Thirty-1: Championship Game

665 32 1
                                    

Halos umabot sa tainga ni Alfred ang ngiti ng maalaala nito ang pagtama ng kanilang mga mata at mag smile si Anton sa kaniya. Alam niyang may pag asa pa siya sa binata pero alam niyang may hadlang at ahil na rin sa sakit na iniwan niya sa binata.

Sa kakaisip ni Alfred doon lang niya napagtanto kung bakit naging ganoon ang reaction ni Anton upang sapuhin nito ang sariling mukha.

...."Unconsiously masaya si Anton para sa akin kaya naman pag nagababalik siya sa realidad ay nagtatalo ang isip at puso nito...... haysssss my Anton... Don't worry di ako susuko..."

---------------------

Anton's POV

.....Alam mo yung pakiramdam na gusto mong magkasakit para naman di ako makapaglaro today... pero nandoon din yung pakiramdam na gusto mo na ewan..... "hayyyssss!"

"Eto ang nararamdaman ko ngayon!" ang sabi ko sa sarili

Sobrang taas ng anxiety level ko. Nag aalala na nga si Ella. Hindi katulad noong una na halos di ako nito kausapin dahil nagulat talaga siya na Varsity ako dati sa University ko.

Ngayon naman ay hindi ito umaalis sa tabi ko kasi pansin niya ang pagbabago sa aura and personality ko.

Sa buong Varsity life ko isang beses lang ako kinabahan ng husto, at ito ay unang game ko noong College.

Pero masasabi ko na mas mataas ang Anxiety level ko ngayon dahil sa maraming dahilan, at ang nangingibabaw sa lahat ay ang tungkol kay Alfred.

Nandoon yung galit at sama ng loob ko kay Alfred pero nagingibabaw ang isang emosyon sa puso na alam kong isang araw ay mangingibabaw kung hindi ko susupilin.

"I LOVE ELLA SO MUCH pero napakadaya talaga ng puso, lalo na ang Hypothalamus ko... hindi pa rin ito natuto... may hinahanap hanap pa rin na alam niyang mas bubuo dito!.... waaaaaahhhhhh" (kinilig ka ba?)

Dahil any moment alam kong may masamang mangyayari dahil mapaka persisyent ni Alfred para makuha ang loob ko.

"Oo, alam ko na ginagawa nito ang lahat pero sa tuwing naiisip ko iyon ay muling nabalik ang nakaraan."

Sa tuwing naiisip ko ang nakaraan ay muling tila nadudurog ng pino ang puso ko sa sama ng naramdaman ko sa kaniya.

Aamin ako, noong mapanood ko siya sa last game nila hindi ko alam ang ginagawa ko.

-------------------- 

Anton's Side Story

"Tang ina, pag natalo kang gago ka hinding hindi na kita talaga kakausapin...." bulong ko sa isip ko ng makita ko na muling lumamang ang kalaban nila Alfred.

Sa tuwing hawak ng Team nila ang bola ay halos gusto ko nang pumasok sa Court para ako na ang lumaro dahil mayroon sa loob ko na gusto ko sila ang makalaban namin.

Gusto kong batukan isa isa ang team nila dahil maraming chances na sila na ang panalo pero nagiging lax sila kapag nakalamang na sila kaya ngayon pang apat na OT na.

Halos mabingi na ang tenga ko sa sobrang lakas ng sigawan sa Court mula sa side ng kalaban at napaka tahimik naman ng sa side ng team nila Alfred. Alam mong ang lahat ay nagdadasal sa kanilang inuupuan.

Samantalang ang mga katabi ko, ang kasintahan ko ay mga kaibigan nito ay talagang kuntodo suporta kay Alfred halos lumabas na ang tonsil ng mga ito ag mabasag na ang ear drums ko sa paulit ulig na sigaw ng mga ito sa pangalan ng doktor.

Dahil kapag nanalo ang team nila Alfred talagang record breaking dahil ang dalawang kulelat na team ng mga nakaraang taon ay eto ay maaaring ang maglalaban sa Championship game.

Nang magsimula ang pang apat na OT ay talaga namang hindi na ako mapakali. Nanatili na lang akong nakaupo, at nakatutok sa mga players ng nga doktor lalo na sa binatang sobrang tiyaga at ayaw talagang mag give up.

Kita mo na pagod na pagod na ang lahat pero parang si Alfred ay di nauubusan ng lakas.

Kaya naman nasabi ko na lang na.

"ang hindi susuko at malakas ang fighting spirit, siya ang mananalo!"

Dumating ang huling dalawang minuto at pantay ang score ng magkalaban. Sa grupo nila Alfred ay siya na lang ang nagalaw o na score at kita mo ang kagustuhan nitong manalo sa mga mata nito.

Kaya naman kusa nang sumuko ang mga kalaban ng mga ito dahil alam nilang hindi susuko ang doktor. Kaya naman ng ma ishoot ni Alfred ang bola at tumunog ang buzzer ay talagang dumagundong sa buong Court.

Halos manghina ako sa nangyari kaya naman umupo na lang ako at lahat ng nasa paligid ko ay nagwawala sa sobrang saya at suporta sa grupo ng mga gwapong doktor.

Natatawa na lang ako kasi kahit yung mga lalaking alam kong pilit na nagtatago ay eto at kulang na lang bumirit ng malakas...

Habang nakaupo ako ay napansin kong nakatayo lang si Alfred samantalang nagkakagulo na ang buong team nila.

Nagulat ako ng napansin kong may hinahanap ito.

Kaya naman ng mailibot nito ang paningin at magtama ang aming mga mata ay napa smile ako ng napakatamis upang ipakita ang suporta ko pero nang gawin ko iyon ay nakita kong tila muling nanumbalik ang lakas nito at talaga namang sinuklian ako ng napakagwapong ngiti kaya lang nang makita ko iyon, nalaala ko ang lahat kaya naman parang napako ako sa kinauupuan ko. 

Kaya naman sa sobrang inis ko sa sarili ay nailagay ko agad ang dalawa kong kamay sa mukha ko at paulit ulit na bumubulong sa aking isip

"Anton, what are you doing... My god... Waaaahhhhh... Anong ginagawa mo..."

Sa sobrang guilt na naramdaman ko ay napayuko na lang ako at mabilis na tumayo at di na ako nagpaalam kay Ella at umalis na ako.

Kaya naman pagdating ko sa labas ay tinawagan ko ito na magkita na lang kami sa Hospital, dahil habang nalabas ako ng Court ay narinig kong na move ang Championship Game.

--------

Ngayon nga ay ilang minuto na lang ay mag start na ang Championship game at ang tuhod ko ay tila isang gummy bear, nanlalambot ang mga ito.

Hanggang sa marinig ko na ang boses ng Host para mapa hype ang mga audience sa buong Court.

.....at unang tinawag ang grupo ng mga Doktor at ng tawagkn ang pangalan ni Alfred at malakas na sigawan ang dumagundong sa buong Court at may tila malakas na pintig sa puso ko ang pumintig ng marinig ko ang pangalan nito...


Itutuloy
JuanDer25

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDWhere stories live. Discover now