Chapter 10. No, Thank You

1.2K 48 17
                                    

Klairey

-

Office works are stressful lalo na at nag-a-apply ang school for accreditation. They needed the records from five years ago up to present for reference and we have to give those files to them as soon as possible.

Even Hazel was exhausted. Akalain mong ang ball of energy ay napapagod din pala?

"Ate! I can still do this, right? I can do it. I can—huhuhu! Ate, I want to go home!" halos paiyak na sabi nito. She's pouting like a child who lost her lollipop. Ang cute pa rin nito kahit na haggard na ang mukha. Edi siya na ang cute kahit haggard.

"Kaya mo 'yan," tipid kong sagot. Kahit ako ay gusto ko nang mahiga sa sobrang pagod. Dalawang araw pa lang kaming naririto sa file room at parang may humihigop ng lakas namin na dahilan kung bakit ang dali naming mapagod.

Luckily, it's Wednesday today so mas okay ang paggalaw namin. Wearing uniform isn't a big help, kahit blouse at slacks lang iyon.

Bumalik kami pansamantala sa office para ihatid ang mga nakuha naming files. Nasa kabilang bahagi kasi ng building ang stockroom kaya nagmukha talaga kaming kargador habang buhat-buhat ang mga karton. Nakakahiya pa dahil kailangang dumaan sa mismong harap ng registrar para makabalik sa office.

"Gosh! 'Di ko na keri itey! Ang lakas maka-haggardness ng ginagawa nating ito, ha? Bakit kasi sa akin pa kayo nagpatulong? Bakit hindi na lang kay Renzo? Pinagkakaisahan n'yo yata akong dalawa, eh. Ayan tayo, eh!" reklamo ni Crisha habang humihingal.

"Baka nakakalimutan mo, may files ka rin diyan," asik ko rito. Kung ako sa kanya, hindi na lang ako magsasalita dahil mas lalo iyong nakakapagod. Akala mo naman ay sobrang bigat ng dala niya. Mas mabigat pa nga ang karton na pinagtutulungan naming buhatin ni Hazel.

Speaking of Hazel, hindi na ito masyadong nagdadaldal dahil siguro sa pagod na rin. Ngingiti lang ito kapag napapatingin ako sa kanya o tuwing nagrereklamo si Crish gaya ngayon.

"Kapag ako lang talaga, hindi na nagkaanak sa pinapagawa nilang ito, irereklamo ko ang management sa DOLE, sa Gabriela, sa Senado, pati sa BIR!"

"Ate Crish, hanap ka muna po ng boyfriend bago anak. Ang advance mo masyado," sabi ni Hazel at natawa naman ako. Oo nga naman kasi.

"Aba, Hazel. Akala ko, pagod ka na pero nakuha mo pang barahin ako, ha? Baka gusto mong isumbong kita sa—"

Isang busina ang gumulantang sa aming tatlo mula sa likuran namin. Muntikan na yata akong atakihin sa puso dahil sa sobrang gulat. Napamura pa nga si Crisha at hindi ko siya masisi dahil muntik na rin akong mapamura.

Maya-maya ay nasa harapan na namin ang isang motorsiklo at pagkakita ko pa lamang ng logo ng PanEx ay napaismid na ako. Tinanggal ng rider ang helmet nito at tumambad sa amin ang mukha ni Yulian.

"Anak ng! Yulian beybe, naman, oh! Nahulog 'yong puso ko! Buti sana kung sinalo mo."

"Sorry," he said apologetically habang kinakamot ang likod ng ulo. So he's sorry for not catching Crisha's heart? Ha! Funny, Klai. He looked at me at umiwas naman ako ng tingin. "Tulungan ko na kayo, Crish."

"Ay talaga ba? Thank you, ha?" Pabebe nitong babaeng 'to. Makapagmura, akala mo, tambay sa kanto pero pagdating sa lalaki, biglang lalambot.

"Ate Klai? Tulungan na raw tayo ni Kuya Yulian. Okay lang po ba?"

"Sure," tipid kong sagot at pagkababa namin ng karton, iniwan ko na sila roon at nauna na akong pumasok sa building. I am just so tired to talk. Wala akong pakialam kung lalabas akong brat.

Deal With Klairey Where stories live. Discover now