Chapter 26. Better Than Me

337 13 49
                                    

Klairey

-

"Ate, have you seen Ate Crish?"

Umiling ako. "Magkasama lang kayo, ah?"

"Yeah, right! One moment she's here then boom, she's gone! Off to somewhere with that guy or whatever just what the fish happened!?" dire-diretso nitong sabi.

Natatawa man ay sumimangot lang ako. I don't know. I have this feeling that she's keeping something to me kaya whenever she's around, my guards are up. Noong una, I thought she's just this sweet girl but later on, parang hindi na siya ang nakilala kong Hazel. I know I'm jumping to conclusions every time, but this time, I think I need to be ready when time comes that I discover her sercret.

"You texted her? Called her?"

"I tried! But to no avail. Maybe, she's really with Christian. I really hope so."

She seems helpless dahil wala si Crish. Bakit kailangan magkasama sila 24/7?

"Ate, can you please help me find her?"

"No, Haze. Sorry. Baka bigla kasi akong hanapin ni Ate Melo. Besides, malapit na yatang matapos ang program." diretso ko namang sagot. Puro speech na rin kasi kaya baka any minute ay tawagin ako.

"Aw. Sige Ate. Mamaya ko na nga lang siya hahanapin. I will just stick with you for now."

Hinayaan ko na lang ito pero nadi-distract ako kasi lagi siyang nagta-type sa cellphone niya. Minsan, matatawa, minsan kukunot ang noo o magugulat.

Ayoko namang silipin. Kung ako, sisilipan ng ginagawa sa cellphone, magagalit din ako.

Someone cleared his throat on our back. "Paupo."

I know that voice and I hate how my heart jump upon hearing it.

I also saw how Hazel's face lightened upon seeing him. Mukhang na-excite talaga nang makita ang mokong.

"Kuya!" she said, fondly.

Keyeee, I mimicked in my mind. I mentally rolled my eyes. Happy much? Ugh. What am I thinking?!

"Hi Haze." P-in-at na naman niya ang ulo nito at naupo sa tabi niya. Napatingin ako sa tabi ko na wala rin namang nakaupo. Baka meron? Multong siya lang ang nakakakita! "Mukhang may masama ang timpla, ah? Kinilig yata ng husto at hindi kinaya."

I shot a glare at him. "Iw."

Natawa siya na parang nakakatawa ang sinabi ko. Happy much din? Tss. Magsama sila.

"Kinilig saan? Share! Share!"

"Secret lang namin yon, Haze," sabi niya. Bakit ganoon? Kapag kay Hazel, ang lambot niya, sa akin, ang mapang-asar niya.

Inaasar niya ba talaga ako?

"Buti nga, Ma'am, hindi ka nasaktan, eh... Noong nahulog ka mula sa langit."

Pinilit ni Hazel na hindi tumawa. Ako naman ay gusto ko na rin talagang matawa, pinipigilan ko lang dahil kapag natawa ako, alam kong iisipin niya na natutuwa ako sa kanya so I laughed it off sarcastically. And think something na makakapagpataob sa kanya. I will not let this guy win over me. I need to guard my heart, always.

"So anong tingin mo sa akin, fallen angel?"

"Fallen angel?"

Natatawa man ay sinagot ito ni Hazel. "Kuya, usually, sila yong mga nagkakasala nang malaki sa langit kaya pinapababa sa lupa."

"Ah..." Lumingon ito sa akin with a puzzled face. He held his chin while acting like he's really thinking hard. "Hmm? Hindi naman. Ako kasi ang na-fall, eh."

Deal With Klairey Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon