Twenty-5: Love Sick (Alfred's Story)

726 43 11
                                    

Hindi na narinig ni Anton ang sinabi pa ng mga kasama niya at ng kabilang grupo dahil binilisan talaga niya ang paglalakad.

Habang naglalakad ay napabulong na lang si Anton sa sarili.

"Anong problema mo, Alfred.... Ano bang problema mo talaga at nagsisimula ka na naman ng gulo! Nanahimik na ko, bakit ginugulo mo na naman ako! "

Habang papalayo si Anton ay may mga matang kanina pa nakatingin sa kaniya...

Mga matang nangungusap at puno ng paghahangad...

-------------------

Alfred's POV

"Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang Anton ngayon, ibang iba sa Anton na minahal ko..."

"...Hindi ko alam ang sasabihin at dapat gawin sa tuwing lumalapit ako kay Anton, nangingibabaw ang takot sa puso ko. Ayokong lalo pa siyang lumayo sa akin.

Dahil sa tuwing lalapit ako ay gumagawa ito ng paraan upang makaiwas. Alam kong napakalaki ng kasalanan ko sa kaniya, pero may dahilan kung bakit ako lumayo. Sana sa oras na magkaroon ako ng pagkakataon na magpaliwanag, hahayaan niya ako..."

"pakiusap... balang araw, Anton!"
bulong nito sa hangin.

-----------------

Third Person POV

Dr. Alfred Tan, the name na kilalang kilala sa Amerika lalo na pagdating sa Cardio and Neuro. Ang pinakabatang nakapagtapos sa dalawang specialty, kaya naman nakilala ito sa buong mundo lalo na sa Medical field specialties. Subalit sa likod ng mga ngiti at tagumpay ng binatang ito ay may nakatagong kalungkutan.

Sa dami ng malalaking hospital ang nagkakandarapa makuha lang siya ay ginawa na ng mga ito subalit may pangako itong dapat balikan at tuparin.

Kaya naman kahit isa sa mga hospital na ito ay wala siyang tinanggap dahil mas nanaig dito ang muing makabalik s bayang sinilangan, ang bayan kung nasaan ang taong minahal niya ng buong puso at walang halong pandaraya.

Sa ilang taon niyang paninirahan sa Amerika ay isang matalino, mabait, matibay at matatag na binata ang kilala ng lahat. Subalit sa likod ng mga pinapakita niya ay nakatago ang isang mahina, nangungulila at malungkuting binata.

Sa mga araw, buwan at taong dumaan tanging tinig, mukha at alaala lang ni Anton ang nasa isip niya.

Samantalang ang mga gabing kaniyang tiniis, mahahaba at malalamig ang tanging nagsisilbing saksi sa mga hikbi at panaghoy ng kaniyang dibdib.

Halos, sa ilang taon niyang pananabik na muling makita si Anton ay sa wakas ay magkakaroon na ng liwanag nang mabigyan siya ng pagkakataong makauwi at matanggap sa Hospital kung nasaan ang binatang kaniyng pinangungulilaan.

Matagal niya ding hinanap kung saan nagtatrabaho si Anton, dahil lahat ng kaibigan niya ay wala ng may contact dito, talagang umiwas na ito na magkaroon ng communications sa kahit sino mang nakakakilala kay Alfred. Kahit ang mga classmate ni Anton ay walang masabi kung nasaan na si Anton dahil sa kahit anong social media apps ay walang Anton akong nakita. Halos mawalan na siya ng pag asa dahil hindi niya talaga makita at wala na siyang alam na paraan para malaman kung nasaan si Anton.

Laking pasasalamat niya na sa hindi niya inaaasahang tao ay siya pang tutulong sa kaniya. (sino kaya siya).

Talagang hindi niya inaasahan ang taong ito, kaya naman ng malaman niya na totoo ang sinasabi nito ay agad siyang nag apply at nagtungo kung saan nagta trabaho si Anton.

Kaya naman agad siyang nag apply sa Hospital na sinabi ng taong ito.

Hindi nahirapan si Alfred upang makapasok sa Hospital dahil ng malaman ng Administration kung sino siya ay agad siyang tinanggap ng mga ito.

Kahit na ang specialty talaga ni Alfred ay Cardiology at Neurology ay nakiusap siyang ilagay muna siya sa ER upang makasama at laging nakikita si Anton.

-------------------

"pakiusap... balang araw, Anton!"
bulong nito sa hangin.

Nang mawala na sa kaniyang paningin ang binata ay muli itong bumalik sa pagiging tahimik.

Nag practice man ay hindi nakafocus sa practice ang kaniyang isip kundi sa binatang kanina lang ay nasa kaniyang harapan.

Agad din siyang umalis at hindi na nagpractice dahil si Anton lang naman ang dahilan ng pagpunta niya sa Basket Ball Court.

Wala pa si Anton ay nandoon na siya at hinihintay ang binata.

Kaya habang nakaupo siya ay muling nagbalik ang dati, ang lahat ng mga alaala niya sa unang araw na makilala niya si Anton.

Napapangiti siya sa mga ilang sandaling naiisip niya ang lahat pero nang maalaala niya ang araw ng iwan niya ito.

Napakapit pa ito sa kaniyang dibdib sa sobrang kalungkutan niyang naramdaman lalo na ng kailangan niyang iwan ito ng walang paliwanag at kahit simpleng pag papaalam dito ay di niya nagawa, kaya nang maalaala niya ang nakaraan doon may mga mumuting mga luha ang tumulo mula sa kaniyang mga mata.

Nagbago lang ang lahat ng makita niyang dumating na ang kanina pa niyang hinihintay.

Talaga namang binusog niya ang kaniyang mga mata sa panood. Nakatago nga lang siya dahil alam niyang magiging awkward ang lahat oras na malaman ng mg nandoon na nadoon din siya, ayaw din niyang makita ang Anton na ibang iba sa kaniyang nakilala.

Sa kaniyang panonood alam niyang walang nakakapansin na napapakangiti si Anton, lumalabas ang tunay na binatang may pagmamahal sa paglalaro ng basketball.

Sa ilang mga sandaling iyon alam ni Alfred na masaya si Anton, subalit bigla uling magseseryoso ito pag nasa harap ng maraming tao.

Halos napatayo si Alfred ng muli niyang makita ang fave or signature shot ng binata, kaya naman hindi na niya napansin na nasa likod na niya ang mga kasama niyang mga doctor na susunod sa magpapractice.

Kitang kita ng lahat ang pag Swak ng bola sa ring na hindi man lang tumama o sumayad sa ring, kaya naman lahat ng nakakita ay napanganga sa husay niya sa Basket Ball.

Saktong pagbagsak ng bola ay namayani ang malakas palakpak, at iba pang palakpakan ng mga nandoon.

Kita ni Alfred ang saglit nitong pangiti subalit ng makita nitong nandoon siya ay nagbago ang aura nito at tila may masamng hangin ang umihip dito at muling nawala ang ngiti nito.

Kaya naman nalungkot bigla si Alfred ng magdecide ang binata na umalis na at hindi man lang siya pinansin ng binata.

----------
Update lang sanpart na ito.
Nagpost ako ng video sasakto sa feelings ni Alfred.

Guys watch nyo siya.

Nov. 17, 2020

Itutuloy...
JuanDer25

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDWhere stories live. Discover now