Ikadalawamput-Anim na Yugto

38 1 0
                                    

"I TOLD YOU TO STOP staring at me and review all your notes instead!" Inis kong paalala kay Thed ngunit ngumiti lang siya at tumango tango tsaka nagfocus ulit sa binabasa niya. Kung totoong nagfo-focus siya.

Anong oras na rin siya nakapunta dito. Well, time check? 7:45pm. Kanina pa siya dyan, nagpapaturo kunwari pero nananatsing lang naman, kunwari nagbabasa pero nahuhuli ko naman siyang nakstingin lang sakin. Ang kulit niya!

"Paano nga ulit to i-solve?" Ayan na naman po tayo. Ano bang nakain ko at naisipan kong yayain yan dito sa bahay?

"Hindi ka ba nagno-notes? Anong ginagawa mo sa room niyo? Ha, bakit parang wala kang natututunan!?" Muli kong singhal sakanya, sobrang gusot na ng mukha ko ngayon habang nakatingin sa mukha niyang nakangiti parin.

"Eto naman! Why are you so angry? Naglalambing lang ako." Sabay nguso niya at yumuko pa. Nagpapaawa ang loko.

"Tumigil ka nga! Pinapunta kita dito para magreview tayo, at hindi para titigan ako!" Kunot noong sabi ko.

"Fine.." hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagrereview.

"Sam, Thed?" Rinig kong tawag sa'min ni Mama kaya lumabas muna kami ni Thed sa study room.

"Yes, Ma?" Tanong ko nakangiti naman niya kaming sinalubong.

"Uuwi na daw ang papa mo! At gusto daw niyang makilala si Thed." Agad akong napatingin kay Thed. Namumutla ang loko.

"Talaga Ma? Kailan daw ang uwi niya?" Tanong ko pa

"Next week na, susunduin niya narin ang kapatid mo sa lola mo" halatang excited si Mama.

"Sige na, sige na magreview lang kayo dyan. Pupuntahan ko lang yung kumare ko. Kayo muna bahala dito ha?" Tumango lang kami tsaka pumasok sa loob ng study room.

"Woi! Anong nangyare sayo? Bakit parang namumutla ka?"

"I-im not."sabay hawak sa braso niya

"Natatakot ka ba kay papa?" May halong hagikhik na saad ko.

"No." Sagot niya pero trinatraydor siya ng mukha niyang namumutla kaya natawa ako.

Agaran namang kumunot ang noo niya, at ang sama na ng tingin niya sakin.

Nagtiim labi naman ako at tumayo ng tuwid. Para pigilin ang pagtawa.

"Tss." Tinalikuran niya ako at pumunta sa balkonahe ng kwarto ko. Napanguso naman ako. Galit na siya niyan.

Sinundan ko siya at nakita ko siyang nakatingin sa kawalan. Kunot na kunot parin ang kanyang noo.

Linapitan ko siya at niyakap siya sa likod. He stiffened.

"What? If you're just going to tease me again, just shut up." Napanguso ako.

"Sorry na nga eh. Hindi na kita aasarin." Humarap naman siya sakin at Nanliliit ang mga matang pinakatitigan ako. Yung parang inuusisa niya kung nagsasabi ba ko ng totoo.

"Promise." Bahagyang nakangiting sambit ko. Bigla naman siyang umikot at pumunta sa likod ko. And with that he hugs me from behind, his chin rested at my shoulder.

"I love you." Napangiti ako ng ibulong niya sakin yon at hinalikan ako sa pisngi. Marahan siyang gumalaw habang nakayakap pa rin siya sakin sa likod.

"I love you too." Pinaharap niya ako sa kanya at iniharang ang braso niya sa magkabilang gilid ko.

"I love you more." Inilayo ko ang mukha ko ng ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, na siyang ikinakunot ng mukha niya.

"What? Ayaw mo na kong halikan? Ayaw mo na sakin? Nagtoothbrush naman ako ah? What's the problem?" OA na sunod sunod niyang tanong. Nakakunot pa rin ang noo niya.

You belong to me (Il Fiore Series #1)Where stories live. Discover now