Chapter 9. Patience Is A Must

1.2K 61 10
                                    

Klairey

-

I am shaking and really pissed right now dahil sa katigasan ng ulo ng mga magulang ko.

Nalaman ko lang naman na pinahiram na naman nila ang tita kong never kong naalala na nagbayad sa mga utang niya kina Papa. Sinasabi lang nila na nagbabayad ito nang paunti-unti but I doubt.

Bakit pa kasi sinabing utang kung hindi naman babayaran? Edi sana, hingi na lang ang sinabi nila. Pinaganda pa sa salitang "utang". Utang na loob, kahit anong salita pa iyan, basta kapag nakakaintindi ka, alam mo na ang gagawin mo, 'di ba?

How did I know? Through Klover! Knowing na pareho lang kami na ayaw ng ideyang iyon kaya sinumbong niya rin sa akin. Of course, my parents intend to not tell me regarding this matter. Takot lang nila kapag ako ang kumausap sa tita kong iyon.

Pinigilan lang ako ng kapatid ko na tawagan sina Papa dahil siya naman ang malalagot sa mga magulang namin. They'd know that he's the one who spilled the beans at baka hindi ito padalhan ng allowance. Hindi naman iyon gaanong problema sa kanya pero sayang din daw iyon. Hindi kasi nila alam na may part-time job si Klover.

Alam nina Mama na magagalit ako kapag nalaman ko na nagpahiram na naman sila. Marahil ay nagdrama na naman ang magaling kong tita at ginamit ang dahilan na sa pagkakaalam ko ay natanggal sa pinagtatrabahuhang opisina ang asawa nito dahil magsasara na ang kompanya. Nag-aaral pa ang dalawa nitong anak at mahina rin ang negosyo nila. Second cousin ito ni Papa at medyo magka-close sila dahil halos sabay na silang lumaki sa probinsya at wala akong pakialam!

Okay lang naman ang tumulong, eh. Kaso sana, tulungan din nila ang sarili nila. Kung mayroon, mag-ipon. Hindi 'yong makikita mo na lang sa social media, nasa ibang bansa at nagbabakasyon pala. Social climbing at its finest! Gaganahan ka bang tumulong kapag ganyan?

Mabuti rin sana kung matatakbuhan namin sila kung kami naman ang nangangailangan. Hindi naman sa walang wala kami pero may hinuhulagan pa kaming bahay and Klover is still schooling. At ako, gusto ko rin namang makapag-ipon.

Nais kong itanong kung wala na ba silang ibang kapamilya at laging sa amin na lang ang takbo. Kung mayroon man, alam ko na hindi rin sila matutulungan. If I would enumerate every single reason why, mapupuno ko siguro ang isang bond paper, back to back, font size 8, no margin. But I won't do that! I don't want to blabber more about them dahil mas lalo lamang akong mababanas.

Napasabunot na lamang ako sa buhok ko dahil sa sobrang pagkainis.

Maliban sa mapapatanong ka na lang kung bakit hindi ka ipinanganak na mayaman, mapapatanong ka rin kung bakit hindi ka ipinanganak nang mas maaga.

'Yong kasing dekada ng lolo't lola ko. Sana, naalagaan ko nang mabuti ang mga negosyo at lupa namin at hindi iyon basta-bastang naipamigay sa iba. Nalaman ko lang din ang kwentong iyan sa lolo ko noong nabubuhay pa ito. Halos magdabog ako sa harap niya noon dahil sa inis. Tinawanan lang nila ako.

Argh! Ba't ba ako napunta sa pamilyang ito? Parte ba talaga ako nito? Sila ay pawang mapagbigay at mapagmalasakit, samantalang ako, walang pakialam at mas praktikal sa buhay.

Sinubukan kong mag-concentrate sa ginagawa ko pero wala, eh. Sumasakit ang dibdib ko at halos hinahabol ko na ang paghinga ko. Ganito talaga ako kapag sobra ang nararamdamang emosyon. Hindi naman sa pagiging OA pero halos hindi na talaga ako makahinga at hindi ako makalma.

Lord, bakit po noong nagbigay kayo ng pasensya, tulog po ako? Bigyan n'yo pa po ako ng mahabang pasensya, please?

Hindi ako makausap nina Hazel dahil ramdam din nila ang tensyon sa paligid ko. Paano, halos masira ko na ang keyboard ng computer ko sa bigat ng pagtipa ko. Sinubukan pa akong biruin ni Crish na macha-charge sa akin ang masisira kong gamit pero sinamaan ko lang ito ng tingin. Wala akong pakialam kung makasira pa ako ngayon.

Deal With Klairey Where stories live. Discover now