Seventeen: Maling Akala

782 34 11
                                    

Maya maya ay umiyak na lang di Anton sa bisig ni Alfred....

Nang matapos itong umiyak ay inaya ni Alfred si Anton na wag munang pumasok ng bahay at sumama na pumunta s isng Coffee shop.

Third Person POV

Mabilis na nakarating ang dalawa sa destinasyon.

Pagdating sa lugar ay agad na pinatay ni Alfred ang makina ng sasakyan.

Samantalang tahimik na nakaupo si Anton sa tabi nito.

Malayo ang tingin at napakalalim ng iniisip nito.

"Anton, nandito na tayo!"

Hindi sumagot si Anton, pero napansin ni Alfred na gumalaw na ito at binuksan ang pimtuan ng sasakyan upang makalabas.

Ginaya na din ni Alfred ang kasama at lumabas na din siya.

Paglabas ay agad na nagtungo ang dalawa sa open air na lugar para doon umupo.

"Anton anong drinks mo?"
"Choco Java chip with Jelly, pls! "

"Ok! Anong food mo?"
"Kahit ano, ikaw na bahala.... "

Umalis na si Alfred para bumili ng maiinom at food nilang dalawa.

Samantalang malalim ang iniisip ni Anton.  Napabuntong hininga na lang ito ng napatingin ito s lugar na kinatatayuan ni Alfred.

_------------

Anton's POV

"Bakla na ba ako?, kung mainlove ako sa bestfriend ko?  Tama ba ang gagawin ko, kung puso ko ng susundin ko at higit sa lahat magiging masaya ba ako?  " bulong nito sa isip.

"Kung bakla na ako, tatanggapin ko pero kahit na anong mangyari sisigiraduhin kong si Alfred lang lalaking mamahalin ko.!"

----------------

Alfred's POV

"Natatakot ako sa mga kinikilos ni Anton. Kaya nga lahat ng galaw nito ay tinitimbang ko.  Kasi baka bigla na lang itong sumabog dahil ang lalim ng iniisip nito."

Kaya nga kahit ayokong gambalain ang kaniyang malalim na pag iisip ay ginagawa ko kasi nga baka bigla na lang ako nito layuan at di na ako muling pansinin.

"Simula kasi ng makilala ko ito,  alam kong nahulog na ako sa kaniya. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na makita ko soya sa Basketball Court kung san una ko siyamg nakita. ... Alam kong may kakaiba sa tibok ng dibdib ko ng makita ko ito....

.... Yung tibok na masasabi mong ayaw mo ng tumigil dahil ang saya saya mo. Kaya nga nang magkaroon ako ng pagkakataon na makilala ko pa siya ay talagang ginawa ko.  Dahil alam ko sa puso ko na Mahal ko na siya. Akala niya kaibigan lang ang turing ko sa kaniya pero Umpisa pa lang iba na ang gusto ko na maging estado naming dalawa.....

... Gago na lang siguro magsabi na bakla ka kung magmahal ka ng kapwa mo.

....Hindi ka-baklaan ang magmahal ng kapuwa mong kasarian para kasi sa akin ang pagiging bakla ay isuko mo o hindi mo gawin ang isang bagay na dapat mong gawin.

...Kaya nga pag may naririnig ako na mga kabataang babae sa hospital na iniiwan ng mga lalaking nakakabuntis sa kanila... For me, iyon ang tunay na KABAKLAAN. Mga walang bayag at takot sa responsibilidad."

"Mahal na mahal ko si Anton at wala ng ibang lalaki akong mamahalin kundi siya lang. Kaya sa oras na sabihin nitong layuan ko siya ay bangungot para sa akin dahil sa kaniya na umiikot ang buhay at siya ang reason bakit ako bumabangon sa araw-araw."

"Kaya sa araw at oras na ito gagawin ko ang lahat maging ayos kami at sana maramdaman niya na totoo ang nararamdaman ko para sa kaniya."

----------------

Anton's POV

"Gulong gulo talaga ako ng nagdaang mga araw dahil sa tuwing naaalala ko ang gabing aming pinasaluhan ang kapuwa init ng aming katawan ay halos mabaliw ako sa nararamdaman ko. Nagustuhan ko ang bawat yakap niya sa akin lalong lalo na ang mga halik niya....

.... Ni hindi pumasok sa isip ko na mali ang ginawa ko dahil ng malaman kong may bago na siya at babae pa ito ay halos madurog ang puso ko at doon ko napatunayang "I love my Bestfriend at ayaw kong may kaagaw ako sa kaniya.  Gusto ko AKO lang at wala ng iba"

Ngayon nga ay nakatingin ako sa kaniya sa loob ng coffee shop, nagulat siya ng makita niya na nakatingin ako. Pero bigla itong kumaway na parang walang nangyari at tumalikod na muli.
"haysssss, ako lang siguro ang nagpapakatangang nag iisip na maging kami pero hanggang kaibigan lang ang nais niya, dahil ayon na din sa mga pinapakita nitong mga aksyon."

Ang totoo hindi ako lasing,  nag inarte lang ako ng malaman kong nasa labas ng bahay namin nakapark ang kotse niya. Pati ng buksan ko ang cp ko bago umuwi ay nabasa ko ang text ni Mama na dumaan nga ito.

-----------

Pabalik na si Alfred dala ang kaniyang mga inorder.

Pagdating niya ay hawak hawak ni Anton ang kaniyang cellphone at walang pakialam sa pagdating niya..

Kaya naman nagsalita si Alfred

"Tol ohhhh eto na yung order mo.!"

"Thanks lagay mo lang diyan." walang buhay na sagot ni Anton kay Alfred.

Sa nangyari halos gusto ng umiyak ni Alfred dahil nararamdaman niyang umiiwas na nga si Anton sa kaniya.

-----------

Kita ni Anton na pabalik na si Alfred sa upuan nila kaya naman kahit wala siyang binabasa aa cellphone nito ay pinapakita nitong masaya siya at hindi pinansin ang pagdating ng lalaki

Ayaw niyang tumingin aa mukha ni Alfred dahil baka madisappoint lang siya kapag nakita niya ang expression ni Alfred sa kaniya.

---------------

Mag uusap sana ang reason kaya sila pumunta sa coffeeshop pero dahil kapuwa sila may iniisip sa isat isa ay naging tahimik ang mga sandaling iyon. Sa sobrang tahimik nilang dalawa, kapuwa maririnig ang tibok ng kanilang puso. Kung hindi pa tumunog ang relos ni Anton ay hindi pa silang dalawa mag uusap.

"Oh! 2am na pala..." bulong ni Anton

"Oo nga,  halika na hatid na kita.!" sa sinabing iyon ni Alfred tiningnan lang siya ni Anton.

Tingin na may nais iparating.

kinilabutan si Alfred sa tingin na iyon, sa isip niya tumaktakbo ang maraming dahilan pero nangibabaw ang isang bagay... "at ito ay maaaring ang huling araw na magkikita silang muli.. "

Itutuloy....

JuanDer25

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin