Chapter 12. Just In Time

1K 64 21
                                    

Klairey

-

I woke up earlier than my alarm clock. Hindi naman sa excited ako. It's usual to me kahit pa puyat ako. What's the sense of alarm clock? It's simply to annoy the hell of us.

I checked the pigpen but there's no sign of Klover. Sa pagkakaalam ko ay alas tres ang uwi niya ng bahay tuwing Sabado ng madaling araw, pero alas kwatro y media na at wala pa rin siya. Nag-text na lang ako rito kung anong oras siya uuwi.

Nagpasya na akong mag-ayos ng sarili. I simply wore a white off-shoulder top and high waist shorts. Maraming sunblock ang in-apply ko dahil ayokong masunog kabibilad sa arawan mamaya. I love the beach but I don't love the idea of getting burned.

Ang sabi ni Ate Melo ay dadaananan na lang nila ako sa tapat ng apartment bago kina Sir Jim. Before 5:30, nakaupo na ako sa labas ng bahay at naghihintay na dumating ang sasakyan nila. Nagtimpla lang ako ng kape para mainitan ang sikmura ko. Baka mag-stopover naman kami mamaya kaya doon na lamang ako kakain.

After awhile, dumating si Klover. Nakasukbit ang bag nito sa isang balikat at nakapatong naman ang jacket nito sa kabila. Mukhang pagod na pagod ito. Sabog pa ang buhok na mukhang na-rape ng mga stalkers niya sa daan.

"Napaaga ang uwi natin, boy, ah?" I crossed my arms while watching his every move.

Tiningnan niya lang ako saglit bago naupo sa tapat ko. Ibinaba ang mga dala sa mesa at inumpisahang maghubad ng sapatos.

"May lakad kasi 'yong kapalitan ko kaya kailangan mag-overtime."

"May lakad rin ako," pasimple kong sabi. Tutal naabutan naman na niya ako, magpapaalam na ako. Though I doubt if he cares.

"Obvious naman," matipid at sarkastiko nitong tugon. Kinuha niya ang kapeng tinimpla ko at uminom doon. Mukhang nasarapan siya sa kape ko. Tumayo na siya at pumasok sa loob dala ang kape KO. Pasalamat siya at halatang pagod ito kaya papalampasin ko muna.

"May pasok ka pa ba? Kung wala, paggising mo, magligpit ka ng kwarto mo at linisin mo ang CR, ha? Lock the door!" pahabol ko. I hear no answer from him. I'm half expecting that he'll obey.

Mayamaya ay isang pamilyar na Eon ang pumara sa harap ng gate. Napatayo naman ako at ibinaba ni Ate Melo ang window sa likod.

"Good morning!" magiliw na bati nito sa akin. Yes? Hindi halatang excited ito.

"Morning," I retorted. She opened the door at papasok na sana ako. I then realized that Sir Jim will sit beside her later so I opened the door at the front instead. "Sa harap na ako, Ate."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pumasok na ako roon. Napahinto ako sa pagsuot ng seat belt nang binati ako ng driver.

"Good morning, Ma'am."

Agad akong napalingon sa kaliwa ko. The driver's voice is familiar.

"Yulian?!"

Ngumiti ito at na-display ang mapuputing ngipin. He waved at me like we're close since grade school. Is he a kid?

"Magkakilala kayo?"

"Opo, Ms. M," he answered.

Ms. M? What's with the name? Kinunutan ko ng noo si Ate Melo pero ngumiti lang ito. 'Yong tipo ng ngiti na ang ibig sabihin ay mag-e-explain na lamang siya mamaya.

Deal With Klairey Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon