Thirty-3: His Kissable Lips

686 41 8
                                    

Kaya naman pag baba ko sa sahig ay kitang kita ko ang pag swak ng bola sa ring at pagtunog ng buzzer.... Malakas na sigawan, malakas na palakpakan at birit ng mga tao ang umalingawngaw sa buong Court.

Kaya lang magsasaya na sana ako ng mapansin ko na mukhang hindi napaghandaan ni Alfred ang pagbagsak nito kaya naman unconsciously ay hinanda ko ang aking sarili ulang masalo ko ito subalit may isang bagay akong hindi napaghandaan at ito ay...

...ay bumagsak ang katawan nito sa katawan ko at  0kapuwa kami nakahiga sa sahig ay siya ay nakapatong sa akin.... pero tila nanahimik ang buong paligid... ng sa sumunod na mangyari...

Bumagsak si Alfred sa akin at ang mukha nito ay nasa tapat ng mukha ko at ang labi nito ay.....

-------------------------

Anton's POV

...ay nakalapat sa aking mga labi. Kapuwa kami nakamulat ng mangyari iyon.

Para akong nasa langit ng mga oras na iyon, lalo na makita kong pumikit ito habang nakalapat ang mga labi nito ramdam ko na igagalaw na nito ang mga labi nya kaya naman mabilis ko itong tinulak palayo sa akin.

Kita ko ang mga mata ng lahat sa nangyari naging mabilis ang aking response sa nangyari kaya naman kahiy ayaw kong mahawakan ngayon ang alin man sa katawan ni Alfred ay gjnawa ko pero ramdam ko ang napakalakas na boltahe ng kuryente dito. Alam kong naramdaman din niya iyon.

Sa sobrang tahimik maririnig mo ang tunog ng pagbagsak ng barya. Kaya naman ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Ang tamis pala ng labi ni Dok Tan. Double Win na ako! Hahahah..."

Nang sabihin ko iyon maririnig mo ang mga sigaw ng mga kababaihan at ang sinomang may pagnanasa kay Alfred ay alam mong anytime ay maaari akong mamatay sa titig lang ng mga ito.

"Whew! Mas masarap labi ni Nurse Rivera... ang lambot pa!"

Mas lalong nagkagulo ang lahat ng sumagot si Alfred. Kaya pasimple ko itong tiningnan at kita ko ang napakatamis na mga ngiti nito na walang halong pagkukunwari.

Para matakpan ang nangyari umakbay pa sa akin si Alfred at kumaway pa ng maglakad ito habang nakaakbay ito sa akin di na ako nakapag protesta pa dahil ng matapos ang laro ay muling bumalik ang sakit ng aking paa at dahil na rin nga iika ika ako at wala akong nagawa kung hindi makasama sa kaniya.

Hindi na din ako napansin ng mga kasama ko dahil nag uumapaw ang saya at matinding celebration ang mangyayari.

Habang naglalakad ay namayani ang awkwardness pero ayoko ng ganoon kaya pinutol ko ang katahimikan.

"Saan mo ako dadalhin...." hindi ito sumagot bagkus ay nanatiling nakatingin sa daan at talagang hindi ako pinapansin.

"ALFRED! SAAN MO AKO DADALHIN!!!!!"

"My Gosh, Anton ang sakit sa tenga ng boses mo pero ok lang masaya ako kasi kinakauaap ko ako. Dream come true" Nakakainis na sagot nito

"Sagutin mo ang tanong ko.. saan mo ako dadalhin" bigla itong tumigil sa paglalakad.

Tumingin ito sa akin at unti nilapit ang bibig nito sa aking tainga.

"Sa kotse lalaplapin ko ang labi mo.... hahahaha"

"WHAaaaaT!"

"HAHAHAHA joke lang... Gusto mo naman... Dadalhin kita sa Clinic baka maputol pa paa ng Baby ko!"

"Unggoy ka... Sinong nagsabi sayong gusto ko yang labk mkng nakapula..."

"Hahhaha kunyari ka pa... look at yourself Anton. Para kanv kamatis sa sobrang pula.... hmmmm mapula pala ang lips ko... Gusto mo ba yun!"

"Ggggrrrrrr... "

"Hahahaha... oh siya siya... lets go na!"

Pagdating sa Clinic ay hindi na pumasok si Alfred bagkus ay may nanatili ito sa labas.

Maya maya ay biglang bumukas ang pinto ng Clinic at niluwa nito ang imahe ng akjng kasintahan at abg kaniyang mga kaibigan.

"Oh my God. Hon! Look at you! You look wasted and still gwapo ka pa din... masakit pa ba?"

Magsasalita na sana ako pero biglang sumingit si Cess ang makulit na friend ni Ella.

"Anton... anong lasa ng lips ni Dok Tan. Malambot ba?... Masarap ba? Matamis nga ba talaga tulad ng sabi mo kanina...!" Sunod sunod na tanong nito na talagang kumikinang pa ang mga mata.

"My God Cess...yan talaga una mong tanong" singit ni Marian

Okay na sana pero biglang muling nagsalita ito...

"Kainggit ka naman Anton. Nahalikan mo ang mamula mulang mga labi ni Dok"

"Nye..." sagot ko

Talagang hindi ako tinigilan ng mga ito sa pagtatanong.

Kaya naman sumagot na ako pero kahit ako ay nagulat sa sinabi at naisagot ko.

"....ahhhhh masasabi ko lang... Intense hahaha kasi kissable lips talaga siya..!"

Bigla akong natigil sa pagsasalita dahil hindi ko alam na ganoong mga salita ang mamumutawa sa akin.

Walang nakapansin sa inasal kong iyon dahil naghihintay talaga sila aa isasagit ko.

Napabuntong hininga ako at nang tumingin ako kay Ella ay nagulat ako.

"Dahil ramdam kong may kakaiba...."

"May kakaiba sa ngiti niya at alam kong may meaning ang mga mata nito." bulong ng isip ko

"Ewan ko kinabahan talaga ako ng husto."

Nawala lang ang topic na iyon ng may malakas na tunog na palapit ng palapit.

Biglang pumasok si Phillip...

"Tol, halika na Awarding na. Hinahanap ka na ng lahat kasi ikaw ang MVP!,"

"Wow, Congrats Anton...."

"Congrats, hon!, una na kami sa Court ha... Phill pakialagaan ang boyfriend ko ng mabuti... salamat"

"OK!"

Kinuha ni Phillip ang wheelchair na gagamitin ko ng biglang may bumulong sa may bandang likuran ng tainga ko.

"Kissable lips pala ako!... Don't worry para sayo lang ang lips ko!, My Antonnnnn..." sabay wink sa akin.

Doon ko lang naalala na may back door ang clinic para sa mga doctor at sa sinabi nito nasisigurado kong narinig niya lahat.

"ALFRED!!!" Sigaw ko...
"FACEPALM!!!"

Napatunganga na lang ako sa narinig ko.

Itutuloy
JuanDer25


My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora