Chapter 6. Engagement

1.3K 81 15
                                    

Klairey

-

We started the "session" by a toast for the team at dinagdagan iyon ni Kuya Dong na ipinagtaka ko naman.

"Para din sa success ni Jim!"

Natawa na lamang si Sir Jim sa kanya. Hindi rin ako nag-bother na magtanong dahil malaman ko man ay wala pa rin akong mapapala. If I know, they'll spill it later on kapag lasing na sila.

For the girls ay flavored beer lamang ang iniinom namin while hard drinks naman sa mga lalaki. Umiinom din naman ako minsan because I really am not that good girl type para hindi tumikim ng alak. There were times na dalawa kami ni Klover sa bahay habang nanunood ng movie kapag trip namin. We also have stocks sa ref namin if we want to have a sip before we sleep.

Everyone is having fun dahil sa dami ng kwento ni Kuya Dong. Akala mo ay ilang taon kaming hindi nagkita. Our topic is more on gossips about different departments though hindi ko naman kilala ang iba sa kanila dahil hindi ko naman sila nakakasalamuha.

Nakamasid lang ako at nakikinig sa kanila. Napapansin ko na unti-unti nang nagkakatama ang mga kasama ko. Renzo removed his eyeglasses and started talking. Gusto ko nga sanang makipagpalit ng pwesto sa kanya dahil feeling ko ay sagabal lang ako rito pero pinigilan ako ni Sir Jim. Nilamig na si Crish kaya sinuot na nito ang jacket. They are still talking about the guys below, I guess, dahil lagi silang tumitingin sa baba. Hindi ko naman gaanong makita dahil narito sa gilid ko si Renzo. Ate Cel stopped drinking while Kuya Dong and Sir Jim seems to have high tolerance pero maingay na silang dalawa at panay ang apir kapag natatawa sa jokes nilang ang mamais. Still, napapansin ko na panay ang tingin ni Sir Jim sa wristwatch nito. Is he waiting for something? Or someone?

Napalitan ng isang banayad na tugtog ng gitara ang kanina'y masasayang awitin na bumabalot sa loob ng bar na iyon. Napakasarap niyon pakinggan na mistulang tumatagos na iyon sa kaibuturan ng puso ko. I maybe overreacting due to the spirit of alcohol. Yes, I drink occasionally but it doesn't mean na mataas na ang tolerance ko sa alcohol. Kumbaga, matipid lang akong painumin.

I closed my eyes and when that guy downstairs started to sing, mas lalo kong nagustuhan ang tugtog na iyon. It felt like a familiar feeling started to embrace me. Nakalimutan ko na na may mga kasama ako dahil nahulog na yata ako sa boses at kantang ito. It's Jireh Lim's song entitled Pagsubok.

All of a sudden, I felt my chest tighten. That is because I was relly drowned by so much emotions. Bakit ba napakalungkot ng kantang ito? Bakit ba napakalungkot ng pagkakakanta ng taong ito? Parang napakalalim ng pinanghuhugutan nito ng emosyon.

"Klai, why are you crying?" Sir Jim asked me. Inabot nito ang tissue sa akin. Am I?

Dinama ko ang pisngi ko and it's really wet! Mabilis kong tinakpan ang mukha ko sa hiya at kinuha rin ang tissue na binigay ni Sir Jim.

"Hala! S-sorry. Nalungkot lang talaga ako," I told them with my voice cracking.

Natatawa naman sila na nagtataka at nakikita ko na nag-aalala. Lumapit si Hazel sa akin and she started tapping my back. Of course, hindi naman nila alam ang mga issues ko sa buhay kaya magtataka talaga sila. Besides, I rarely express my inner feelings. Lagi ko lang iyong tinatago gamit ang btchy kong aura.

"May pinagdadaanan ka ba, Ate Klai? Andito naman kami para makinig sa iyo," Hazel said in a low voice enough for me to hear.

Honestly, ngayon ay wala naman talaga. It suddenly just felt like "that" happened yesterday. All the emotions came back in an instant just because of a single song! That was so long ago and I know to myself that I already moved on.

Deal With Klairey Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon