Ten: Puso o Isip?

830 38 9
                                    

Anton's POV

Pagdating ko sa hospital si Alfred agad hinanap ko sa OR pero i found out na sa ER na ito naka assign.

Agad ako nag message sa kaniya pero kahit "ha o ho" walang reply.

Kaya nga nag decide akong tumawag dito pero cannot be reach naman ang unggoy.

Nag aalala na ako at mejo naasar na din kasi di man lang ito nag rereply sa messages ko.

Natapos ang duty ko ng walang Alfred na nagparamdam.

Paglabas ko ng hospital kitang kita ko yung kotse niya na palabas ng parking gusto ko sana siya habulin pero di ko na din maabutan dahil malayo layo ito sa akin.

Kaya agad akong tumawag dito ng makauwi ako ng bahay pero ring lang ito ng ring. Nag aalala na talaga ako baka nasaktan siya sa sinabi ko.

"eh kasi naman kung makareact parang sobrang selos na selos. Haysss teka, hindi nga ba?"

"Haysss Anton, hindi pede mangyari yang iniisip mo. Straight si Alfred at alam mong straight ka din" bulong ko sa sarili ko.

Paikot ikot ako sa kama ko at ewan ko mukha akong tanga.

--------

Lalo lang sumakit ng husto isip ko ng mahigit 3 days nang di nagpaparamdam si Alfred. Kaya naman nang malaman kong hindi ito duty sa hospital at nasa school ito ay pumasok ako ng maaga para makita siya.

Pagdating ko sa University, nakita ko siyang nakaupo sa ilalim ng puno kung saan yung favorite spot niya. Lalapit na sana ako dito ng biglang may tumabing babae dito at ewan ko naasar ako ng bigla nitong halikan si Alfred sa pisngi.

Ewan ko pero parang uminit ang ulo ko at di ko alam gagawin ko. Sa sobrang asar ko ay pumunta na lang muna ako sa basketball Court at naglaro tutal naman may extra outfit naman ako sa locker ko. Di na binawi ng school yung locker ko at ibang binigay nila simula ng mag quit ako ng basketball.

Habang naglalaro ako ay di talaga maalis sa isip ko nangyari kanina. Ewan ko kung bakit asar na asar ako na may ibang kasama si Alfred, except sa mga tropa niya. Sino kaya yung babaeng humalik sa pisngi nya.

"Ahhhhhhh!" Napasigaw na lang ako at naibato ng malakas ang bola. Kitang kita ko ng pagkagulat ng mga taong nasa loob ng gym. Nagpatay malisya na lang ako. Pero lalo lang uminit ang ulo ko ng makita kong nandun din pala ai Alfred at babae niya nanonood sa akin.

Isa pa sa kinakainisan ko ay nakita ko na naman yung lalaking walang expression at wala kang mababasang kahit na ano sa mukha nito.

Dumiretso ako sa shower room at naligo.

Habang naliligo ako ay naisip ko ang bagay na di ko alam na maiisip ko.

"Anton, nagseselos ka!" sigaw ko sa isip at sarili ko. After kong sabihin yun ay gulong gulo na ako.

Kailangan ko siyang makita para siguraduhin ko kung tama ba nasa isip ko.

Nang makapag palit ay hinanap ko agad siya.

Nasa ilalim uli siya ng puno.
Nang makita ko mukha niya "pucha kumabog ang dibdib ko".

Naku mali ito, bulong ko sa isip ko.
Mukha na akong tanga sa kinatatayuan ko, higit sa lahat mukha na akong tangang bumubulong sa sarili ko.

Nagtatalo ang isip at dibdib ko ng mga oras na iyon.

Yung buhok ko talo pa ang ermitanyo dahil ang gulo gulo na kaka kamot ko sa buhok ko.

Gulong gulo na ako.

Kaya naman ng muli kong tingnan si Alfred sa pwesto niya. Nagulat ako ng makita kong nakatitig ito na kahit malayo ay alam kong sa akin siya nakatingin.

Di ko alam gagawin ko kaya naman mabilis akong tumakbo papunta sa Waiting area.

"Haysss.... Anton, ang nangyayari sayo. Lalaki ka... Babae ang gusto mo. Anung gagawin ko. Bakit sa pagtulog ko at pag gising si Alfred agad iniisip ko at hinahanap ko. Bestfriend mo xa.. Oo bestfriend mo siya!"

Sa sobrang lalim na iniisip ko ay nagulat ako ng biglang tumunog phone ko.

Mas kinabahan ako ng malaman kong si Alfred ang nag message sa akin.

"Tol, make a way na di ka sumabay sa bus pag uwi mo. Susunduin kita we need to talk!"

Sa dami ng gusto kong sabihin pero  gulong gulo ako. Tanging "ok" na lang nasabi ko.

Kaya naman nang dumating ang CI ko ay agad kong sinabi na susunduin ako ng parents ko after duty at di na ako makakasabay pag uwi.

Agad naman na pumayag ito ng sabihin ko iyon. After that agad ako nagsend ng txt kay alfred.

"Ok, pumayag CI ko na di ako sasabay pag uwi sa bus"

"Ok, just wait for me, mamaya! Sige na"

Gusto kong ibato cellphone ko sa cold message niya sa akin.

"Haysss bahala na mamaya."

-
-

Itutuloy
JuanDer25

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDWhere stories live. Discover now