Ikadalawamput-Siyam na Yugto

40 1 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula noong Engagementhl party nung Ate ni Klenth and now kakatapos ko lang mag-empake nang gamit ko para sa 1 week stay namin doon sa Field trip slash Camping trip.

Nagulat ako ng kumatok may sa pinto tsaka binuksan iyon. "Anak, tapos ka na ba dyan? Kakain na tayo". Tumayo naman na ako at itinabi ang gamit ko.

"Sige Ma, baba narin ako" sagot ko at itinabi yung ibang papel ko g nakakalat. Lumabas na naman si Mama kaya nagpatuloy ako sa pagliligpit.

Nagpatuloy ako sa pagwawalis ng may magtext sakin.

Sheena:

Help!

Kumunot ang noo ko sa text ni Sheena. Kaagad ko naman siyang tinawagan.

"Hello? Ang nangyare?" Tanong ko at ipinagpatuloy ang pagwawalis.

"Eh, wala kasi sila Mama at Papa bukas. Makikisabay sana ako sa inyo ni Thed, ayos lang kung maging third wheel ako" mahabang sambit niya sa kabilang linya.

Napakamot ako sa kilay ko ng dahil sa narinig ko. "Hindi ko nga alam kung susunduin ako ni Thed, eh"

"At bakit naman hindi ka niya susunduin? Boyfriend mo kaya yon!" Medyo tumaas ang tono niya. "Don't tell me nag-away kayo?" Halata sa boses niya ang pagkadismaya.

Nagkatampuhan lang naman kami, paano ba naman isang araw walang paramdam tas maabutan kong lasing dahil lang birthday nung letseng Angel na yon.

"Then I wont tell you" nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko ng tumili siya. "Hoy! Ansakit sa tenga ha!"

Tinawanan niya lang naman ako.Tawa pa. "Sorry. Kasi naman! Bakit kayo nag-away?" Itinabi ko naman ang walis tambong hawak ko bago ko ikinuwento ang kinagalit ko kay Thed.

"Ay, paano na yan?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Ewan ko sayo" narinig ko naman siyang bumuntong hininga. "Fine! Pupunta na lang ako sa bahay niyo. Sabay na lang tayo"

"Okay, sige na! Bukas na lang" pagpapaalam ko.

"Okie, see you tommorow!" Sambit niya bago putulin ang tawag.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Naligo ako, kumain at nag-ayos, bago ko antayin si Sheena.

"Good morning!" Maagang sigaw ni Sheena.

Napangiwi ako sa ingay niya. "Hoy! May tulog pa, ang ingay mo!" Nginitian niya lang ako bago nag-good morning kay Mama, tsaka kami nagpaalam na aalis na.

Isinasarado ko na ang gate namin ng marinig ko ang impit na tili ni Sheena habang hinihila pa ang laylayan ng damit ko.

Hinapas ko naman iyon dahil hindi ko malock ang gate ng dahil sa kanya. "Wag kang malikot, bibigwasan kita"

Nangmailock ko na ang gate ay binalingan ko na si Sheena'ng hinihila parin ang laylayan ng damit ko habang nakatingin sa likod ko.

Inirapan ko naman siya. "Bakit ba, ano bang problema mo." Bago ko hinarap ang tinitignan niya.

Bahagya akong napaatras ng makita ko si Thed na nakatayo na sa mismong likod ko.

Nabigla ako ng halikan niya ang pisngi ko sa harap ni Sheena, na akala mo hindi ako galit sa kanya. "Hi babe! Good morning"

Hindi ko naman siya pinansin. "Good morning Thed, okey lang ba? Sasabay ako sainyo ni Sam?" Sambit ni Sheena kaya inirapan ko na lang siya.

"Yeah, it's fine." Hindi na ko nakaangal ng tumili si Sheena at dumiretso sa kotse ni Thed. Pahamak ka babaita ka talaga.

You belong to me (Il Fiore Series #1)Where stories live. Discover now