Ikaapat-napung Yugto

26 2 0
                                    

peinlee roadtrip with pogi!

Pinost ko ang picture namin ni Thed na nakasandal sa nguso nang sasakyan niya, nakangiti siyang nakaakbay sa akin habang ako naman ay nakahawak sa bewang niya at nakataas ang kamay na nakapeace sign. Buti at dala ko ang tripod ko kaya maganda ang kuha namin.

Pinost ko ren ang picture nang sunrise. Naririto kami sa Tagaytay. Nagulat ako nang bigla na lang nag-aya si Thed kanina na gusto niyang pumunta kami rito at maabutan namin ang sunrise. Ginising niya ko nang kay aga aga kaya medyo badtrip ako kanina. Hindi kasi nagsasabi.

Sinisimulan na ang pagbibuild nang company ko. Si Sheena ang naging Head Engineer non. Ayaw ni Thed maging Head Engineer dahil marami raw siyang gagawin kung ganon at hindi na niya ako makakasama. Kaya ayon nabatukan siya ni Sheena.

Nakita ko ang pagdagsa nang like's at comment's sa aking post kaya binasa ko yon habang hinihintay si Thed na makabalik dahil bumili siya nang almusal namin. Magpipicnic kami dito.

RivorKlenth : nagroroad-trip din ako pero di ko pinopost.

carlicious : @RivorKlenth gaya-gaya amp.

RivorKlenth : nauna ako sorry not sorry. :P

sheenaree_ : sanaol dinadala sa Tagaytay.

RivorKlenth : @sheenaree_ awit nagpaparinig ang bebe gurl! Punta tayo dyan basta ikaw bahala sa gas ko.

Napailing na lang ako. Palagi na lang ang comment section nang post ko ginagawa na nilang Messenger. Tumunog ang cellphone ko nang dahil sa notification.

thekristoffb posted a new picture

Agad kong tinignan ang bago niyang post. Walong picture sa iisang post niya. Ang unang picture ay yung tulog ako! Kanina yon sa apartment ko bago niya siguro ako gisingin. Ang dugyot ko tingnan letse.

Pangalawang picture ay kaming dalawa sa elevator, reflection namin sa salamin nang elevator ang nakikita. Nakayakap siya sa akin sa likod at nakahalik sa sintido ko bago ay nakapikit na parang inaamoy ang ulo ko. Habang ako naman ay hawak ang isang braso niyang nakayakap sa akin habang ang isang kamay ko ay nasa cellphone niya nakahawak.

Pangatlo ay ako ulit na nakaupo sa likod nang kotse niya, nakatulala. Medyo madilim pa don. Nilalagay niya ang gamit namin diyan sa compartment nang picturan niya ko. Pang-apat ay yung tulog ako sa kotse niya. Panglima ay ang picture ko sa kaniya habang nagdadrive siya. Pang-anim ay ang picture nang kamay naming magkahawak. Ako ang nagpicture non.

Pangpito yung picture naming pinost ko kani-kanina lang. At Panghuli ay yung nakaharap ako sa camera habang nasa likod ko ang sunrise, nakatawa ako roon. Stolen yon. Tawa ako nang tawa dahil natalisod siya, pagkatapos ay umarteng walang nangyare kaya natawa ako.

thekristoffb yeah, im happy.

Pagtingin ko sa comments nakita ko agad si Klenth. Putek! Pasimuno talaga tong hayup na to.

RivorKlenth : happy den ako pero di ko nipopost. Taena namimikture ng tulog. Malala ka na tukmol, may laway pa si @peinlee HAHAHA.

You belong to me (Il Fiore Series #1)Where stories live. Discover now