Ikatatlumput-Dalawang Yugto

22 1 0
                                    


NAPANGANGA ako ng makarating na kami sa isla kung saan ang first spot ng field trip namin, as in literal na lumaglag ang panga ko ng dahil sa ganda nito.

White sand with clear deep sea na kitang kita ang mga corals, nakahanda na rin ang mga tent na may fairy lights sa taas ng bawat tent na magkakatabi, may isa ring malaking bahay kubo sa tabi na sa tingin ko shelter ng mga teachers na kasama namin.

"Wow ang ganda dito! Picture tayo Sam" nagpicture kaming saglit ni Sheena bago sumunod sa mga teachers.

"Ok guys, ang mga kasama niyo sa tent ay ang mga nakasama niyo sa cabin's niyo alright?" Paalala samin ng isang teacher.

Pinapila ulit yung bawat Bus Number. Siguro ay para maayos kung saang tent mapupunta ang bawat isa. Sabi din nilang magsama na ang mga magkakasama sa tent.

Kaya ito nasa harap ko si Sheena, habang si Thed ay nasa likod ko. Si Klenth naman ay parang tangang nagrereklamo sa likod ni Thed dahil hindi niya man lang daw mahawakan si Sheena. Siraulo talaga.

Inuunti unti na nilang ilagay yung bawat estudyante sa magiging tent nila pero kami nakatayo pa din dito sa sulok dahil Bus Number 2 pa lang ang sinasalansan ngayon.

Hanggang ngayon ay natatawa ako sa mukha ni Sheena'ng manghang mangha. Yung tipong akala mo ngayon lang siya nakalabas sa isang kwarto.

"Saan kaya tayo pupunta dito no? Parang sobrang laki ng islang to." Sambit ni Sheena parang namamangha pa rin.

"Sabi noong mga teachers ay malaki daw talaga tong isla." Ayon naman kay Klenth na nakikisabat sa usapan.

"Tsismoso ka talaga. Lahat na lang nadidinig mo." Malamig na anas ni Thed kay Klenth na ngayon ay nakanguso na habang tinuturo si Thed kay Sheena na animo'y nagsusumbong.

Natawa ako dahil hindi siya pinansin ni Sheena habang si Thed naman ay inilingan lamang siya.

"Hindi mo na ko mahal, hmp!" Paawang sabi ni Klenth kaya mas lalo akong natawa.

Medyo maingay kami kaya di na namin na pansin na kaming Bus Number 5 na pala ang isasalansan para sa tent na gagamitin namin at dahil nga sila Thed ay nasa likod lang namin sa pila, magkatabi lang ang tent namin.

NANG NAISALANSAN NA lahat ng estudyante ay pinaayos na saamin ang mga gamit namin at sabi ay magdala ng konting gamit na dadalhin bago kami pumunta sa mismong destinasyon pagkatapos noon ay muli kaming pinapila.

Naunang naglakad ang mga teachers kasunod ang Bus Number 1 sa likod naman ng Bus Number namin ay may mga teachers din ganun din sa pinakadulong Bus Number.

May munting gubat dito sa isla dun kami pumasok. Ang sabi ay pupunta kami sa isang kuweba papasok kami doon upang tignan ang kakaibang mga Rock Formations na sabi ay doon mo lang makikita.

Sa bawat Bus Number ay may Tourist Guide na magsasabi mamaya kung anong tawag sa kuweba at kung ano ano ang tawag sa mga Rock Formations dito.

Mangha ang bumalot sa aking mga mata ng makita ang malaking kuweba doon.

"Please dont panic and dont be afraid when you see a bat inside, dont scream so that you wont disturb them. They wont hurt you. And please dont touch anything, thank you so much." Anang noong Tourist Guide.

Para makapasok ay kaylangang akyatin yung malalaking bato sa bukana ng kuweba. Ang nga batong yon ay parang malaking bersyon ng buhay na bato. Kaya kailangan nang alalay sa pag akyat doon.

Papaakyat na ko sa mga bato ngunit nabigla ako ng biglang may humawak sa braso ko upang tulungan akong makaakyat, yung Tourist Guidena parang apat o limang taon lang ang tanda sa amin, maitsura siya at matangkad.

"Tss." Yun ang narinig ko bago ko naramdaman ang pag-angat ko sa ere. Binuhat pala ako ni Thed muntik na kong mapatili dahil doon.

Nang makaangat na ko sa mga bato ay agad kong tinignan si Thed at nakita ang matalim niyang tingin sa Tourist Guide na parang handa na niyang kitilan ng buhay ano mang oras may nakatingin man o wala.

Napalunok ako bago hinaplos ang braso ni Thed upang huminahon, binilangin niya ko ng tingin bago inirapan na siyang ikinanguso ko. Kita ko ang pagtulak ng dila niya sa kanyang pisngi at paghawak niya sa kamay ko ng maghigpit nang nginisian lang siya noong Tourist Guide bago nagsimulang magsalita tungkol sa kuwebang ito.

"Tss." Magsasalita pa sana ako ngunit pinigilan ko na dahil lumipat na ang kamay ni Thed sa bewang ko at marahas akong hinila papalapit sa kanya bago kami naglakad na nang tuluyan papasok.

"Thed." Tawag ko ngunit hindi niya ko pinansin at nagpatuloy na lang kami sa paglakad. Wala naman akong ginawa.

Napanguso na lamang ako at pilit pa rin siyang kinakausap kahit na parang ayaw niya. Hindi niya naman ako iniiwasan kaya hindi ko alam kung anong problema niya. kung nagseselos siya bat di niya sabihin.

Patapos na ang Cave Tour kaya naman talagang mas kinausap ko si Thed. Hindi niya naman ako binibitawan. Nakalingkis pa rin ang braso niya sa bewang ko paminsan minsan ay inaalalayan ako. Pero hindi talaga siya namamansin eh.

"Thed!" Inis na sita ko sa kanya. Kanina ko pa kasi siya tinatawag at dahil nga hindi niya ako pinapansin ay nagtataka na yung mga nakakarinig sa amin.

"Thed Kristoff, kinakausap kita." Hinawakan ko na ang braso niya. Pinag- titinginan kami jusko. Napaka maattitude mo Thed Kristoff.

Binilingan niya ko bago ay nagtaas pa nang isang kilay niya na animoy walang problema na siyang ikinainit ng ulo ko. Unbelievable! Siya pa may ganang mag-inarte?

"Ano bang problema mo? Sabihin mo, hindi yung nagmumukha akong tanga dito. Paalala lang hindi ako manghuhula ha! Wag mong ipahula yang nararamdaman mo. Kung ayaw mo kong kausapin, edi wag mo!" Inis na anas ko bago na unang maglakad sumabay ako kay Klenth at Sheena.

NATAPOS NA ANG Cave Tour namin, hindi ko pa rin pinapansin si Thed ganon rin naman siya kaya wala akong pake. Pinabalik na rin kami sa mga tent namin. Doon kinuwento ko kay Sheena ang nangyare matapos noon ay pinalabas kaming lahat para kumain.

"Grabe ansarap naman neto, Ang fresh!" anang ni Sheena na nasa tabi ko. Hindi namin kasama sila Klenth at Thed medyo malayo sila saamin. Sabi ni Sheena ay makabubuti kung sila muna ang mag-usap at magsama.

Pagkatapos namin kumain ay pinapila ang bawat Bus Number para sa mga nais mag- toothbrush o kaya naman ay mag-hot bath.

Paminsan minsan naman ay nilalapitan nila kami pero dahil lang yon kay Sheena at Klenth. Ramdam kong sinusuri niya ko pero hindi na ko nag-abalang tingnan man lang siya.

Nasa pila kami ngayon natagalan kami ni Sheenang pumila kaya nasa pinakalikuran kami pero ayos lang dahil Bus Number na naman na namin ang gagamit. Hindi naman talaga kami ang huling huli. Una ako doon sa likod ko si Sheena bago ay si Klenth bago yung lalaking pumepeste sa gabing kong to.

Napairap na lamang ako at nag-intay. Magtotooth brush lang naman ako kasi wala akong blower. Bawal akong matulog ng basa ang buhok kaya di na ko magha-hot bath.

"Next!" Kami na yon ni Sheena.

"Bye!" Pag papaalam niya kay Klenth hindi ko na siya inintay o nilingon man lang sila dirediretso ako sa CR ng girls para magtooth brush.

"Ayy nang-iiwan." Anang ni Sheena nang makapasok na rin siya sa CR ng girls. Inirapan ko lang siya bago isinapak sa bunganga ko ang tooth brush.

Nang matapos ay nagbawas na din kami ng acid sa katawan bago dumiretso sa tent para matulog. Ako ay diretsong nahiga sa tent, samantalang si Sheena ay nasa labas. Si Klenth ata ang inaantay niya roon.

Chapter 32 - Magpupunta nang cave, tas may ibang aalalay kay Pein kaya magagalit si Kristoff, di siya papansinin Kristoff kaya magaaway sila at di maguusap kahit pagdating doon sa tents. Kinabukasan pupunta sila sa bandang gitna ng malawak na isla at makakakita ng water falls, magkakabati sila doon.

You belong to me (Il Fiore Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz