Forty-3: Thank You and Goodbye...

641 29 7
                                    

continuation...

Sinabi ko kay Kuya Mark ang lahat. Pero hindi niya alam na ang kausap niya ay ako at hindi si Kuya James.

Kaya naman tiwala si Kuya Mark na ibigay sa akin ang mga sulat upang ibigay ko naman ang mga ito sayo, Anton... "Pero naging duwag ako... dahil... dahil tulad ng nasabi ko kanina... Unti unti ng nahuhulog ang loob ko sayo kaya hindi ko magawang ibigay ang mga sulat sayo... Anton!"

Biglang tumayo si Anton at kita ko ang mga kamay nito... kaya naman agad kong sinalag ang anumang tatama sa mukha ko gamit ang dalawa kong mga kamay. "Tanggap ko ang pagkakamali ko!" bulong ko ng ako ay pumikit.

Pero hindi ko inaasahan ang nangyari... dahil ramdam na ramdam ko ang mainit na katawan nito na yumakap sa akin.

Maya maya ay narinig ko ang paghikbi nito.,
at mga salitang sa wakas ay matagal ko ng gustong marinig....

----------------------------

ANTON's POV

Nang marinig ko ang kwento ni Ella, ay halos sumakit ang dibdib ko, yung pakiramdam na gusto ko ng kainin ng lupa. Na gusto ko ng maglaho sa mundong ito dahol sa sobramg galit... hindi para kay Ella kung hindi para sa aking sarili....

Hindi ako galit kay Ella... at alam kong wala akong karapatan na magalit dito lalo na sa mga narinig ko mula sa bibig niya.

Nagawa niya lahat iyon dahil sa pagmamahal niya sa akin at kay Alfred. Masasabi ko lang na higit pa sa pagmamahal ng mag kasintahan ang nagawa ni Ella, higit pa pagmamahal ng isang kaibigan... alam ko walang tamang salita para maiaalarawan ang ginawang iyon ni Ella para sa aming dalawa ni Alfred.

Nagawa niya ang mga bagay na iyon ng wala naman hinihinging kapalit.

Anong makukuha niya kung masigurado niyang single pa din ako pagbalik ni Alfred.

Kaya naman lubos akong nagpapasalamat ng marami sa babaing tinuring kong katuwang sa tatlong taon naming magkasintahan kahit na isa lamang pala itong pagkukunwari.

Nasa kalahati palang si Ella ng mga kinukwento niya ay gusto ko na itong yakapin dahil.... dahil higit pa sa yakap ang dapat na maging kabayaran sa ilang taon niyang pagpapaka unselfish para lang masigurong may babalikan pa ang unggoy na si Alfred. "Hayyyyssss... maswerte kang unggoy ka!" bulong ko sa isip ko.

Kaya naman nang makita ko itong tumayo at buksan ang bintana ng aming kwarto at sumilip ang nakakasilaw na liwanag.

Kita ko sa mukha nito ang saya at pagkawala ng kung anumang mabigat na daladala.

Muli itong nagsalita at nasabi nga niya ang tungkol sa mga sulat. Mga sulat na hiniling ko noon na sana ay may dumating kahit isa man lang. Dahil kahit ayoko ng makita pang muli si Alfred ay alam ng puso ko na siya pa din ang hinahanap hanap nito.

Ewan ko pero ng sabihin niya iyon ay alam kong gusto kong tanungin kung nasaan ang mga sulat subalit mas nanaig sa akin ang isang bagay.

Hinanda ko ang aking mga kamay.
Pero kita ko ng tila isalag nito ang kaniyang mga kamay.

Kaya lang ay dumiretso pa din ako sa totoong pakay ko.
Na mayakap ko ang babaeng nasa harap ko.

Ewan ko ba kung anong pinaka dahilan ko kung bakit bigla na lang ako umiyak...

Sa pag iyak ko ay kasabay nito ang mahina kong pagbulong na siyang naging daan upang maging siya ay tuluyan na ding umiyak...

"Ella... hon... Mahal kita alam mo yan... Maraming maraming maraming Salamat sa lahat... Salamat, Salamat.... Salamat... ng napakarami... huhuhuhu"

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin