Thirty: His Smile...

703 40 2
                                    


Habang nasa ganoon akong pag iisip ay biglang sumabay sa amin ang mga kaibigan ng gf ko.

Bigla akong nainis sa mga kaibigan ng gf ko kasi ng makasabay namin ang mga ito ay si Alfred ang paulit ulit nilang bukang bibig. Paulit ulit ang mga ito na ang gwapo gwapo daw nito at mukhang masarap.

Gusto ko silang sawayin pero tumahimik na lang ako pero habang naglalakad kami ay muli ko siyang tiningnan pero bigla akong nagulat ng makita kong nakatingin pa ito sa akin.

Nang oras na iyon ay bigla akong kinabahan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.

... "nagseselos ba ako o talagang ayoko lang marinig ang pangalan nito!"

"Waaaaaahhhhhhhhh....... BAKIT AKO NAGKAKAGANITO....!"

"BAKIT???.... BAKIT???..... ANONG GAGAWIN KO..... NAGUGULUHAN NA AKO!"

"I NEED HELP... PLEASE I NEED HELP..."

"Waaaaaaahhhhhhhhhh!"

"Bakit ka pa bumalik..... Alfred!"

------------------------------

Tumagal ang Sportfest ng mahigit dalawang linggo. Sa loob ng dalawang linggo mahilis natapos ang ibang mga laro samantalang ang Basketball ay napaka exciting, dahil both team ng Nursing at Medical ay ayaw talagang magpatalo.

Nandiyan yung 3x nag Overtime ang laban ng Medical Team against the team ng Dietary sa laro para malaman kung sino ang lalaban sa Finals against the Nursing team.

Halos suko na ang kasamahan ni Alfred dahil nga pangatlong overtime na ang laro nila ay di ng nagpatinag ito dahil na rin sa kagustuhan ni Alfred na makalaban si Anton sa finals ay talaga naman ginawa niya ang best niya to conquer the Dietary team.

Sa huling dalawang minuto ay siya na lang ang napuntos at ang mga kasama niya ay support na lang.

Kaya naman ang lahat ng nanood ay talagang makabasag pinggan ang sigaw para suportahan ang gwapong doctor. Ito na rin ang naging hudyat para sumuko ang kalabang kupunan, dahil wala kahit isa sa kanila ang may ganoong fighting spirit.

Kaya naman ng muling magpatas ang score ng magkalabang kupunan ay hjayaan na lang nila na maka score uli ang doctor para matapos na ang laban.

Nang maihagis na ni Alfred ang bola at pumasok ito sa ring talaga namang nagkagulo ang buong Court o gym dahil hindi talaga sumuko ang napaka gwapong doctor.

Isa ring dahilan ay laging kulelat ang Nursing at Medical team ng mga nakaraang Sportfest, kaya naman halos magkagulo ang lahat ng mga Nurses, Intern doctors and doctorss na din. Nandiyan pa ang mga fan nila Anton, Alfred at iba pang doctor at nurses na talaga namang nag gwagwapuhan.

Malakas na mga sigawan at palakpakan ang maririnig na siyang nagpayanig sa buong Gym. Malalakas na sigawan at hiyawan ang maririnig sa mga kababaihan maging sa mga lalaking ang nais din ay lalaki at mga lalaking pilit na nagtatago, kasama na doon ang mga malalagong na sigaw galing sa mga lalaki.

Hindi pa natatapos ang mga sigawan at palakpakan ay biglang may nangibabaw na boses mula sa sound system na mula sa mga Organizers na siyang nagpatahimik pansamantala sa mga manonood.

"Hello everyone... To all the Basketball players specially the Nursing and Medical team, our finals tomorrow (Sunday) will be moved this coming Wednesday....

...Yes, we the Organizers decided na imove ang final day upang makapagpahinga ang dalawang team na naglaban ngayon to be fair naman at magkng mas exciting ang laban for the Finals... then after that gaganapin na din ang Awarding.

So to all the fans magkita kita tayo this coming Wednesday in God's Will. Thank you and Congratulations"

Nang matapos ang laban halos matumba si Alfred dahil alam niya natapos na ang laban at nanalo sila kaya naman unti unting nawawala ang adrenaline rush sa katawan niya...

.... kaya ramdam niyang tutumba na siya sa sobrang pagod pero bago pa man siya matumba ay nayakap na siya ng mga ka team niya upang magpasalamat at mag celebrate sa kanilang pagkapanalo.

Walang naririnig si Alfred sa mga sinasabi ng mga ka team niya dahil ang goal at focus lang talaga niya ay makapasok sa finals at makalaban si Anton.

Parang nasa time lapse si Alfred ng mga sandaling iyon dahil habang nagkakasiyahan ang mga doctors na kateam niya ay parang ang bagal naman ng sa kaniya.

Dahan dahan siyang tumayo ng tuwid at isang bagay ang agad niyang ginawa... at ito ay hanapin ang mukha ng kaniyang minamahal.... na si Anton.

Gusto niyang makita ang mukha nito upang kumuha ng lakas.

Hindi siya nahirapan makita kung saan nakapwesto ang taong kaniyang hinahanap dahil ito lang ang nakaupo at nakatingin lang din sa kaniya.

Halos tumalon ang puso ni Alfred ng makita niyang nag smile si Anton sa kaniya, kaya naman parang nanumbalik ang buong lakas niya at nakatayo na siya ng tuwid at ang kaninang hingal kabayo ay nagbalik na sa normal na paghinga.

Nang muling tingnan ni Alfred kung nasaan ang binata nagtaka siya dahil sapu sapo nito ang mukha niya ng kaniyang dalawang kamay pagkatapos ay yumuko ito at maya maya ay mabilis na tumayo at agad na umalis. Hindi na siya muling tingnan nito.

May kung ano sa loob niya na kailangan niya itong habulin subalit paa na niya mismo ang sumuko dahil hindi ma lang niya maihakbang ang kaniyang paa.

Napansin siya ng ilang mag ka team kaya agad siyang tinanong.

"Dok Tan, what happen...."

"Ahhhhhhh... Hindi ko na maihakbang ang paa ko sa pagod, dok!"

"ohhhhh..... guys, wait mamaya na tayo mag celebrate... Dok Tan needs our help...!"

Agad naman na nadala si Alfred sa clinic to rest. Nang makauwi si Alfred si condo niya ay muling nagbalik ang kanina lang na mga nangyari.

Halos umabot sa tainga ni Alfred ang ngiti ng maalaala nito ang pagtama ng kanilang mga mata at mag smile si Anton sa kaniya. Alam niyang may pag asa pa siya sa binata pero alam niyang may hadlang at ahil na rin sa sakit na iniwan niya sa binata.

Sa kakaisip ni Alfred doon lang niya napagtanto kung bakit naging ganoon ang reaction ni Anton upang sapuhin nito ang sariling mukha.

...."Unconsiously masaya si Anton para sa akin kaya naman pag nagababalik siya sa realidad ay nagtatalo ang isip at puso nito...... haysssss my Anton... Don't worry di ako susuko..."

Itutuloy
JuanDer25





My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora