Ikalimang Yugto

98 5 0
                                    

Eto yung time na graduate na ko sa elementary❣️

°°•°°•°°•°°

Basa pa rin ako at di pa nagpapalit, nagpapahinga lang dahil darating na yung boodle fight set mamaya maya.

Ang kasama ko lang dito sa cottage ay si Trexy na mukhang may ka text nakangiti pa nga siya eh, ang iba naman ay ayon nagsi- swimming pa rin.

Pero isa lang ang napapansin ko their all acting weird.

Kanina pa sila pasulyap sulyap kay Thed na nakangisi lagi pagkatapos ay titingin sila sa akin at tatawa. May nang- yayaring hindi ko alam sigurado.

"Hi excuse me, Ms. Lee?" May nagsalita na mukhang staff dito.

"Ako yon, yan na ba yung boodle fight set?" Tanong ko at nakangiting tumango naman sa akin ang lalaki, mukha siyang kaedad lang namin.

"Sige salamat! Paki set-up na lang dito." Bago ko itinuro yung malaking lamesa dito.

Habang sine-set-up nila yung pagkain namin ay tinawag ko naman ang mga kaibigan kong nagtatawanan parin. Weird.

"Tapos na po mam" sambit ng mga staff tumango naman ako at nagpasalamat na.

"Yes! Ang sarap naman niyan!" natatawang ulat ni Sheena bago umupo na at nagsimula na kaming kumain.

"Oy! Wag mong kunin yung tuyo, itinabi ko nga yan eh!" Inis na ulat ni Carl kay Vine na natawa lang naman at kinain pa ang tuyo sa harapan ni Carl.

Napailing na lang ako sa kakulitan nila at tahimik ng kumain.

Nang matapos ay nagpahinga lang kami saglit bago sila nagsilusong na naman.

"Oh sam, di ka mags-swimming uli?" Tanong ni Trexy.

"Mags-swimming, tara!" Tsaka kami sabay na lumusong sa pool.

"Naks! Andyan na si Sam!" Natatawa na namang ulat nila bago ay napa tingin kay Thed.

Hindi ko na lang ito pinansin at lumango na lang kung saan.

Ang weird talaga nila ngayon. Ano kayang nangyayare?

****

Sorry na kung maikli naeexcite na kasi ako. BWHEHEHEH.

You belong to me (Il Fiore Series #1)Where stories live. Discover now