Forty-4: Heart to Heart

629 32 5
                                    

continuation...

"Dok Tan,... as of now wala na kami ni Anton pero sana hintayin mo munang magbreak kami in public huh!" Sabay kindat ng nakakaloko nito kay Alfred.

"Yes... i know!"

Nang maisarado na ni Ella ang pinto ay bigla kong kinurot din si Alfred sabay sabing "Bakit mo ako kinurot kanina..."

"Ehhhh kasi naman Babe... ang Slow mo!"

"What do you mean na slow ako!"

"Sinasabi niya lang naman sa iyo na ang laman ng Locker niya ay ang mga letters ko sayo!"

"Waaaaahhhhh.. hindi nga... Omg!"

"Hay... nako ang slow mo talaga... kahit kailan... kung di ko pa dati sinabi na mahal ki...." sa sobrang inis ko ay tinakpan ko ang bibig nito at kiniliti ng kiniliti para tumigil sa drama niya.

Pagtapos noon ay humiga kaming dalawa sa kama, out of nowhere ay muli kong tinanung si Alfred tungkol sa "Ano ba ang binulong ni Ella sa kaniya..."

Bigla na lang itong namutla at mabilis na nanakbo papasok ng CR.

"ALFRED!!!... Oi... Ano yung tinanung ni Ella sayo!!!!!..." malakas na sigaw ko at dahan dahang naglakad patungo sa CR para katukin ito.

"BWISIT KA TALAGA... ANNNTOOONNN!!!!!!!... ANG SLOW MO TALAGA! KAHIT KAILAN.... GGGGGRRRRR!"

---------------------------
After 6 months

ANTON'S POV

Sinunod namin ni Alfred ang pakisuyo ni Ella sa aming dalawa, na kahit nag break na kami personally ni Ella ay dapat ipakita pa din namin sa publiko na kami, pero syempre pinaalam din namin sa lahat ang mutual na pag break up namin.

Ang dami nga nagulat kasi akala ng mga kasamahan namin na kami na talaga.

Bago umalis si Ella at Jeff pa New Zealand ay kinausap namin ni Alfred si Jeff without the presence ni Ella.

Nagusap kami sa Clinic ni Alfred sa Hospital.

Humingi kami ng patawad at lubos lubos na pasasalamat sa kaniya dahil sa pananahimik nito at pagtatago ng tunay na pagkatao naming dalawa.

Nagulat pa nga kami sa sagot nito.

"No worries Idol, basta ba kapag ikakasal na kayo dapat invited kami ahhh... pati noong College pa man napapansin ko na kayong dalawa at tama nga ang Suspetya ko na may Something nga sa inyong dalawa...."

"HUH!" sabay naming sagot ni Alfred

"Hehehe... Second Year ako noon nung nalaman kong naging mag bestfriend ang dalawang heartthrob sa school... Third year ka noon Idol. Tapos nalaman ko pang si Idol Anton nga yung isa doon dahil super fan mo ako lahat ng galaw mo alam ko pero naging busy na din ako ng Third year ako....

...pero napansin ko yung malaking pinagbago ng samahan nyo kaya naman nasisiguro kong may Something nga... pero ng malaman ko ang nangyari na biglang umalis nga si Dok Tan at malaki ang pinagbago mo napatunayan kong di lang kaibigan ang turing mo kay Dok...

Habang nagsasalita si Jeff ay ramdam ko ang sinseridad nito sa lahat ng sinasabi niya. Naramdaman ko din ang paghawak ng kamay ni Alfred sa mga kamay ko.

...hehehe tapos eto nga nai kwento ni Ella ang lahat ng tungkol sa inyong dalawa. Kaya naman pumayag ako para na din kay Idol... pero mahirap din pala... Kasi natuwa ako na ewan... kasi basta di ko ma express... (si Author di alam ang right word hahaha)

Napangiti ako ng sabihin niya iyon kasi may Fan pala ako na gagawin ang lahat for my Happiness... (sana all happy)

...Pero kinaya naman namin, alam mo ba idol... Maraming beses na gusto kitang maging ka close, pero iba talaga ang kasupladuhan mo... to the highest level hahaha.... hehehe...

....idol siguro pinagtagpo talaga kami Ella para maging mga tulay ninyong dalawa. Salamat Idol kasi ikaw ang naging inspirasyon ko noong College ako... if may iba pang pagkakataon na makpag usap tayo ikwento ko... "

"No, Jeff kami ang dapat magpasalamat sa iyo.... Thank you sa inyong dalawa ni Ella..."

"Idol, pwede bang request...."

"Ano yun...."

"Sana huwag kang magalit huh!"

Nagulat na lang ako ng halikan ni Jeff si Alfred sa lips...
Tapos kita ko ang gulat sa mukha ni Alfred...

"Hahaha, wala talaga... Straight talaga ako... walang spark! gumanti lang ako Idol kasi ikaw nga three years mong hinalikan Girlfriend ko... di ako nagalit... ako ngayon lang ako gumanti..."

"Jeff... di ako galit.... hahaha sa akin ok lang... pero look Alfred's Face... hahaha"

Tawa ako ng tawa sa mukha ni Alfred kasi halos mamutla ito sa nangyari. Ikaw ba naman halikan ng ganoon tapos sabihan ka pa ng "walang spark!" Parang sinabi mo na din na di masarap.

"Jeff... naku naku...gusto mo ng Memo! Aalis ka na lang... haysss kung hindi lang talaga... i swear i will kill you... hindi mo ba alam na si Anton lang ang nahalikan ng labi ko! huhuhu... akala ko siya lang talaga mahahalikan ko hindi pala..." pagta tantrum ni Alfred kay Jeff

"Dok, sorry po! Hehehe"

After noon ay nagpaalam na kami dahil secret nga lang ang pag uusap namin.

Nang makaalis si Jeff ay hinalikan ko agad si Alfred.

"Bakit mo ako hinalikan nasa hallway pa tayo baka may makakita sa atin...."

"Aba! So ang gusto mo talaga, yung lips ni Jeff ang malalasahan mo ngayon at siya pa ang last kiss mo.!"

"Hahaha.... ikaw naman! Pero di ko talaga inasahan na iyon ang gagawin nya.. nagulat talaga ako doon... Anton!"

"Hmmmm...."

"Dapat halikan ko din si Ella... kasi hinalikan ako ni Jeff dapat gumanti din ako kasi three years kang hinalikan ni Ella.." sagot nito na parang bata at naka pout pa ang lips

"Nyek! Di ba dapat si Jeff uli sa harap ni Ella..."

"Ahhh oo nga nu!... Wag na pala... baka masabihan na naman akong walang spark!"

"Hahahaha.... pero natawa talaga ako sa reaction mo ng sabihin niya iyon babe,... hahahah ang gwapong si Dok Tan, sinabihan ng walang spark!"

"Babe.. STOP na! Asar na ako!"

"Hahahaha..."

-
-
-

Itutuloy...
JuanDer25

Ok ba ang kinalabasan...
Akala ko di ko magagawan ng way ang love story ni Ella.
Sa original draft kasi umuwing luhaan si Ella at mag isang nagpunta Abroad... Tapos nagkaroon pa ng eskandalo sa Hospital hehehe... so peace na tayo! Good naman ang nagawa kong change of story.

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora