One: Muling Pagkikita

3.6K 105 9
                                    

Background music:
Nearness is to Love by Urban Zakapa

____________________

Anton's POV

Bata pa lang ako pinangarap ko na ang maging doktor, manggamot ,makatulong sa mahihirap at higit sa lahat makitang ngumiti sila sa oras na sila ay aking mapagaling.

Pero hindi iyon naisakatuparan dahil hindi naman kami ganoon kayaman kaya ginawa ko ang lahat para kahit papaano ay luminya pa din ako sa larangan na gusto ko, ngayon nga ako ay isang Nurse dito sa isang Tertiary Hospital sa ka-Maynilaan.

By the way, ako nga pala si Anton. Anton Rivera, 26 ang edad at isa akong ER Nurse.

Mahal na mahal ko ang aking larangan.

Kaya nga masaya ako pag ako ang laging napupuri sa aming area. Tatlong taon na ako nagta trabaho dito sa Hospital na ito at kasama ko ang aking kasintahang si Ella, isa naman siyang ICU Nurse.

Mabait, masiyahin at palabiro ako, Oo, yan ako pero dati yun. May nangyari kaya naman mas minabuti kong piliin ang mga taong kailangan kong pakitaan ng tunay na ako.

Ngayon madalas sinasabi ng mga kasama ko na ako ay isang tahimik, suplado pero napaka bait na ka-trabaho. Kaya naman di na rin nila ako piankikialaman kung lagi na lang akong tahimik at nakaupo kapag walang ginagawa. Higit sa lahat kahit na hindi ako outspoken ginagalang nila ako.

Nagbago lang naman ang pakikitungo ko sa tao noong magtapos ako sa aking kurso. Gustuhin ko man kalimutan ang dahilan pero di ko magawa pero kinalimutan ko na ang taong iyon. Masakit para sa akin ang nangyari. Kaya naman dahil doon ay pinapakita ko kung gaano ko kamahal si Ella.

Pero kahit paminsan minsan di a rin mawala sa akin ang lalaking aking minahal. Oo, nagmahal ako ng lalaki. College ako noon, pero tulad naman ng nakakarami pagdating sa ganoon relasyon walang natagal at madalas ang isa ay luhaang iniwan.

-------

"Putcha naman oh, kung kailan sabado saka pa nawala IM doctors natin. Ang hirap mapabalik balik para ang dalhin ang pasyente sa Consultant o ibang IM na nasa ibang area. Ang laki laki ng Hospital na ito bakit tinitipid nila ang mga doctors na available." Sabi ni Kevin

"Pre, hindi sa ganoon mayroon naman bagong mga darating pero ngayon pa lang daw dadating kasi mga galing States ang mga new Internist na makakasama natin. Ayos nga yun nawala na yung nakakabadtrip na si Doktor Uy. Ngayon lang naman yan, bukas may makakasama na tayong bago. Balita ko magagaling daw yung mga bago"  sagot naman ni Robbie

Nakikinig lang ako sa usapan ng mga kasama ko dahil talaga namang napaka toxic ng araw na ganito lalo na tuwing araw ng sabado, yung tipong hinintay talaga ng tao na mag sabado para lang magkasakit sila. Hahaha... (peace)

Mga bandang 11am ng umaga ng medyo parang may dumaang anghel dahil napaka tahimik ng area namin. Yun din yung oras na may mga nag ra rounds na mga head doctors ng hospital.

Hindi na ako naki usyoso ng pumasok sila at ipakilala ang mga bagong doktor na aming makakasama. Tahimik lang ako s akinng sinusulat ng may marinig kong kumatok sa desk ko.

Nang iangat ko ang aking mukha ay nakaharap sa akin ang isang nakangiti at mabait na si Doktor Laviña ang owner ng buong hospital.

Tumayo ako at bumati para naman hindi masabing ang bastos ko naman.

Isa isang pinakilala ng aming butihing doktor ang mga bagong doktor.

Pero nang uupo na uli ako ay may nakita akong isang tao sa gilid ng doktor na alam kong nakatitig din sa akin. Wala itong reaksiyon ng magkatinginan kami s mata. Na lalong aking kinatuliro.

Hindi ako makagalaw ng oras na iyon. Para akong nabuhusan ng napaka lamig na tubig, na tipong natuyo ang dugo sa aking katawan ng makita ko ang mukhang nagbago sa aking buhay at pagkatao ko, siya yung matagal ko ng gustong makita. Ahhhhhh....

Para naman di maging awkward ang oras na iyon, nag excuse na lang ako at pumunta sa CR.

"Di maaaring siya yun, maaaring kamukha niya lang. Hindi ko naman nalaman ang name nya kaya malaki ang chance na hindi siya yung taong iyon."

Paglabas ko ng CR ay wala na ang mga doctors na nag ra rounds, pero hanggang matapos ang aking shift ay yung mukhang iyon pa rin ang aking nasa isip.

Kaya naman nang naglalakad ako palabas ng hospital ay hindi ko narinig ang taong kanina pa pala natawag s akin.

"Hon.... hon!"
"Hello, hon!" Si Ella

Kaya naman nagulat ako ng bigla nya akong kurutin sa aking tagiliran. Sa tuwing gagawin nya yun ay alam kong siya iyon. Dahil wala naman ibang nakakagwa noon sa akin.

"Hon, may problema ka ba?"

"Wa... Wala. Pagod lang ako!"

"Ahhhh ganoon ba! Oh siya, nga pala ang gwapo naman ng mga bagong doctor natin ahhh lalo na yung isng doctor na ma aassign sa inyo"

"May mas ga gwapo pa ba sa akin sa area namin?"

"Aba wala ng makakatalo, pero Hon, iba talaga ang kagwapuhan ni Doktor Tan grabe yung mga kasama ko sa ICU kinikilig ng makita siya, at grabe ang gwapo niya ngumiti"

Lalo akong kinilabutan ng marinig ko ang apelyido ng doktor. Kaya naman agad kong kinompirma kay Ella ang buong pangalan ng doktor.

"Hon, anong tunay na pangalan nung sinasabi mong doktor na mas gwapo sa akin?"

"Teka, sinabi yun ehhh"

"Tanda ko na, Doktor Alfred Tan, oo yun nga"

Sa narinig kong pangalan ay talaga namang parang lumambot ang aking tuhod at parang lumabas ang lahat ng pawis sa aking katawan. Hindi maaaring magkapareho at magkamukha ang isang tao.

"Hon, anung nangyari bakit parang nanahimik ka at namumutla. May sakit ka ba?"

"Oo, kaninang umaga pa ito"

Nagdahilan na lang ako upang kahit paano ay hindi maging awkward at mag isip ng kung anu ano ang aking kasintahan.

"Hon, uwi na tayo. Hon, baka di na kit maihatid ha.
Ang sakit talaga ng ulo ko" sabi ko kay Ella

"Ahhhh ganoon ba, naku eh di ako na ang maghahatid sa iyo."

"Hon wag na, umuwi ka na. Be a good girl, wag nang makulit. Sige pag di ka sumunod di ko ibibigay yung hihingi mong gift sa akin"

"Wahhhhhh sige uuwi na nga ako."

Nang maisakay ko si Ella sa kaniyang sasakyan ay bumalik muna ako sa food court ng hospital at nagpahinga. Nang makalipas ang isang oras ay nag decide na akong umuwi. Nang makatawid na ako ng kabilang kalsada at nakatayong naghihintay ng masasakyan ay may natanaw ako s di kalayuang lalaki na matiim na nakatingin sa akin. Sa tindig niya, sa postura niya, alam ko kung sino siya.

Kaya naman nagmadali akong naglakad palayo dahil baka kung anu lang ang magawa ko.

Kaya naman natanong ko na lang sa sarili ko.

"Bakit, bakit bumalik ka pa. Masaya na ako. Anong ginawa kong kasalanan para ganituhin mo ako?"

Naluluha kong pagbigkas sa aking sarili.

Hanggang sa makarating ako sa aking tinutuluyan ay siya pa rin ang nasa aking isip.

Kaya naman nang ako ay mahiga sa aking kama ay siya namang saktong tumugtog ang awiting nagpapaalala sa taong aking minahal. Sa aking pagpikit tila isang mumunting luha ang dahan dahan ding dumadaloy sa aking pisngi. Hinayaan kong tumulo ito. Doon ko unti unti kong binabalikan at sariwain ang mga araw na nakaraan.

Pero namayani pa rin ang katanungan sa akin.

"Bakit... Bakit muli tayong nagkita?"



-------------

Itutuloy.....

-JuanDer25

Note: Pinaltan ko yung music background

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDWhere stories live. Discover now