Chapter 1. I Just Don't Care

8.5K 185 117
                                    

Klairey

-

People will always judge you no matter how kind you are.

So why please everybody? Why do you need their approval? Why do you need to act perfect in front of them? When in fact, some of them are talking behind your back and always looking for something to pull you down.

Ang effort kaya! You always have to smile or control your facial expression to appear more approachable-na sobrang nakakangawit.

You have to say 'yes' to them even if you can't handle it anymore as if you don't have a choice. Really having no choice? Of course, you always have. Take it or leave it? Simple!

They will be used to it and it will become their habit. 'Yong iba, sasamantalahin na ang kabaitan mo. At kapag humindi ka lang ng isang beses, sasabihin nilang "nagbago ka na". Ang hirap kasi sa mga tao ngayon, iaasa talaga sa 'yo ang isang bagay basta alam nila na okay lang sa iyo. Gosh! Nakakairita! Just by thinking about them makes my blood boil up to 200 degrees!

I hate people who's good in sending others to do their work as much as I hate people who's as kind as a saint!

Gobyerno nga, hindi inuuna ang bayan nila pagkatapos ikaw, uunahin mo lang ang iba? Eh, di pumunta ka na lang sa Vatican at mag-apply ka nang santo o santa!

There's no bad in helping others but you have to help yourself first. May buhay ka rin. You need to rest and you need some time for yourself. Sayang 'yong mga oras na sana ay may nagawa kang iba na magbe-benefit ka pa.

That's why I always prefer my resting bitch face because it's simply effortless. People will avoid you. You have that "don't mess with me or else" aura. And then, voila! They would say na maldita ka na. Na-judge ka agad, 'di ba?! See? That's how instant people's judgment is.

Kagaya na lamang ng tingin ng mga tao sa paligid ko ngayon habang dumadaan ako sa corridor ng school na pinapasukan ko. Hindi ako estudyante but I'm one of the faculty staff in the school's registrar office.

Kapag nararamdaman ko na nakatingin sila sa akin ay tinitingnan ko rin ang direksyon nila at bigla silang mag-iiwas ng tingin. Most of the time, ang mga estudyante ay bigla na lamang tatahimik tuwing dadaan na ako sa tabi nila at mag-iingay ulit kapag nakalayo na ako.

Like gusto kong tumigil sa harap nila para pagsabihan na magsipasok na sila sa room nila, mag-aral sila nang mabuti at nang maibalik naman nila ang hirap ng mga nagpapaaral sa kanila, but I'm Klairey Ramos, I will not do something that will not benefit me and I will not ever waste my time to people who doesn't even value their time as well.

It's a good choice na hindi ko itinuloy ang pangarap kong maging noong bata pa ako which is to become a teacher dahil panigurado, mauubos lang ang pasensya ko sa mga batang ito. Tatanda pa ako nang mas maaga!

But who am I kidding? Narito pa rin ako sa school na ito kung saan ako g-um-raduate almost 4 years ago. At dahil nasa registrar ako, makakasalamuha ko pa rin ang mga estudyanteng ito at least twice a year. 'Yon ang panahon ng enrollment which is now.

It's somehow a good thing. Busy ang lahat sa building namin. Mabuti na rin at hindi papetiks lang ang ibang staff. Chika rito, cellphone doon. Hindi man lang nila naisip na binabayaran sila para magtrabaho.

Pagdating ko sa office namin ay napansin kong bukas na ang ilaw sa office ng head namin. Maaga pa kaya wala pa ang mga officemates kong mga punctual-meaning, eksaktong alas 7:30 nagpa-punch in. Very punctual! That's the start of our working hours!

"Klai?" I heard Sir Jim called me just before I place my butt on the chair. Malamang ay narinig niya ang tunog ng heels ko at alam kong kilala niya ang lakad ng bawat empleyado sa building na ito. Pinatong ko na lamang ang bag ko sa table at agad na dumiretso sa opisina nito.

Deal With Klairey Onde histórias criam vida. Descubra agora