Ikadalawampung Yugto

61 2 0
                                    

ISANG LINGGO NA ANG nakalipas simula nung umalis si mama. Next week pa daw siya uuwi. Si Baby Cloud naman ayon kahapon kinuha na siya ni tita. Samantalang kami naman ni Thed ito ok naman. Simula nung gabing nagalit ako sakanya bumawi na siya sakin hanggang ngayon.

"Are you tired? Or do you want to eat something?" Tanong ni Thed sakin, nasa 'time zone' kami dito sa sm naglilibang lang may pasok na kasi bukas e.

"Nagugutom na ko. Kain na tayo, kanina pa tayo naglalaro dito e" Sagot ko sa kanya.

"Ok, where do you want to eat then?" Sagot niya tsaka naunang maglakad. sinabayan ko naman siya. Nang maabutan ay agad niyang hinawakan ang kamay ko.

"Sa Chowking na lang. Nagugutom na talaga ako e, yun na yung pinakamalapit kaya dun na lang" Nag-nod lang sya tsaka kami pumasok sa Chowking. Iniintay ko siyang mag-order ng may biglang babaeng pumasok din dito sa Chowking.

She's pretty. Tama lang yon para makapagpalingon ng mga lalaking nadadaanan niya, maputi, mukhang mayaman dahil sa suot palang. May kasunod siyang babae na mukha niyang P.A. dahil nasa likod lang ito may bitbit na Shopping Bag's at nakayuko pa.

Hanggang sa lumapit yung isang staff sakanya at kinuha pa ang order niya may menu pa nga e. Hindi ko alam na may ganto sa Chowking. Kung tratuhin nila yung babae akala mo artista.

"Baby? What are you looking at?" Napabalikwas ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Thed nasa kanya narin ang mga inorder niya para sa amin.

"Nothing.." Sagot ko bago nagsimulang kumain. Tumango lang naman si Thed sakin at kumain narin. Napatingin muli ako dun sa babae. Nabilaukan ako ng makitang naka-titig rin sa amin yung babae.

"Hey, what's wrong. You ok?" Inabutan niya ako ng tubig. Wala akong ibang nagawa kundi tumango tango sakanya habang umiinom ng tubig.

"Um..excuse me po" Nagulat ako ng makita ang mukhang P.A. na kasama nung magandag babae kanina. Nasa harap namin siya at nakayuko parin.

"Is there any problem?" Matigas na engles ni Thed.

"Uhm, sorry to interupt your lunch, but i just want to ask something if it's fine with you?" Mahinhing tanong niya sa'amin halata sa boses niyang gamay na gamay niya ang pagsasalita ng engles. Napatingin ako dun sa magandang babae na nakatingin pa rin sa'amin.

"What is it?" Bored na sabi ni Thed sa kanya.

"Sir, are you Mr. Thed Kristoff Buenaventura?" Nagulat ako at kilala niya si Thed.

"What do you want from me?" Diretsang tanong ni Thed

"M-ms. Angeline, she w-wants to talk to you for a while.." Kumunot ang noo ni Thed dahil sa naging saad ng babae.

"..if it's okey" Dagdag niya at napasulyap sakin, napasulyap rin sakin si Thed na parang nanghihingi ng permiso.

"Ahmm..intayin na lang kita. Text mo na lang ako kung nasan ka. Ingat"

"Are you sure?"

"Hmm" Sabay tango kong sabi.

"Tell to your Ms. Angeline to wait" Tumango yung babae at bumalik sa lamesa nila kasama yung magandang babae at kung hindi ako nagkakamali ay malamang yung Angeline na sinasabi nung babae kanina.

Napatingin ako kay Thed ng hawakan niya ang bewang ko.

"Sige na, hinihintay ka nila o!" Anyaya ko kahit labag sa loob ko.

"I'll call you ok, text me kung nasaan ka" Sabi niya tumango na lang ako at nagpilit ng ngiti tumayo na si Thed lumapit siya sakin at may binulong.

You belong to me (Il Fiore Series #1)Where stories live. Discover now