Ikatatlumput-Pitong Yugto

32 6 0
                                    

"OKAY! THATS IT FOR today. Thank you everyone!" Sigaw ni Mama Imang. Agad naman nila akong nilapitan para tanggalin ang mga bulaklak na inilagay sa akin dahil yoon ang theme nang magazine.

It's tuesday today but I still don't have project's. Hindi talaga ako tumanggap dahil pinagtututukan ko nang pansin ang paggawa nang company ko rito. Bukas nang gabi ay may meeting ako sa isang restaurant para sa mga kasama kong gagawa.

"Architect, may naghihintay po sa labas. Gwapo." Nabigla ako roon. Talagang yun agad ang sinasabi niya ah. Natawa ako at naglakad na papunta sa labas nang studio para mapuntahan kung sino man ang nandoon dahil natanggal na rin naman ang mga bulaklak sa akin.

Pagsilip ko sa pinto ay nakita ko na siyang biglang umayos nang tayo. He's wearing a plain black shirt and a ripped black jeans. Napanguso ako at tuluyang lumabas nang pinto at napatingin sa bulaklak na hawak niya.

Nanlaki ang mata ko nang inabot niya sa akin yon at lumapit sa akin at hinalikan ako. Agad akong nagpalinga linga at hinampas siya nang makita ang mga staff na nakakita noon. Kinikilig at nagtitili silang umalis para iwam kami.

"Baliw ka, may tao!" He just chuckled softly and hug my waist with his firm arm.

"Are you done?" Tanong niya.

"Magbibihis na lang ako." Tumango tango naman siya at binatawan ang bewang ko. Bago muling umupo sa bench.

"I'll wait here, then." Anang niya kaya naman agad akong pumasok sa studio para makapag-ayos na. Habang nagtatanggal ako nang make-up ay pumasok si Mama Imang.

"May project ka na ba?" Tanong niya sa akin. Agad akong ngumuso.

"Sisimulan ko na sana yung pagpapatayo nang company ko, Imang." Agad nagningning ang paningin niya at pumalakpak.

"Ay sure! Grabe, i'm so proud of you na talaga!"

"Salamat Imang." Tumango tango ito bago tuluyang nagpaalam.

Nang makapagbihis na ako ay napatingin ako sa aking phone nang magring ito.

"Hello?" Sambit ko pagkasagot ko nang tawag. Inipit ko ang telepono ko sa aking tenga at balikat para makapagligpit nang gamit.

"Pein?" Natigil ako sa pagliligpit at nagtitili. I heard him chuckle.

"Easy darling, it's just me." Napairap ako nang dahil doon at mabilis na inayos ang gamit ko.

"How's the company?" Tanong ko. Siya yung kaibigan kong pinagiwanan ko nang company ko sa New York.

"Aww. How about, how am I?"

"Gab!" I heard him chuckle again.

"Just kidding. The company is fine, so am I."

"I'm not asking about you!" Pambabara ko sa kaniya at dinala na ang bag ko para makaalis na. Kumaway pa ko sa mga staff na naroon bago sinalubong si Thed.

"Ouch, you feisty girl." Natawa ako na siyang ikinakunot nang mukha ni Thed. Agad kong nilayo ang telepono ko para kausapin siya.

"It's my friend in New York." Agad nagdilim ang paningin niya at tahimik na tumango at kinuha ang bag ko.

Badtrip si Engineer. Palihim akong natawa at niyakap ang braso niya. He half heartedly avoid my touch. Kaya naman napatingin ako sa kaniya at nakitang iniwas niya ang tingin sa akin. I hugged his firm arm and caress it softly. Pinababa ko ang kamay ko hanggang sa mahawakan ko ang kamay niya. Actually nakakatakot hawakan ang braso ni Thed dahil sa mga ugat niya rito.

Napailing lang siya at pinagsiklop ang daliri namin. Napangiti ako roon at pinagpatuloy ang pakikipag-usap kay Gab sa telepono. Pabebe pa si Engineer.

You belong to me (Il Fiore Series #1)Where stories live. Discover now