Chapter 2. My Brother Is A Pig

2.6K 98 75
                                    

Klairey

-

It was the last day of enrollment and I am just so happy that I won't have to deal with those college students anymore!

I was kind of thankful that Hazel was there to assist me. Hindi siya mahirap i-train. She's definitely a fast learner with a very pleasing personality. Parang lagi itong hyper at puno ng energy kahit na bandang hapon na. Kumbaga, hindi nalo-lowbatt, laging full charge at parang na-beat nito ang energy gap. I guess, ganito talaga kapag bago ka pa lang sa trabaho– bibong bibo.

Yes, I'm complimenting her inside my head. She must be so proud of herself once she knew about this dahil hindi talaga ako mahilig magbigay ng compliment sa isang tao. Once in a blue moon lang and surely it's sincere when I do it. I don't want to speak a word without meaning it.

Ang iba ay napakadali lang magbigay ng papuri kahit minsan ay hindi naman totoo o wala naman talagang basehan. Napapangiwi na lamang ako kapag nakakarinig ako ng mga bagay na hindi angkop para sa sinasabihan nito. I am not a fan of white lies. A lie is a lie. Kahit sabihin nila na para lang huwag kang makasakit ng tao, kailangan mong magsinungaling ng kahit kaunti lang. Sinasabi lang iyon ng mga taong ayaw ma-guilty. Dinadahilan pa ang "white lie" para pagtakpan ang guilt nila. I just don't understand why others have to do that when you'd feel more guilty when you tell a lie, wouldn't you?

For the past two weeks ay kaming dalawa lagi ang magkasama kahit lunch break and for the record, that was the longest time I've ever been with my officemate. I don't usually join anyone during lunch break. I prefer eating alone on my cubicle most of the time.

To start my day right, I played Pink's song entitled Fucking Perfect and jammed with it while I was cooking, na minsan ko lang nagagawa. Madalas kaming bumili na lang sa labas ng luto.

Nagulat na lamang ako nang biglang may humila sa earphones ko. Nang lingunin ko ang asungot ay hindi nga ako nagkamali. It's Klover, my evil brother in his boxers. It looks like he woke up at the wrong side of the bed based on his ugly face. Akala ko ay himala na maaga itong nagising. Naalala ko na ngayon nga pala ito magpapa-enrol. Hinintay pa talaga ang last day para daw save the best for last. As if he's the best. Iw.

"Ang lakas ng boses mo! Kasing lakas ng loob mong kumanta pero wala ka naman sa tono," he said huskily sabay kamot sa puwet at papungas-pungas pa. Kadiri! If only I could take a video of him at i-upload ko sa Facebook, malamang mag-viral ito dahil sa mga stalkers niya. Hmm? Not a bad idea. Maybe, next time. Makapag-install nga ng CCTV dito. Pam-blackmail lang kapag inaasar niya ako. I laughed evily at the thought.

"Excuse me, baboy. Nasa tono ako. Inggit ka lang kasi." Pinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko nang aktong papasok na ito sa CR. Bago sinara ang pinto ay nag-iwan pa ito ng isang malakas na utot. As in iniwan niya pa 'yong puwet niya sa nakaawang na pinto! Sabi nila, kapag malakas ang utot, wala raw amoy. Ang sabi ko naman, fake news 'yon dahil ang baho talaga! Ang baboy!

Dalawa lang kami ni Klover dito sa apartment na nirerentahan namin. Dalawa ang rooms na kinuha ko dahil lang sa isang bagay– napakalakas humilik ni Klover! Kahit nga nasa loob na ako ng kwarto ko ay dinig pa rin ang hilik nito. Mabuti na lamang at lagi akong nauunang makauwi sa kanya kaya tulog na ako pagdating niya. Kung hindi ay baka na-pillow murder ko na itong kapatid ko. Ayaw ko talaga ang naiistorbo ang tulog ko dahil matagal ako bago makatulog ulit. Sino nga naman ba ang may gustong maistorbo ang tulog? Sasampalin ko.

Graduating na ito sa college this academic year doon din sa school na pinagtatrabahuhan ko kaya kaunting kayod na lang at mapapalayas ko na rin itong baboy na ito.

Though hindi naman totally na pabigat sa akin itong kapatid ko dahil may sideline siya sa isang bar. Tinanong ko kung anong klase ng trabaho ang mayroon siya sa bar na sinasabi niya at ang sagot niya lang ay macho dancer daw siya. Walang kakwenta-kwentang kausap, 'di ba?! Hinayaan ko na lang as long as he promised to be safe always at basta hindi siya manghihingi ng dagdag na allowance sa akin.

Deal With Klairey Where stories live. Discover now