.

Sinamahan ko na si Xia sa kwarto niya habang si Thed ay nasa likod. Nasa kaniya ang maleta ni Xia. Nasa akin ang maliit at ganoon din kay Xia.

Sa baba lang si Xia dahil may maleta siya. Mahirap iakyat. Tinulungan namin si Xia na magayos at magsalansan ng kaniyang mga damit. Nang matapos ay agad din kaming pumunta sa kusina. Bigla kasi akong inuhaw. Si Xia ay magpapahinga muna daw.

Kumuha ako ng tubig sa Refrigerator at nagsalin sa dalawang basong kinuha ko rin. Si Thed naman ay na kaupo lamang sa stool bar ritong upuan sa lamesa.

Nang mapuno ang dalawang baso ay dinala ko ito sa kaniya. Ibinigay ko ang isa sa kaniya at agad niya naman iyong kinuha. Nakatalikod siya sa lamesa at nakaharap sa akin. Dahil nga nakaupo siya ay naging matangkad akong tignan.

Nauna siyang matapos uminom itinabi niya ang baso niya bago gumawa ng bagay na muntik nang ikalabas ng tubig mula sa bunganga ko.

He snaked his arms on my small waist and pulled me closer to him. His lips slightly brushed on my neck because of his pull. I almost shivered when I felt his breath on my neck.

Agad akong napahawak sa braso niya at naglinga ng tingin. Takot na baka mahuli kahit wala namang ginagawang masama.

"Thed, si Mama." Kinakabahang sita ko ng naramdaman ko na ang labi niyang bahagyang dumadampi sa pisngi ko.

"Your mom's not here. She's in the backyard." Katwiran niya. Humigpit ang hawak ko sa kaniyang braso ng bumaba sa panga ko ang halik niya. Laking pasasalamat ko't hawak niya ang isang kamay kong may baso kung hindi ay sigurado akong nahulog na yon.

"Kahit na!"

"Shh." Bahagya akong napanganga ng pinatahimik niya ako. Sinisinghot niya na ngayon ang amoy ko at bahagyang kinakagat ang panga ko. I almost fell when he sensually laughed on my neck.

"Thed!" He laughed loudly. Parang pinagtitripan ako. Hinampas ko siya at agad akong lumayo sa kaniya. He just laughed then hugged me again. Nakabusangot ko siyang pinagtutulak. Pinagtitripan niya ako.

Bastedin ko kaya 'to?

"So, kailan ang kasal?" Mabilisan kong naitulak si Thed na siyang dahilan ng pagkakatama ng likod niya sa marble na lamesa dahil sa gulat ko sa biglang pagsulpot ni Mama sa likurang pinto.

"Ma." Kinakabahang tawag ko.

"Gutom ka ba 'hijo?" Napalunok kaming parehas ni Thed. Mukhang nakita ni Mama ang pagkagat sa akin ng hinayupak na ito.

"Medyo lang po."

"Kung ganon ay halika't pagkain ang kainin mo." Napaiwas ako ng tingin kay Mama. Kinuha ni Mama ang cake sa Refrigerator at inilahad ito sa pinagpapawisang mangangagat.

Muntik pa akong mapatalon ng tumunog ang telepono ko. "Excuse me po. May tumatawag sa akin."

Nang ibaling ko ang paningin ko kay Thed ay halos matawa ako ng dahil sa nagmamakaawa niyang tingin, mukhang ayaw maiwan ng mangangagat na ito kay Mama. Bahala ka't harapin mo ang kaparusahan mo. Ang galing mangagat tas takot kapag nahuli. Tsk tsk.

Lumabas ako at agad sinagot ang tawag na mula kay Jhacyl. "Hello?"

"S-sam. Please come here. I n-need someone, please." Nabigla ako sa boses niya. Mukhang pagod sa kakaiyak.

"Please, please. Masakit na, Sam. Sobrang sakit."

*******

You belong to me (Il Fiore Series #1)Where stories live. Discover now