Forty-6: Stop... Why!?

593 29 7
                                    

"Nang Inday, kamusta po... Talagang gwapo po ito pero tali na po ito malapit ng ikasal!"

"Huh! Sinong ikakasal.." bulong ko.. tapos ay tumitig ako kay Anton.

Nakita kong tumingin ito at lumapit sa akin pagkatapos ay may binulong sa akin.

"Umayos ka, iiwan kita dito. Talaga namang nagpapa cute ka pa ha... sige kahit magpropose ka sakin di ako mag OO kapag di ka tumitigil diyan.. " Nang marinig ko ang sinabi niyo ay natahimik na lang ako. Takot ko lang pero talaga namang ramdam kong possessive din talaga ito sa akin..

Pagdating sa bahay ay iniwan muna ako ni Anton sa gilid ng bahay nila kaya naman lahat ng nadaan sa kalsada ay nag ha hi sa akin o kaya naman ang iba ay talaga namang natigil pa para lang tingnan ako. Halos mamula na ako sa kinatatayuan ko hanggang sa marinig kong tawagin na ni Anton ang pangalan ko.

Ramdam ko sa boses ni Anton na may...

------------------------

ALFRED's POV

Pagpasok ko sa bungad ng pintuan nila Anton ay narinig ko pang pinapagalitan si Anton ng Mama niya.

"Kuya Anton, nasaan ang bisita mo. Bakit ayaw mong papasukin. Naaa malayo ka pa lang nasabi na sa akin ng mga kapaitbahay na dumating ka nga at may kasamang nalaka gwapong binata... Aba, Aba, Anak... Huwag kang bastos sa bisita mo!"

Napangiti na lang ako sa sinabi ng mama ni Anton. Kaya naman makaharap ko na ng tuluyan si Tita. Mama ni Anton ay halos makita ko ang kanuuan ng ngupin nito sa sobrang laki ng mga ngiti nito.

"Alfred!!!! Juice mio kang bata ka kamusta ka na!?"

"Tita, kamusta po!" Napakamot ako sa batok ko ng bigla akong yakapin nito.

"Bata ka.. kailan ka ba bumalik!?"

"Tita, mag iisang taon na din po!"

"Hala, ang bad mo ahhh bakit di ka man nabisita dito. Samantalang dati, nililigawan mo pa ako para makuha ang loob ko!"

"Huh! Hindi po..."

"Hehehe ikaw naman Alfred, Joke lang iyon!.... Anyway, bakit nga pala kayo nakapasyal..."

"Kasi po... Tita si Anton po may sasabihin sana sa inyo!"

"Oh, Anak ano bang sasabihin mo!"

Halos namumutla na si Anton sa kinatatayuan nito kaya naman nilapitan ko na ito at kulbitin pero hindi ko na nagawa iyon ng biglang magsalita si Tita.

"Anton.. Anak, may problema ba?"

Yumuko lang ito. Kaya naman ako na sana ang magsasalita ng makita ko ang mga kamay ni Tita na nagsasabing "Stop". Kaya naman nanahimik at nagmasid na lang ako sa susunod.

Naglakad si tita papunta sa harap ng anak niya at inaya nitong umupo si Anton. Naghihintay lang na magsalita si Anton ni tita pero hindi na makapaghintay ang ina nito kaya naman siya na ang nauna.

"Anak, kailan mo sasabihin sa akin na hiwalay na kayo ni Ella!"

"Ma! Alam ninyo!... I'm sorry po!" Iiyak na sana ito ng nagulat ako sa sumunod na sinabi ni tita.

"Anton.. grow up! Sa edad mo na yan kulang na lang makabuntis ka pero look at yourself para ka pa din baby..."

Magsasalita na sana si Anton ng pigilan ni Tita..

"Stop!!! WHY, ANAK!!!, Why!" Halos mataas na sabi ni tita na talaga namang napalunok ako ng laway

"PO! Hindi ko po maintindihan ang sinasabi ninyo!"

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon