Thirty-9: The Truth Part II

650 31 5
                                    

continuation...

Wala akong masabi sa mga sunod sunod na sinasabi nito.
Ang tanging nagawa ko ay irub ang likod nito at pakinggan ang lahat ng sinasabi nito.

Iyak ito ng iyak ng matapos nito lahat ng gustong sabihin...

Kaya naman nang magharap kaming dalawa ay agad ko itong hinalikan... punong puno ng pagmamahal... agad naman itong sumagot at dahil galing ito sa pag iyak kaya naman nag give way na ito at ako ang nanalo upang mag lead sa pagtagisan ng aming labi. 

Halos napapa ungol na ito ng sipsipin ko ang dila nito at hingal kabayo kaming naghiwalay saglit. Subalit muli nagbalik kami sa aming paghahalikan ng biglang may narinig kaming boses sa likudang bahagi ni Anton.

"OH MY GOD....ANTON???!!!!!"

Kita ko ang pagkagulat ni Anton ng marinig nito ang boses ng dumating..

"......."

---------------------------

Anton's POV

Hindi ko alam kung paano napalambot ni Alfred ang matagal kong binuild na wall.

Wala akong pinagkatiwalaan at wala akong binigyan ng buong pusong pang unawa. Kahit kay Ella ay hindi ako naging totoo sa nararamdaman ko. Marami akong tinago at ni minsan ay hindi ko inisip man lang na muling magbubukas ang puso kong bato.

Ang tanging alam ko lang ay dahan dahang nanumbalik ang at pumintig ng normal ang dibdib ko. Paang muli akong humalik sa aking College days, ramdam ko ang tunay na saya at ngiti na walang pagtatago at walang pagkukunwari.

Kaya naman sumugal ako kagabi sa dalawang kwartong bininigay sa akin ay pinili ko kung saan kwarto nandoon si Alfred.

Marami akong gustong patunayan...
Dahil hindi ko na alam ang nangyayari sa kabog ng dibdib ko sa tingin pa lang nito, kaya nga kapag naririnig ko ang boses nito lalo akong nagpapanic, di lang ako nagpapahalata pero halos hindi na ako makahinga sa sobrang kilig sa mga nangyayari.

Sa buong game wala ako sa sarili at ang mga sandaling magkalaban kami akala siguro ni Alfred focus na focus ako sa laro kasi super serious ang pinapakita ko pero deep inside.... "Waaaahhhhhhh" kaya naman sa kalokohang kong iyon hindi na ako nagtaka na prone ako sa aksidente.

Pagbukas ko ng pinto ay nakahanda na ako sa maaaring mangyari pero ng mabuksan ko ng tuluyan ay may nabanaag ko ang isang saliw ng musika.

Iika ika akong pumasok sa loob ng kwarto at doon nanumbalik sa aking alaala ang lahat ng tungkol sa musikang aking naririnig.

Sa una ay parang huni lang subalit habang napapalapit ako sa loob ay napapangiti ako dahil napag alaman kong ang musikang pinariringgan niya ay musikang alam na alam kong paborito nitong pinapatugtog sa tuwing ito ay natutulog ang "Four Seasons ni Vivaldi".

Para akong hinehele ng marinig ko ang musikang ito.

Napapaimpit ako ng sakit sa tuwing hinahakbang ko ang aking mga paa dahil baka magising ang doktor o ang binatang matagal ko ng gustong makita, mayakap at mahagkan.

Mabilis akong nakaligo pero sinuguro kong mabango ako at malinis hehehehe. Agad din naman akong nakapagpalit ng damit pantulog, isang manipis na sando at boxer ang aking sinuot. 

Nang ako ay makatayo ay muli akong nakinig at nag hummm ng musika. Kaya lang bigla akong natigilan ng mapansin kong tila gumalaw ang lalaki sa kama. Napatigil ako sa aking ginagawa pero bago pa ako makaupo sa kama ay napansin ko ng muli na itong natulog.

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDWhere stories live. Discover now