Forty-7: Surprise!

666 30 2
                                    

Continuation...

"Anak, tinanong ko lang si Alfred kung may nangyati na ba sa inyo... sabi ko ingatan ka dahil malaki siyang tao!"

Biglang tumawa ng malakas si Anton na kinagulat ni Tita. Pipigilan ko na sana si Anton pero wala.. mabilis itong bumulong kay Tita...

Nang makita ko si Tita ay.... kitang kita ko ang paglaki ng mata nito...

"My gosh... i'm sorry Anak... Akala ko kasi! Hmmmmm panlaban talaga ang mga Rivera!"

Halos mamula ako sa kinatatayuan ko.

Kita ko pa ang pang aasar ni Anton sa akin.

"ANTON!... IKAW TALAGA! hmmmmmfpt!"

Pero ng lumapit ito sa akin ay bigla akong niyakap nito at bumulong ito sa akin...

"I LOVE YOU SO MUCH... ALFRED!"

Halos mapaluha ako ng mga sandaling iyon.

Kaya naman hindi ko inaasahan ng bigla itong lumuhod sa harapan ko at mag propose ito sa akin.

"ALFRED, I LOVE YOU SO MUCH... Please, say Yes! Will you be my Boyfriend.. Officially!"

"YES! ANTON!"

"I LOVE YOU..."

"I LOVE YOU TOO..."

Hanggang naalala namin na may tao pa nga pala sa likod namin...

"Hahahahah"

-------------------------

ALFRED's POV

Nagulat talaga ako ng husto ng lumuhod ito noong isang linggo.
Akala ko talaga nagpo propose na ito ng kasal.

"Haysssssss, kasi naman bago pa kami magdecide na kausapin ang Mama ni Anton ay may plano na ako. I already contacted all my friends or tropa regarding sa gagawin ko. So ngayon na legal na kami sa parents niya. Kaya naman kinausap ko na din si tita about my plan, at talaga namang excited ito sa plano ko!"

Ngayon nga ay nagpresinta na ang kapatid ni Anton na si Astrid at pinsan kong si Joyce na sila na mag ayos ng mga papers (as a decoy sa gagawin namin). Papalabasin namin na Advance  birthday Celebration lang nilang dalawa ni Astrid ang lahat.

Kaya naman kinausap ko na si Anton na huwag na siyang makialam dahil may gagawa na ng lahat. Kita ko sa mga mata ni ang excitement.

May dalawang linggo pa ang Event kaya naman kinausap ko si tita na kung maaari ay mapauwi ng Pilipinas ang papa nito at isa pang kapatid. Sinabi ko na din kay tita na ako na ang bahala sa lahat ng gastos.

Nagalit nga ito ng sabihin ko iyon pero i insist my side dahil nga planado na ang lahat at nasabi ko din kay tita na napag ipunan ko na naman ito.

Pero kahit ganoon ay binigay pa din nito ang perang inaabot nito kaya naman sinabi ko sa kaniya na gamitin na lang sa pagpapagawa ng suit ni Anton.

Nang sabihin ko iyon ay tila kuminang ang mga mata nito sa narinig. Kaya naman agad nitong tinawagan ang anak para makuhanan ng sukat.

Naging mabilis ang lahat dahil apat na sikat at magagaling na mananahi ang kinuha ko para mapabilis ang pagtatahi ng mga susuutin ng mga imbitado.

Kahit nandoon pa din ang galit ko sa mga magulang ko ay pinadalhan ko pa din sila thru express mail ng invitation at nasabi ko na din sa mga ito na ready na ang susuutin nila.

"Kung pupunta man sila ay Salamat, pero kung hindi naman ay Salamat pa din dahil alam naman nilang nagawa ko ang lahat ng ginawa naming deal. Kaya wala silang masusumbat sa akin."

Tinawagan ko din ang kapatid ko na invited siya. Noong una ay ayaw nito pero ng mareceive na nito ang Invitation ay siya na mismo ang tumawag para iconfirm na dadating siya.

Naging smooth ang lahat pero natatawa ako kay Anton dahil tulad ng dati siya uli ang walang alam sa mangyayari. Lahat ng mga tao sa paligid niya ay patay malisya sa plano ko.

Everytime Anton is present sa mga meeting. Nagbabago lahat ng pinag uusapan. Kaya nga nandiyan yung pag aalis si Anton saglit ay magtatawanan ang lahat.

Isang beses nagalit si Anton sa mga nasa meeting dahil bakit siya lang daw ang walang workload samantalang ang kapatid niya na Celebrant din ay may ginagawa.

Kaya naman si tita na mismo ang kumausap dito.
Nahimasmasan din si Anton pagkatapos ng lahat.

---------------------

Apat na araw na lang ay napag alaman kong dumating na ang papa ni Anton at kapatid nitong si Aaron, pero kinausap ko na si tita na kung maaari ay huwag muna magpapakita kay Anton.

Kaya naman pinatuloy ko muna sila sa bahay namin kung saan ako nakatira noong College ako.

--------------------

Dalawang araw bago ang Event ay tumawag si Kuya na dumating na sila galing US, at nasabi din nito na kasama niya ang parents nila.

Nasabi din nito na ayaw pa alam ng papa at mama niya na dumating nga sila. Kaya naman magkahalong saya at kaba ang naramdaman niya ng malaman iyon.

-------------------

Isang araw bago ang event ay sinama ako ni Anton, para magpa facial, pagupit at bumili ng susuutin nitong extra.

Kitang kita ko sa mukha nito ang nag uumapaw na saya at excitement, parang bata ito na ngayon lang magcecelebrate ng birthday niya.

------------------

Kinabukasan nang gumising ako ay napansin kong walang Anton akong katabi.

Halos mapangiti ako ng sobra ng makita ko itong paikot ikot sa harap ko at di mapakali. "Papasok sa Cr, lalabas kukunin yung suit niya. Huhubarin tapos mag papalit ng ibang kulay na pang ilalim na polo tapos isusuot uli ang Suit niya... halos mahilo na ako ng paulit ulit ito sa ginagawa niya.!"

Hanggang nakapag decide itong pink ang gamitin na pang ilalim.
"Well bagay naman sa baby ko! Lalong lumabas ang kagwapuhan nito!"

Tumayo ako at nilapitan ko ito.

Nag smile ako dito at hinalikan ko ito sa kaniyang labi. Pagkatapos ay bumulong ako sa tainga nito ng "Happy Birthday, babe"

Para talaga siyang bata dahil hindi ako pinansin nito.
Agad kasi itong umalis sa harap ko at nagmadaling kinuha ang plantsa.

------------------------

May tatlong site o lugar ang Event na kinuha ko na malapit sa isang beach. Bawat lugar ay may Reason kaya naman hindi ko pinaalam talaga kay Anton ang lahat.

Mga alas-tres na ng hapon ng dumating ang lahat. Mostly ng tao ay nasa Ikalawang site, naglagay kami ng malaking screen o Projector para makita ng lahat ang mangyayari sa First site.

Kaya naman ng dumating kami sa unang site mga alas-kwatro ng hapon ay di ganoon kadami ang tao.

Kahit ganoon ay di ko nakitang nalungkot ang baby ko.
Nasa lugar ang kapatid nitong si Astrid at ang mama niya.
Mga tropa ko at ilang kaibigan namin na nakakakilala kay Anton.

Alas-singko ng hapon ng magsimula ang program.
Pansin kong di mapakali si Anton sa tabi ko dahil magsisimula na ang Event ay wala pa ang ilan niyang kaibigan na na invite niya.

Saktong mag 5:30 ng biglang malaglag ang kurtina at bumukas ang isang TV screen sa harap namin at kita ko ang gulat ni Anton ng....

Itutuloy....
JuanDer25

Note:

Hahaha matatapos na po ang MBBLS.
Ma mimiss ko si Anton at Alfred ng sobra...

Kayo din ba?

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDWhere stories live. Discover now