Six: Alfred's Side of Story (Part 1)

1.2K 44 19
                                    

Alfred's POV

Anong gagawin mo kapag sa araw na malungkot ka, dun ka pa lalo maaasar. Yung tipong tamang senti mode ka tapos bigla kang gagambalain ng kung sino mang kumag.

Nandito ako ngayon nakaupo sa isang sulok ng University gym. Hindi ko namalayan na may nagpa practice pala dito. Oo, kasalanan ko.

"Why? Sa dami ba naman pedeng mapag emotan ay talagang sa Gym pa ako pumunta."

By the way, Ako nga pala si Alfred Tan. 4th yr premed student. 20 years old at pinaka gwapo sa lahat ng magdodoctor sa batch namin. Joke lang... Hehehe ang totoo nyan. Tahimik lang ako at napaka suplado. Magsasalita lang ako pag kailangan at alam iyon ng mga tropa ko.

----

Eto nga nakatulala lang ako sa kung saan ng biglang may tumamang bola sa tagiliran ko. Nagising ako sa malayong pagmumuni muni ko.

When i saw who that person is.... Na starstruck ako... Ewan ko pero mas gwapo ako sakaniya.

Ako mestizo siya naman chinito pero iba talaga dating sa akin ng itsura nya. As i remember kilalang kilala siya dito sa University. Wait, sino nga to... Ok, I remember na this guy's name, Siya si Anton Rivera, the Basketball genius.

While papalapit siya sa pwesto ko di ko binago ang facial expression ko. Still, nasa flat affect ako. Yung tipong di mo alam kung anung emotions meron ako. As in patay siya.

Nang makalapit siya, parang dinuyan ako sa ganda ng boses nya. Sa lagong nitong di naman ganoon kataas yung saktong laking lalaki.

"Tol, sorry... Di ko sinasadya. Nagpa practice kasi ako. Di naman intentionally yung pagkaka tama sayo. Sorry talaga..."

Ewan ko, kung bakit di ako nagsalita. Ang tanging ginawa ko lang ay tingnan siya mula ulo hanggang paa. Lalo pang nag dilim ang tingin ko ng lumapit ito at kunin ang bola, pucha nakuryente ng buo kong katawan ng madanggi niya ang balat ko. Kaya naman mas lalong dumilim ang titig ko sa kaniya.

Pero di ko inaasahan ang magandang pakikitungo nya sa panget kong ugling pinakita. Instead na magalit siya, eto ngumiti pa ito ng pagkatamis tamis. Samatalang ako, nakatitig lang at walang ka emo emotions pero ang totoo nyan sa isip ko ay kung anung may malikot na gustong sabihin at pintig ng dibdib kong parang bolng paikot ikot.

Umalis ito na nakaharap sa akin at nakangiting parang aso at bumalik sa pag pa practice samantalang ako ay timayo at umalis dahil papasok na ako sa aking klase.

Makalipas ang ilang oras, habang naglalakad ko kasama ng tropa ko ng may biglang may lumapit. Oo, nagulat ako pati mga tropa ko sa paglapit ng lalaking ito.

Si Anton, nasa harap ko.
Kita ko sa mukha niya yung pag aalala at hiya. Naguguluhan ako sa biglang pagkabog ng dibdib ko. "Fuck, ano ito". Bulong ng isip ko.

Pero nawala ako sa pag iisip ng muli siyang humingi ng dispensa. Kaya naman tumango na lang ako.

Hindi na ito nagtagal dahil napansin niyang wala akong sasabihin after ng pag tango ko. Nang makaalis na ito. Biglang nagsalita ang mga ungas kong tropa. Pero ok na din yun kasi napapaisip talaga ako at gulong gulo sa nangyayari sa malakas na pagkabog ng dibdib ko.

"Tol, what happen bakit lumapit yung Varsity ng Basketball sayo?" sabi ni James.

"May problem ba? Halika bugbugin natin, mukhang may nagawa sayo at di ka sumagot, di ka naman ganiyan, napaka opinionated mu di ba. Nasaan na ang Alfred na kilala ko." Paul

"Nah, wala naman problem. It's my fault din naman sa laki ng University sa Gym ko pa kasi naisip umupo at mag emo..hahahah teka anong opinionated. Nagsasalita lang ako pag kailangan."

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDWhere stories live. Discover now