Thirty-2: The Unexpected Accident

663 35 12
                                    

Song:
No One but You by Top Suzara

-----------------

Ngayon nga ay ilang minuto na lang ay mag start na ang Championship game at ang tuhid ko ay tila isang gummy bear, nanlalambot ang mga ito.

Hanggang sa marinig ko na ang boses ng Host para mapa hype ang mga audience sa buong Court.

.....at unang tinawag ang grupo ng mga Doktor at ng tawagin ang pangalan ni Alfred ay malakas na sigawan ang dumagundong sa buong Court at may tila malakas na pintig sa puso ko ang pumintig ng marinig ko ang pangalan nito...

----------------------------

Anton's POV

...nang matapos ang roll call ng team nila Alfred ay ang team naman namin ang sinimulang tawagin.

Pero may pumasok sa isip ko sa Jersey # ni Alfred pero winaksi ko na lang ang lahat.

Upang mawala ang kaba sa aking dibdib ay sunod sunod na pag sigaw ang aking ginawa.

Gumaya na din ang iba kong kateam.

Maya maya ay nagsimula ang pagtawag sa mga pangalan namin.

Jersey #1 Alvin Gonzales
Jersey #7 Kevin Cruz
Jersey # 9 Phillip Ross, and so on....

Then tinawag ang name ko...
Jersey # 25 Anton Rivera

Nawala ang kaba ko ng marinig ko ang sigaw ng mga tropa ni Ella.

"Ang gwapo mo Anton...."

"WE LOVE NURSING TEAM.."

"Anton, pa kiss naman ang gwapo mo ehhhh!"

Nagtawanan ang lahat ng may sumagot na isang grupo ng mga Clerk upang sumagot sa sigaw ng Nursing Team..

"Mas gwapo ang mga Doktor namin..."

"Kilig to the bones..."

"Lalo na si Dok Tan!"

"We LOVE YOU MEDICINE TEAM... GO! GO! GO!"

......and the Hunger game begins... (joke lang)

Ang saya saya ng mga cheer ng mga nanonood may kaniya kaniyang mga sigaw ang mga tao, kahit ibang nga teams na nanonood ay talaga namang nakikisali sa ingay ng mga tao.

May nga banner at tarpaulin pa na talaga namang agaw pansin.

Naging mainit ang unang dalawang quarter pero nangibabaw ang team namin. Kaya nang dumating ang second half ay halos mawala na ang ingay na nagmumula sa team ng mga doctor.

Nasa Second half na ng game or nasa last 3 minutes ng 3rd Quarter na ang score ay 56-40, lamang ang team ng Nursing ng biglang maaksidente si Anton.

Pagbagsak ni Anton ay parang "the flash" si Alfred ng mauna pa itong dumating sa mga kasamahan ni Anton upang ma assess ang paa ni Anton.

Gulat na gulat si Anton sa paglapit ni Alfred at sa nabitawan nitong salita.

"Baby, Wait lang wag kang biglang tatayo papalagyan natin ng splint ang paa mo."

"Huh... ah ah anong sabi mo?"

"Lalagyan natin ng splint paa mo..."

"Umayos ka Alfred... kahit masakit paa ko hindi ako bingi... sino ang baby mong kumag ka!" Akala ko idedeny nito ang sinabi pero ng sumagot ito ay punong puno ng conviction.

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDWhere stories live. Discover now