Chapter 5. Starry Night

1.4K 62 24
                                    

Klairey

-

Mabilis na dumaan ang dalawang araw at Friday na nga. Lumipas lang iyon nang hindi ko namamalayan. Bakit kaya ganoon? Gano'n na ba ako ka-busy para hindi mapansin iyon? O ganoon na ba ako kamanhid para hindi ko iyon maramdaman? Nah! Not the latter. Busy lang talaga akong tao.

Parang ayoko pa kasi sanang gumala mamaya. Mabuti na lang ay paalis na ang bisita ko. Kung hindi ay baka bawiin ko ang pag-oo ko sa mga officemates ko na excited na excited nang umalis mamaya kahit medyo masama ang panahon.

Normal people would be so happy when Friday comes. Marami ang magpo-post ng TGIF sa mga social media accounts nila. Dahil ayun nga, may lakad kasi kinagabihan, whatsoever na parties na a-attend-an or for those who's so lazy to wake up early ay pwede na raw silang gumising ng tanghali and be a pig for two days!

Of course, gusto ko rin naman ang weekends but I'd still find something to do para naman hindi sayang ang oras ko like wash my clothes, clean our rooms, yeah, including the pig's room and make food for the two of us, and the list follows. Oh, I have so many plans this weekend at sana ay Saturday na nga.

It contradicts my previous thoughts, yes. May mga oras kasi talaga na gusto mong pigilan na huwag lumipas at mayroon naman na gusto mong hatakin upang mapabilis. It's the norm.

Kung iisipin ay ngayon lang ako sasama sa kanilang lumabas. Halos oras-oras akong nire-remind ni Hazel na pagpatak ng alas singko ng hapon sa Friday ay dapat, maghahanda na kami. Para na rin daw maaga kaming mag-umpisa at siyempre, maaga kaming matatapos. Dapat lang! I don't want to waste my time sa mga hindi naman sobrang importanteng bagay.

Bet I'd be so bored in there kahit hindi ko pa alam kung saan talaga kami pupunta. Basta raw ay sumama lang ako at sila na ang bahala sa akin. Meh? Hindi naman ako bata para maging kargo nila ng isang gabi lang.

"Ate Klai, 31 minutes!" Hazel reminded me again. Hindi halata na excited ito. Parang may iba pa talagang cause 'yong excitement niya. If I know, siya talaga ang may pakana nito. Welcome party raw namin ito sa kanya. Halos magdadalawang buwan na siyang narito at ngayon lang nila ito naisip.

Pero hindi ba dapat ay kami ang magpaplano ng welcome party para sa kanya since kami ang magwe-welcome? Ugh. I don't really get this girl. Anyway, wala rin naman akong plano na mag-prepare ng event para sa kanya. I guess, naisip niya rin iyon so nagkusa na lang siya.

The time clicked 5PM, the bell rang and napa-yes naman itong katabi ko.

"I really love that sound," she exclaimed. "Ate, magpalit na tayo sa restroom."

Sumama naman ako rito dala ang bag ko. Simpleng shirt and a skirt lang ang dala ko. Pwede na siguro ito since indoors naman daw kami.

"Ate, ang fab mo talaga!" pamamlastik ni Hazel habang nag-aayos kami sa harap ng salamin. Pareho na kaming nakabihis.

"He-he, akala mo maniniwala na ko riyan sa mga bola mo? No need. Sasama ako," I told her habang inaayos ang buhok kong naka-bun.

"Hindi kita binobola. Duh? Totoo kaya. Ay wait! Ate, that's a no-no! Ilugay mo 'yong hair mo." Bago pa man ako makareklamo ay tinanggal na nito ang tali ko at inayos ng kaunti ang buhok ko. "Perfect! Let's go?"

I glanced at the mirror for the last time and this time, I agree with Hazel na ilugay ang buhok ko. At least, pwede kong matago ang mukha ko. I grabbed my bag and we immediately went outside dahil feeling ko ay kami na lang ni Hazel ang hinihintay nila.

Deal With Klairey Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang