Ikatatlumput-Tatlong Yugto

20 1 0
                                    

KAKATAPOS LANG NANG Field Trip kahapon. Grabe sobrang saya. Sobrang pagod pa nga ko ngayon kaya tinanghali na ko ng gising. I checked my phone and saw a text from Thed.

Thed:

You awake?

Thed:

Wake up, sleepy head.

Thed:

Text me when you're awake.

Napangiti ako sa aking nabasa at agad nag-reply sa kanya.

Ako:

Gising na.

Walang pang isang minuto ay may reply na siyang agad.

Thed:

What are you doing today?

Ako:

I'm not sure. I don't know.

Thed:

We'll have dinner later, with the my family.

May dinner sa kanila? Bat kasama ako? Nabigla ako nang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Thed. Agad ko itong sinagot.

"H-hello?" I cleared my throat.

"Hmm." Napairap ako sa kanyang tugon.

"Bakit ka tumatawag?" Tanong ko dahil nag-tetext naman kami.

"I'm tired of typing." Bahagya akong napanganga at nailing na lang. Napakatamad.

"Let's have dinner." Anang niya.

"Bakit biglaan?" Tanong ko.

"My grandmother is coming home later."

"So?"

"So, I want them to meet my baby." Napanguso ako para pigilan ang pagngiti ko.

"A-anong oras ba?" Nauutal na ko dahil sa sinabi niya. Napaka-corny mo talaga Buenaventura.

"Around eight o'clock."

"O-osige, formal attire ba? Kailangan ko bang mag-gown." Nang narinig ko ang halakhak niya ay napahawak ako sa aking noo. Medyo ang OA ko sa part na yon.

"Baby, a dress will do."

"S-sige."

"Hmm, okay. I'll fetch you later."

"Okay."

"Hmm, susunduin lang namin si grandma. Pupuntang airport na kami ngayon."

"Sinong kasama mo?" Tanong ko dahil wala naman akong naririnig na kasama niya.

"Edward."

"Bakit di ko naman siya naririnig?"

"He's sleeping baby, do you want me to wake him up?"

"W-wag na! Sinong nagdadrive kung ganon?"

"Me." Nabigla ako doon at handa na sana siyang sermunan.

"Im using an earphone's baby don't worry." Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

"Okay. Sige na, magdrive ka lang. Kakain na ko." Anang ko para makapag- focus na siya sa pagdadrive.

"All right. Bye baby, I love you."

"I love you too." Ako na ang nagbaba nang tawag para hindi na siya mahirapan.

Dumiretso ako sa baba para kumain. Naroon si Mama pati na rin ang kapatid ko.

"Himala nagising ka pa." Pang-aasar ni Mama kaya naman napanguso na lang ako.

"Hindi ako dito magdidinner, Mama." Napataas ang kilay ni Mama para magtanong.

You belong to me (Il Fiore Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon