Ikatatlumput-Walong Yugto

21 2 0
                                    

"I THINK THIS IS enough, baby." Sambit ni Thed at napatingin sa cart namin. Buhat buhat ko si Hailey.

"Dapat gumawa tayo nang listahan eh." Nakasimangot kong sabi.

"This is all we need. We can always go here, any time" Napanguso ako at napatingin kay Hailey.

"Okay. Pay for it na." Pumunta ako sa bench at doon naupo. May balak din kaming i-enroll si Hailey sa school na magtuturo nang tricks sa kaniya.

"Im done, let's go." Agad akong tumayo at pumunta na kaming parking lot.

Ibinaba ko muna sa likod na upuan si Hailey bago ako umupo sa unahan. Sumakay na rin si Thed nang maipasok na niya ang lahat ng pinamili namin at pinaandar na ang makina.

Papunta kami ngayon sa Vet para macheck-up si Hailey at maturukan na rin nang anti-rabies.

Napatingin ako sa phone ni Thed nang tumunog iyon. Tumatawag ang Mommy niya. Mukhang nakita niya rin yon pero hindi niya pinansin. Napatingin ako sa kaniya kaya naman napatingin rin siya sakin sandali bago muling itinutok sa daan ang tingin.

"Hindi mo.. sasagutin?" Tanong ko. Nag-iwas lang siya nang tingin at muling sinulyapan ang telepono niya.

"You can answer it if you want." Anang niya sa akin, nahihiya man ay kinuha ko ang phone niya para masagot ang tawag nang Mommy niya. Hindi ko alam kung alam na ba nang Mommy niyang nagkabalikan na kami, o kaya yung lola niya.

"A-anak, kamusta? Sorry napatawag si Mommy ha. Alam kong buo na ang desisyon mo sa pag-alis mo at paulit-ulit mo na tong naririnig pero, anak baka pwedeng umuwi ka na please." Rinig ko ang garalgal na boses nang Mommy niya na parang maiiyak na.

Napatingin ako kay Thed na nag-iwas lamang nang tingin at mas nag-focus sa daan. Madilim ang tingin niya at mukhang walang pake sa kung ano mang sabihin nang kaniyang ina.

"Ahm, t-tita? Si Sam po ito." Sandaling natigilan ang kabilang linya na mukhang nabigla sa akin. Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang hagulhol nang Mommy ni Thed.

"S-sam hija. Nagkabalikan na kayo? Nakabalik ka na?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Opo.." Mahinang sabi ko at nabigla ako nang mas lumakas ang hagulhol niya.

"Sorry ah, naiingayan ka na siguro sakin. Natutuwa lang ako na naririto ka nang muli at binalikan mo ang anak ko." Napailing iling ako kahit na alam kong hindi niya ako nakikita.

"Kung pe-pwede lang kitang yakapin ngayon ginawa ko na, kaso alam kong hindi ka na papalapitin sa amin ni Thed." Napatingin ulit ako kay Thed nang maitabi niya na ang sasakyan.

"Kamusta naman po kayo, diyan?" Tanong ko para hindi maging seryoso pa ang usapin. Binuksan ni Thed ang pinto para makalabas ako.

"Ayos lang kami, hija. Yun nga lang ang ahm, Lola ni Thed nagkasakit siya eh." Agad kong binuksan ang pinto sa likod na upuan habang si Thed ay kinuha ang bag ko. Kung hindi ko lang kausap ang Mama niya matatawa na ko dahil hindi bagay sa kaniya ang bag ko.

Black naman yon pero hindi bagay sa kaniya dahil sobrang matipuno nang katawan niya. Ang ugat niya pa sa kaniyang kamay ay konti na lang magpuputukan na, tapos yung bag kong maliit ay buhat buhat niya. Isama mo pang sobrang seryoso niya palagi.

"Ano hong nangyare kay Senyora?" Sambit ko at sinarado ang pinto nang kotse niya nang makuha ko na si Hailey. Hindi ko na narinig ang sinabi nang Mama ni Thed nang bigla niyang hinablot ang telepono niya.

"Mom, how many times do I have to fucking tell you that you can't tell that to her?" Agad ko siyang sinamaan nang tingin nang marinig na nagmura siya.

You belong to me (Il Fiore Series #1)Where stories live. Discover now