Ikadalawamput-Apat na Yugto

42 3 0
                                    

"KYAAAAAH!!" sigaw ng mga babae dito sa loob ng gym ang ingay nila, hindi pa naman nagsisimula ang game.

"Ok. Good morning ladies and gentelmen. The game will start now. But we should welcome first our team. THE GOLDEN PHOENIX!!" Sigaw ng sigaw ang mga babae sa likod ko. Sila yung lalaban sa grupo nila Thed at Klenth.

"KYAAAH!!"

"I LOVE YOU DENCELLE!!"

"ANG GWAPO MO MARKUS!!"

"GO! GOLDEN PHOENIX!!"

Napatakip ako ng tenga. Nagsisigaw na kasi sila paglabas nung kalaban namin. Nakapwesto ako malapit sa bench ng kalaban, katabi ko si Darlyn na kumakain ng keri mo to French fries.

"Sisigaw din ba tayo kapag lumabas sila?" Sambit ni Darlyn kaya sabay kaming nag-isip, bago lumingon sa isat' isa.

"Not a good idea."

"Ayaw." Sambit naming dalawa na may kasamang pagiling.

"And the next team is. THE DARK KING'S!!" Sumigaw din ang mga babae dahil lumabas na sila Thed, mas malakas nga lang.

Nandito kami sa school ng mga kalaban namin. Dito kasi gaganapin yun, eh nahuli kasi kami ng dating ni Darlyn kaya dito kami napapwesto sa kalaban.

Nakita naman agad ako ni Thed kaya ngumiti siya, nginitian ko din siya. Nagpulong pulong ang bawat team habang nasa gitna ang kani kanilang coach.

Napatingin ako sa gawi ng isang lalaki na halatang kalaban nila Thed dahil sa uniporme niya. Nakatayo siya at diretsong nakatingin sakin, nasiyang ikinagulat ko. He's not familiar.

"Omg! Bessy nakatingin si Dencelle dito, yii!" Impit na tili na sambit ng babaeng nasa likod ko. So siya yung Dencelle?

Nakatingin parin ako sakanya hanggang ngayon. Ayoko ng sa paraan nang pagtingin niya sakin, yung akala mo hinuhubaran ka niya? Tagos ang titig niya sakin.

"That guy is staring at you. Do you know him?" Pasimpleng sambit ni Darlyn pero hindi ko parin hiniwalay ang titig ko dun sa Dencelle.

"Let him be. As if he can touch me." Nakangisi na ko ngayon ng dahil sa sinabi ko. Nakita kong nanliit ang mata niya ngunit iling iling ding nagiwas ng tingin at kinausap ang coach niya.

Naka hanging-crop top ako na mahaba yung tela sa likod habang bahagyang nagpapakita ng pusod ko ang harap. Pinapakita din nito ang point ng balikat ko dahil may butas iyon as a design. Habang ripped jeans naman ang pang-ibaba ko.

Nagtatampo pa nga si Thed dahil hindi ko dala yung banner daw niya. As if naman na sisigaw ako dito.

Ilang sandali pa at nag-start na ang game. Nakila Thed ang bola. Kitang nagulat si Thed ng maharangan siya nung Dencelle, ngunit napangisi parin siya bago nilito yung Dencelle kaya niya ito nalusutan at nakapag-shoot.

"KYAAH!"

"DARK KING'S!!!"

"NICE START!!"

"WE LOVE YOU THED!!"

Grabe ang dagundong ng mga babae sa gym, hanggang sa biglang nagring ang cellphone ko, at ng ilabas ko yon ay si Mama pala ang tumatawag.

"Lalabas muna ko, Darlyn. Natawag si Mama e." Tumango lang siya kaya lumabas na muna ko ng gym bago pumunta sa cafeteria ng school nila. Hindi naman ako naligaw medyo maliit lang naman ang school na to kaya nakita ko agad ang cafeteria.

"Anak!, ano? Panalo na ba?" Sambit ni Mama sa kabilang linya na excited na excited ang boses

"Mama! Wala pa nga sa first half eh!"

You belong to me (Il Fiore Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon