Nine: Ang Plano

947 43 8
                                    

Alfred's POV

Nandito ako ngayon sa veranda ng kwarto ko. Nakatanga at malalim ang iniisip.

"Naaasar ako, kainis!
May gf ka agad ang mokong ang bilis naman. Sabi ng liligawan ko pa siya. Akala nya ata nagloloko ako sa sinabi ko sa kaniya.

....Oo, tahimik ako at laging nagmamasid lang pero iba talaga ang tama niya sa akin.

...Yung tipong na love at sight ako. Pero di naman ako ganito sa ibang lalaki kay Anton lang. Haysss bakla na ba ako? Siguro nga pero kay Anton lang...

...Haysss ang sakit sakit sa utak kailangan kong malaman sino yung gf niya. Bestfriend daw kami pero bakit di niya sinabi sa akin na may gf na siya"

-----------

Uuwi na sana ako kanina para makapag prepare at masundo ko ang mokong pero nagbago isip ko ng makareceive ng tawag sa tropa ko.

"Al, i have a good news sayo... About sa bestfriend mo" yce

"Sabihin mo na. Mejo busy ako. Nagpeprepare ako sa next surgery ko"

"Hay naku, di mo naman kasi kailangan mag OR pa kung bakit nanjan ka. Oh... Teka eto na sabihin ko na"

"Bilis!"

"Wag na nga..."

"Pucha naman oh! Sasabihin mo ba o hindi ka na makakapunta sa bahay!"

"Ohhhh sige na nga... Si Anton may kasamang chicks.... Wewww ang ganda niya and what i saw napaka ang sweet nila. Hays inggit much nga ako ehhh"

"Joyce, san mo naman nasagap yang balita na yan..."
"Hindi siya balita... Nakita ko sila pumunta ng library. And besides kilala sa buong school ang boyfriend este bestfriend mo"

"Joyce, can you be quiet.. Yes open ako sayo about kay Anton pero sayo lang ako nagsasabi kaya please lang baka may makarinig. Pero maganda ba talaga.. Bad trip di sinabi sa akin ni Anton na may nililigawan siya ahhh! Sige bye!"

Si Joyce yung cousin ko na anak ni Tito Henry. Yung chief Director ng hospital.

Kaya ang ending instead na tapos na shift ko nag extend pa ako gusto ko talaga malaman yung totoo, may pag asa pa ba ako.

Pinayagan naman ako ng hospital chief lalo na at tito ko naman siya.

Kaya naman nang makita ko siyang dumating ay di ako nalapit sa kaniya at nakatingin lang ako.

Magmukha na akong tanga at creepy pero di ko muna siya kakausapin baka mas magmukha akong tanga kung bigla bigla at padalos dalos ako.

Kanina pa ako di mapakali sa kinauupuan ko kunyari nagbabasa ako pero wala... Nalipad ang isip ko.

Kaya naman tiningnan ko na lang ginagawa ni Anton.

Nagulat na nga lang ako ng bigla itong lumapit sa akin.

Paglapit nito ay wala akong maisip na sabihin kaya naman ngumiti na lang ako dito na alam kong naramdaman niya yung awkwardness.

Alam naman niya siguro na hindi ko personality yung ganoon, lalo na ang ginawa ko pero bahala na. Makaiwas lang. Nang tingnan ko mata niya kita ko sa mata niya yung pag alala. "Hayss..."

After nun ay nagpaalam na ako na mag babasa na muli. Na ang totoo gusto ko pa siya kausap.

Nang muli ko siyang tingnan ay may lumapit na 4 na babae sa kaniya.

What the.... rinig ko lahat ang pinag uusapan nila. May balak pa talaga akong ireto nito sa mga classmate niya.

Akala mo nagbabasa ako pero yung tenga ko. Gamit na gamit sa pakikinig.

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDWhere stories live. Discover now