Chapter 17. You Don't Know The Feeling

621 35 3
                                    

Klairey

-

The screeching sound of the truck's tyres caught everybody's attention.

Halos liparin ko na nga ang kabilang kalye pero pinigilan lang ako ni Yulian. Kung isisige ko raw ay baka pati ako ay mapahamak.

I'm holding my tears as my system is filled with worry. These inconsiderate vehicle owners deserve some flat tyres! Hinintay ko pa ang pag-stop muli ng mga sasakyan bago ako makakatawid. If only I could pin their tyres para lamang tumigil ang mga ito, ginawa ko na.

I can't clearly see Crisha's situation on the other side. Nakita ko lamang na nasa labas na ang driver ng truck at may mga usisero sa paligid. Malamang ay wala ni isang tumawag ng ambulansya sa mga taong to!

I rushed to her as the light turns red. Nanginginig ang buong katawan ko na halos hindi na ako makahakbang. Hindi na rin ako lumingon pa kung may paparating bang sasakyan. Ang mahalaga ay makatawid ako ngayon.

I saw her sitting in front of the yelling truck driver. Agad ko itong dinaluhan at niyaya sa may gilid ng kalsada, eyeing every overly inquisitive people around. Tumalikod na rin ang ibang naroon. Iniwan ko muna saglit si Crisha kay Yulian bago ko binalikan ang nagtatalak na driver.


“Oh ano? Ipapakulong n’yo ako? Eh kayo tong tatanga-tanga tapos ako pa ang lalabas na masama! Ano?” sigaw nito. Ah! Ang baho ng hininga ng lasing na to ah. Biglang napalitan ng galit ang nararamdaman ko. Nakakapandilim ng paningin tong taong to. Ang kapal ng mukha! Siya pa ang may ganang magalit. Samantalang ako ang may karapatang manggalaiti rito!

“Alam mo kuya," huminga ako ng malalim." Una sa lahat, ayaw na ayaw kong nakikipag-usap sa lasing.” Nagtitimpi lang ako.

May mga tao talagang nauuna pang magalit kahit na sila ang may kasalanan, ano? Mga salot sa lipunan!

“H-hindi ako lasing!”

Pinamaiwangan ko ito. “Okay. Sabi mo eh. Pero wag na wag mong tatawaging tatanga-tanga ang kaibigan ko. Kung nakita n’yo rin sana kaagad yong tao, edi wala sanang naabala rito! Ano Kuya? Magso-sorry ka na ba? O kung hindi naman… Saan mo gustong masikatan ng araw? Sa presinto o sa morgue?!” walang kagatol-gatol kong sabi. Wala akong pakialam kung mas malaki siya sa akin, o kung may mga tattoo man siya sa katawan o nananapak ang hininga niya! Galit ako and don't mess up with an angry Klairey!

“Hoy Junior! Bilisan mo na riyan, galit na si Boss!” sigaw ng isa sa mga kasama niyang pahinante.

Nagsukatan kaming dalawa ng tingin. "Nagsasayang ako ng panahon sa mga tatanga tanga! Diyan na kayo!"

"Hoy! Teka!" mabilis na sumakay ito sa truck at pinaharurot ng takbo. Haharangan ko sana ito nang higitin ako ni Yulian. "Pasalamat kang kalbo ka! Ma-flat sana gulong nyo! Maubusan sana kayo ng gas sa gitna ng kalsada!" sigaw ko kahit alam kong hindi na nila ako maririnig. Tiningnan ko naman ng masama ang mga usisero na nakatingin sa akin. "Oh ano tinitingin tingin nyo?! Dyan lang kayo magaling, ni hindi nyo man lang tinulungan yong tao!"

Gosh! Galit na galit talaga to the point na idadamay ko lahat ng humihinga sa mundo.

Maswerte siya at priority ko na rin si Crish. I checked her body for some scratches but thank God, kaunting gasgas sa kamay at siko lang mayroon, or only at least visible to my eyes.

Worry is also shown on Yulian's face. Hinahagod nito ang likod habang hawak ang balikat ni Crish.

"Crisha? Umayos ka nga!" instead of asking her if she's okay, which clearly shows that she's not, here I am, acting like a mother to her lost child. "Don't you know how dangerous that stunt is?"

Deal With Klairey Donde viven las historias. Descúbrelo ahora