Ikatatlumput-Apat na Yugto

17 1 0
                                    

MALAKAS NA TUMUNOG ANG bell katunayan na tapos na ang klase, Friday na ngayon kaya ayos lang na magpuyat. Apat na araw na ang lumipas simula nung dinner na yon. Hindi kami naging okay ni Thed at patuloy ko siyang iniiwasan.

"Sam! May naghahanap sayo!" Sambit nung isa kong kaklase.

"Sige salamat."

Paglabas ko nang gate ng school ay parang gusto kong bumalik muli sa loob. Nandito ang Lola ni Thed.

"Hi hija! Come on let's talk." Hinila niya ako sa isang Dessert House na akala mo'y close kami.

"Maupo ka. Anong order mo?" Tanong niya.

"Wala ho. Ano hong kailangan niyo sa'kin." Diretsyahang sabi ko.

"Senyora Minerva, I'm here!" Napalingon ako sa babaeng nakikipagbeso beso na sa Lola ni Thed.

"Andria dear! Welcome back to the Philippines, sit." Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.

Maganda yung Andria. Nakadress siya na spaghetti ang strap, silk ang tela kaya bahagyang kumikintab, and it's hugging her hour-glass alike body. Makinis at mukhang alagang alaga. Mahaba ang kanyang bagsak na bagsak na buhok.

"Andria dear, this is the girl that i'm talking about. Thed's whore." Hindi ko pinansin ang pang-iinsulto niya sa akin.

"Hija, This Andria Mirhan. Thed's fiance." Nanlamig ako roon. May fiance siya?

"You heard it right. She is his fiance."

"Ano hong gusto niyong mangyare ngayon?" Natawa silang dalawa.

"May utak ka ba, hija? I want you to leave my grandson."

"Kung ganon ay mali ho kayo nang kinakausap. Si Thed ho ang kausapin niyo."

"You whore! You're so full of your self! Anong pinapalabas mo na siya ang baliw na baliw sayo?"

"Wala ho akong sinasabing ganyan." Tahimik lang din naman yung Andria.

"Ako, ang nagbibigay ng mana sa lahat ng mga apo ko. Kung ipagpapatuloy mo yang relasyon niyo, tatanggalan ko siya nang mana. Maaatim mo bang bumagsak siya ng dahil lang sa isang katulad mo?"

"Tandaan mo hija, kaya kong palubugin ang buong pamilya mo." Nagpintig ang tenga ko sa aking narinig.

"Putangina. Wag niyong gagalawin ang pamilya ko! Iiwanan ko ang apo mo. Hayaan mo lang ang pamilya ko."

"Good then! I want you to leave the country right away alright?"

Irita akong tumango.

"We have a deal hija. That's all i want to say. Thank you for your cooperation. Let's go Andria dear."

Nasuntok ko ang lamesa at dali daling umuwi nang bahay.

GABI NANG NAPAGPASYAHAN kong tawagan si Sheena para magyayang uminom. Narito na ko sa bar agad nagsisimula nang uminom kahit wala pa sila. Ayaw nilang magreply, kainis.

Iinumin ko na sana itong Vodka na binili ko nang may pumigil.

"Ano ka ba naman, di man lang nag-intay." Si Sheena lang pala. Binawi ko ang kamay ko at tinuloy ang pagshot. Sinenyasan ko ang waiter na bigyan na ko nh isang bote ng vodka.

"Antapang naman agad niyan. Bakit ka ba nag-iinom. I canceled my date for you."

"Ganon. Edi sana hindi ka na lang pumunta." Muli akong lumagok ng vodka.

"Nako nagdrama pa. Sabi ko nga iinom na ko eh."

Natahimik kami at nagpatuloy sa pag-inom. Umiikot na ang paningin ko nang tumayo ako.

You belong to me (Il Fiore Series #1)Where stories live. Discover now