Twenty-4: The Conflict

741 43 16
                                    

Nang araw ding iyon ay tinapon na ni Anton ang sim card niya at nagpalit na siya ng number.

Lahat ng tungkol kay Alfred ay kinalimutan na niya kahit ang mga kaibigan nito ay talagang iniwasan niya at hindi na siya nakipag communicate pa.

Binago na din niya ang kaniyang ugali. Ang dating palangiting Anton ay naging parang bato at walang emosyon.

Ang dating masayahin na Anton ay makilalang napaka suplado at walang pakialam sa mundo.

--------------------------

Present Time

Third Person's POV

Alas 8 ng umaga ng nagising ng araw ng Lunes si Anton, kahit na alas tres pa ng hapon ang pasok nito.

Habang nakaupo ito sa veranda ng Condo Unit niyang inuupahan ay muling nagbalik sa kaniya ang nakaraan, ang lahat ng sakit na naramdaman niya mula kay Alfred.

Nasabi na lang nito sa kaniyang sarili na "Kinalimutan na kita at sa mula ng araw ng iniwan mo ako ng walang abiso o anu man ay winaksi ko na sa isip ko kung sino ka sa puso ko".

Sa tuwing naaalala niya ang huling sulat na binigay nito na inabot ni Jess sa kaniya ay sobra sobra ang sama ng loob niya halos durugin ng puso nito ang nakasulat, dahil ang tanging nakasulat lang doon ay "I'm sorry!".

Kahit ilan taon na ang nakalilipas ay may oras pa din na naiisip niya ang sakit at matinding kalungkutan na naranasan niya sa kamay ni Alfred. Hinding hindi nito kinalimutan ang lahat ng mapapait na sandali subalit ang lahat ng masasayang alaala nito ay nawala na parang bula at napalitan ng matinding galit na tumatak sa puso at isip.

Habang nakaupo ay hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya habang nakatingin sa malayo.

Hindi niya mapaliwanag ang dahilan ng pagluha niya. Punas siya ng punas subalit tila hindi natigil ng pagluha niya.

Upang makaalis sa sitwasyon na iyon, agad siyang tumayo at nagluto ng breakfast.

Habang nagluluto ay biglang tumunog ang cellphone nito.

Nakita niyang natawag ang kaniyang Bisor sa kabilang linya.

"Hello, Good Morning Anton, next week na ang Sportfest. I heard na Varsity ka daw pala ng Basketball before bakit di mo sinasabi... Kaya kasama ka sa team ahhhh... May practice daw kayo this 11am sa Basketball Court near the Hospital. "

Sa gulat ni Anton ay hindi na siya nakapagsalita hanggang sa magpaalam at mamatay na ang tawag dito.

Parang binuhusan siya ng napakalamig na tubig ng marinig niya ang BasketBall Court.

Sa tatlong taon niyang nagtatrabaho sa Hospital ay walang nakakaalam na Varsity siya before. Dahil isa iyon sa kinalimutan niya upang makalimutan din si Alfred.

Kaya naman nang maalaala niyang nasabi ni Alfred sa ER noong makalawa ang tungkol sa pagiging Varsity niya ay halos mamula ito sa inis.

Walang nagawa si Anton kundi ang sumunod sa sinabi ng kanilang Supervisor. Kaya mga 1030 ng umaga ay umalis na ito, dala ang kaniyang Uniform sa oras ng duty niya at ang kaniyng pam practice ng Basketball.

Pagdating sa lugar ay nagsisimula na ang iba mga ka team niya. Nang makapagpalit ay napatigil ang lahat ng dumating siya.

Nagulat siya ng magsalita si Jeff, Nurse sa ICU.

"Tol, ikaw ba yung sikat na Anton Rivera yung "the Shooter".

Napatingin lang siya at hindi sumagot. Sa isip isip niya ay may nakakakilala pala sa kaniya.

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDWhere stories live. Discover now