Chapter 30. Lost, Break, Fly

843 21 87
                                    

Third Person's POV

-

"Nakita mo ba siya?" tanong ni Yulian kay Hazel na bakas sa maamong mukha ang pag-aalala.

"Wala siya doon Kuya, eh," sagot nito na galing sa kabilang parte ng parke kung saan laging tumatambay sina Yulian at Klairey.

Hinayaan muna nila si Klairey na mapag-isa dahil inisip nila na baka kailangan din nito ng katahimikan pero dalawang araw na ang nakalilipas at hindi pa rin nila ito ni ma-contact man lang.

Sinubukan na nilang puntahan sa bahay nila ngunit walang tao roon. Si Klover naman ay wala rin daw alam kaya hindi na nila ito pinilit kahit ang totoo ay duda sila sa kinikilos nito. May alam si Klover pero ayaw niya lang magsalita marahil nais lang din nito na tulungan ang kapatid na makalayo pansamantala.

Magtatanong din sana sila kay Melody kaso ay pumunta raw ito ng ibang bansa at mawawala ng ilang araw. Chinat na lang nila sa Messenger at nagbaka-sakali ang mga ito na may alam siya.

"Kuya, nag-aalala na talaga ako kay Ate Klai." mangiyak-ngiyak nitong sambit.

Pawisan at pagod na si Yulian pero nakuha pa rin nitong ngitian si Hazel. "Wag kang mag-alala, alam kong nasa mabuti naman siyang kalagayan. Hindi magiging kalmado ng ganoon si Klover kung may masama man na nangyari sa ate niya."

Gusto lang sana niya itong makausap dahil nagkamali siya sa mga sinabi niya noong nasa loob sila ng sasakyan. Dala na rin ng sobrang pag-aalala kaya hindi na ito nakapag-isip ng mabuti bago binitawan ang mga salitang iyon.

Huli na nang ma-realize ni Yulian na dumaan na rin sa ganoong estado si Klairey noon. Dapat ay alam na niya sa kanyang sarili na masyadong sensitibo ang bagay na iyon para kay Klairey.

Ganunpaman, hindi pa rin nauubusan ng pag-asa si Yulian. Alam niyang babalik si Klairey at magkakaayos din silang lahat.

Ngayon pa na mas kailangan niyang malaman ang totoo. Na hindi naman talaga siya ang may kasalanan kung bakit naaksidente si Renzo.



Sa kabilang banda...

Maingay ang loob ng bus na sinasakyan ni Klairey pero hindi niya ito alintana. Masyadong occupied ang isip nito para alalahanin pa ang paligid niya. Suot ang headset nito ay wala na siyang pakialam kung masira man ang eardrums niya sa lakas ng volume ng kanta.

Nakahalukipkip lamang ito sa window side at nakapikit ang mga matang natatakpan ng sunglasses habang tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha.

Her seatmate patted her kaya tinanggal niya ang isang headset. "Good thing you called me, Eklai. I would've been so worried about you! Don't worry, I'm just here, okay?"

Sinigurado niya sa kapatid na magiging maayos siya at makakabalik din kaagad. Nanalig naman itp dahil kasama niya si Melody. She's just unable to assure him that she'll come back whole.

"Thanks, Ate. Pasensya na rin sa abala."

"No, no, no. Don't think about it. Ayos lang. You need me. And I'm your ate."

Gusto sanang dalhin ni Melody ang sasakyan nito kaso nagpumilit si Klairey na mag-commute lang. Baka kasi hindi kayanin ni Melody ang pagda-drive at ayaw niya rin na isama si Sir Jim.

Nang makarating sila sa isla kung saan nag-prenup sina Jim at Melody ay agad silang nag-check in at nagpahinga. Ilang oras din na byahe iyon at mainit nang makalabas sila dahil tanghaling tapat na.

Agad na nakatulog si Melody dahil sa pagod ngunit si Klairey ay hindi man lang dalawin ng antok. Ni hindi ito nakaramdam ng pagod kahit araw-araw pa itong umiyak at hindi nakakatulog ng maayos.

Deal With Klairey Where stories live. Discover now