Seven: Part 2

1K 37 5
                                    


Continuation..

Nang sumakay ito sa kotse. Wala pang kinse minutos ay nakita kong mahimbing na natutulog ito siguro
Sa sobrang pagod niya at matinding pag iisip sa kasintahan.

Nang makarating kami sa lugar ay nag park na ako at gigisingin ko na siya...

Kaya naman hahawakan ko sana ang kaniyang balikat pero napako ang mata ko sa napakaamo niyang wangis, pero nagulat ako at natigil ang aking gagawin ng biglang magmulat ito ng kaniyang mata.

Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkagulat nang makita niya kung nasaan kami ng mga oras na iyon.

"Cultural Center of the Philippines, oh bakit nandito tayo?" ewan ko pero kahit nagtanong siya kita ko sa mukha niya ang pagkatuwa sa nakita.

"Ahhhhh sorry, ikaw na lang sinama ko kasi ayaw ng tropa sa ganitong lugar. May 2 tickets kasi ako at isa pa yung favorite cousin ko main actor sa play"

"No its ok, di ko lang inaasahan na pareho pala tayo ng gusto."

"Oh really. Nice, nice so di pala ako mag iisa talaga kasi gusto mo din trip ko!"

"Yep!"

Natapos ang stage presentation at talagang kitang kita ko ang tuwa sa mata niya ng mga oras na iyon kaya naman di na ako nahirapan makuha ang loob niya. Bago kami umalis dinaanan ko muna ang pinsan ko to congratulate him. Then nagpaalam na din ako kasi i have plans pa. Kya naman nang makita ko agad si Anton.

Tinawagan ko ang buong tropa na pumunta sa bahay. Nang sabihin ko kay Anton ang plano nagulat siya kasi may kasunod pa gala.

Ang saya saya ko ng mga oras na iyon lalo na nung parang gusto din naman ni Anton mga plano ko. Pero di ko pinahalata dahil baka kung anong isipin nito at di pa ito sumama.

Pagdating namin sa bahay, iba ang saya ang nakita sa mukha ng binata ng makapsok siya sa bahay namin. Yung tipong di maipinta ang pagkahanga sa laki at ganda ng design ng bahay. Magkahalo kasi ang modern and some old style.

Oo, mayaman ang family ko kaya naman lalong namilog ang mata ni Anton nang makita niya yung tatlo pang kotse na nakaparada sa likod ng bahay.

Umakyat muna ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Pagbaba ko nakita kong nag uusap si Aling Mila at Anton. Nang makita niyang nakatingin ako, parang may kung ano sa mata nito ang lungkot. Ewan ko naiinis ako sa nakita ko kasi ayokong nakikita ko siya sa ganoong estado. Ewan ko inlove na ata ako sa lalaking ito pero malabo dahil straight si ako,at alam kong straight din si Anton. Pero napa isip agad ako... "Straight  pa ba ako sa nararamdaman ko ngayon?".

Kinausap ko si Aling Mila na magluto ng makakain at maghanda ng maiinom. Nakisuyo na din ako na maglabas ng beer at magluto ng pulutan.

After a while, namin makakain ng dinner ay dumating na ang mga mokong. Si Paul, James, Van, Patz at Mark.

Isa isa kong pinakilala ang mga ito kay Anton. Mabilis naman napanatag ang loob ng mga ito kay Anton kaya naman mas naging masya ang kwentuhan at inuman.

Tahimik lang ako at pinapanood ang mga ito. Sasagot ako kahit paano pero hanggat may pagkakataon tititig lang ako kay Anton. Minsan napapatingin ito sa akin at gaganti ng ngiti.

Sa tuwing gagawin niya iyon, parang sasabog ang dibdib ko. Pero napatingin ako may Patz nagbila ito magsalita at tanungin si Anton. Nacurious din namn ako sa mga pwedeng isagot nito kaya mataimtim lang akong nakikinig.

"Anton, balita ko matalino ka daw at may future sa medicine. Bakit di ka mag med?" sabi ni Patz.

"Oo nga sayang yang utak mo. Habang natagal ang inuman natin the more na napapanganga kami sa mga lumalabas sa bibig mo. Kasing talino mu nga ata tong tropa kong si Alfred o higit pa"- Mark

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon