Twenty-2: Farewell my Friend

723 36 15
                                    

Forever by:
Martin Nievera and
Regine Velasquez

Muli akong nag try na tawagan si Mark. Maya maya ay narinig ko ang mahinang boses nito na halatang kakagiding lang.

"Yes, good morning. Who's this!"

"Mark, si Anton ito."

"Oh, Anton... Bakit...!?"

"Si Alfred kasama mo ba? "

"Huh... Hindi.. Hindi mo pa rin ba alam!?"

"Ang alin Mark....alin ang hindi ko pa din alam.. Pls tell me. Ano ba ang dapat kong malaman. Garalgal kong sagot dito... " wala akong pakialam ng mga oras na iyon kung isipin man ni Mark na iba ang dating at pananalita ko

"Sana sinabi mo sa akin kung ayaw mo na!" bulong ko sa aking sarili.

----------------------

Anton's POV

Nakaupo ako sa tambayan namin. Wala ako sa sarili ng mga oras na iyon dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko ang fming emosyon ang aking nararamdaman, kung anu ano ang pumapasok sa isip ko. Wala akong pakialam sa mga mata ng sinoman.

May mga estudyanteng napapatingin sa akin dahil di ko na mapigilang hindi humagulgol ng mga oras na iyon.

Hindi na ako nagulat ng makareceive ako ng maraming text from my classmates na nasa Headline ako sa University Press.

Kaya ramdam ko na ang maraming mata na nakatingin sa akin.

Nag decide na akong tumayo ng tumawag sa akin si Jess ang pinsan ni Alfred.

Hindi man kami close ni Jess, sinagot ko ang tawag niya.

"Hello Jess, bakit ka napatawag..." pahikbi kong sagit dito

"Anton, I'm sorry pero ok lang ba na magkita tayo!"

"Ok, kita tayo sa Basket Ball court. Wait kita sa lagi naming pwestong upuan"

"Ok sige see you! "

------------------

Third Person POV

Sa Basket ball Court...

Nakayuko ako sa aking kinauupuan pero ramdam ko pa din ang mata ng mga tao lalo na ang mga lower year student! Na nasa gym.

May mga naririnig pa nga ako na mga bulung bulungan, ayon sa boses ng mga ito ay mga babae at ilang lalaki ang nasa harapan ko

"Di ba siya yung dating Varsity ng Basket ball, bakit kaya siya naiyak... Haysss di ba siya yung best friend ni Sir Alfref Tan yung super gwapo sa Medicine Department"

"Ewan ko, Oo both nga silang gwapo pero bakit kaya siya naiyak... Lalo siyang na gwapo.. "

"Baka bumagsak siya, kaya siya malungkot."

"No! Hindi ahhh balita ko Matalino daw siya at mabait pa! Sabi ng pinsan ko Magna Cum Laude daw siya"

"Wow... Gwapo na matalino pa... Hala bakit kaya siya naiyak...!" kinilig pa ang isang beki na kasama ng mga babae.

Iniangat ko ang mukha ko dahil gusto kong makapag isa.

Wala akong pinakitang emosyon pero siguro ramdam na nilang hindi ko gustong nandoon sila.

Kaya naman mabilis pa sa alas dose ay nagsi alisan ang mga nasa harapan ko.

"hala ng cute pa din niya... Kasi naman kayo ang lakas ng boses niyo! "

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon